Kabanata 3

1404 Words
Hindi inaalis ni Naila ang tingin kay Eros habang ito ay papunta sa kanya. Nagwapuhan siya kay Eros nang makita niya ito. Nang nasa tapat na ni Naila si Eros ay nagulat siya nang kinuha nito ang kanan niyang kamay at hinalikan ito. Naramdaman niya ang halik nito. Ang labi nitong malambot. Napaawang siya ng kanyang labi. Nagulat talaga siya. Halik pa lang nito sa kanyang kamay pero para siyang kiniliti sa ginawa nito. Nakatingin lang si Naila kay Eros. Hanggang sa, ini-angat na nito ang ulo nito at nagtama ang kanilang mata. Ngumiti ito sa kanya ng bahagya. "Nice to meet you, Naila. I hope na magkakilala pa tayo ng husto," mapang-akit na sabi ni Eros sa kanya. Hindi alam ni Naila kung ano ang sasabihin niya kay Eros. Nagulat pa rin siya sa ginawa ni Eros kanina. Tingin niya ay may kung ano kay Eros na hindi niya ma-ipaliwanag. Gwapo nga si Eros. Malakas ang dating nito sa babae. Kay gandang mga mata nito na kulay asul at ang tamang kapal ng kilay nito. At tamang nipis ng labi nito at mala-perpektong tangos ng ilong nito na nababagay sa mukha nito. Pero walang nararamdaman si Naila kay Eros nang una niyang makita ito. Tingin niya ay babaero ito. Ngumiti si Naila kay Eros at tumango lang siya dito. Napatingin si Naila kay Erna nang ito ay sumingit sa kanilang dalawa ni Eros. "Masyadong mahiyain pala itong si Naila, Aila. And one more thing. Eros and Naila are looking good together," masayang sabi ni Erna habang nakatingin kina Naila at Eros na magkatabi. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Eros. Pero nagulat si Naila ng kinindatan siya ni Eros. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ni Eros at nagkasalabunong ang kilay niya dito at pagkatapos ay inirapan niya ito. Ibinalik niya ang tingin niya kina Erna at Aila. Sinasabi ko na nga ba... "Iwan muna namin kayong dalawa dito para naman magkakilala naman kayong dalawa ng husto," sunod pang sabi ni Erna sa kanilang dalawa. Umalis na agad ang kanilang mga ina at silang dalawa nalang ni Eros ang na-iwan sa living room. Na-upo nalang si Naila sa mahabang sofa. Akala niya ay uuwi na sila ngunit mukhang magtatagal pa sila. Inilabas niya ang kanyang cellphone sa kanyang mini bag at nagsimula na naman siyang maglaro dito. Habang naglalaro si Naila ay napapansin niya sa kanyang pheripheral vision niya si Eros na na-upo ito sa kabilang sofa na katapat niya. Tahimik lang silang dalawa na wari'y walang gustong bumasag ng katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa. Sa paglalaro ni Naila ay nararamdaman niya ang tingin ni Eros sa kanya. Gusto na niyang sabihin dito na na-iirita siya kapag may tumitingin sa kanya ngunit ayaw niya naman na ipakita kay Eros ang pagka-inis niya dito. Ipinagpatuloy niya nalang ang paglalaro niya sa kanyang cellphone. Hanggang sa si Eros na ang bumasag ng katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa. "So Naila, how old are you?" bungad na tanong ni Eros sa kanya. Napatigil sa paglalaro si Naila. Tumingin siya kay Eros at sinagot ang tanong nito. "24. And you?" balik din na tanong ni Naila kay Eros. Hindi sa interesado si Naila kay Eros ngunit ayaw niya lang na maging bastos dito. "26," sagot naman ni Eros sa kanya. "Are you single?" "No," tipid pa rin na sagot ni Naila kay Eros. Kita ni Naila sa mukha ni Eros ang pagkagulat. Sa itsura pa lang ni Naila ay tingin na sa kanya ng iba ay mahirap siyang ligawan. "But can we have some time to hangout together if you want. Hindi naman magagalit ang nobyo mo dahil magkaibigan naman tayo." Sabay ngisi ni Eros sa kanya. Napataas ang isang kilay ni Naila sa sinabi ni Eros. Alam niya na magkaibigan ang mga magulang nila. Pero hindi ibig sabihin nito ay pati sila ay magkaibigan din. Isa pa ay ngayon lang sila nagkakilalang dalawa. Isa rin sa iniisip ni Naila na maaaring nakikipaglandian ito sa kanya. Anong tingin niya sa akin? Madaling pumayag? "Hindi ako lumalabas na may kasamang lalaki--- except sa boyfriend ko," prangkang sagot ni Naila kay Eros. Napansin na naman ni Naila ang pag-ngisi ni Eros. "Masyado ka naman na loyal sa boyfriend mo." Tumayo si Eros at lumapit sa kanya. Nagulat si Naila nang yumuko si Eros at itinapat nito ang bibig nito sa tainga niya. "Bakit? Loyal din ba siya sa iyo?" bulong ni Eros sa kanya at pagkatapos ay umalis na ito. Tila na-estatwa sa pagkaka-upo si Naila sa bulong ni Eros. Napatingin siya kay Eros na likod nalang ang nakita niya dito habang naglalakad ito palabas ng living room. Parang binigyan siya ni Eros ng iisipin. Napaka-weird ng taong 'yun... 'bzz' Sa pagkatulala ni Naila ay naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone. At dahil hawak niya ang cellphone niya ay tiningnan niya nalang kung sino ang nag-text sa kanya. From: Baby Nandito ako sa fountain. Agad naman na nag-reply si Naila at matapos iyon ay umalis na siya sa living room at pinuntahan niya na ang kanyang nobyo. - Fountain - Nakarating na si Naila sa fountain. Nakita niya ang lalaking nakatalikod. Nakatayo ito habang nakapamulsa. Alam niya na ito ang nobyo niya. Biglang naka-isip ng kalokohan si Naila. Kaya naman ay dahan-dahan siyang naglakad ng walang ingay upang hindi maramdaman ng nobyo niya ang mga yabag niya. At nang nasa tapat na siya sa nakatalikod niyang nobyo ay dahan-dahan din siyang tumingkayad. Tinakpan ng mga kamay niya ang mata ng kanyang nobyo. "Hulaan mo. Sino ito?" masiglang sabi ni Naila sa kanyang nobyo. "Hmm?" Nag-isip pa ang nobyo ni Naila na animo'y hindi siya kilala nito. "Yung girlfriend kong maganda." Hindi pa rin inaalis ni Naila ang kamay niya na nakatakip sa mata nito. "Sure ka na ba?" Pinipigilan lang na tumawa ni Naila sa kanyang nobyo. "Oo. Sure na sure ako," wika pa rin ng nobyo ni Naila. Kinikilig si Naila kahit iyon lang ang sabihin ng nobyo niya sa kanya--- na talagang siya lang at sa kanya lang ang nobyo niya. Tinanggal ng nobyo ni Naila ang kamay niya na nakatakip sa mata nito. Humarap ang nobyo niya sa kanya. Nagulat siya nang yakapin siya ng nobyo niya. Niyakap niya din ito pabalik. "Nami-miss na kita, baby. Kahit nakita na kita kanina pa," wika ng nobyo ni Naila. Napa-ngiti naman si Naila. "Parang ayaw mo naman akong umalis sa tabi mo," wika naman niya sa nobyo niya. Naramdaman ni Naila na mas lalo pang humigpit ang yakap ng nobyo niya sa kanya. "Oo naman. Mahal po kasi kita. Kung pwede lang na magsama tayo at magpakasal ay gagawin ko. Ngunit ayaw sa akin ng mama mo," malungkot na sabi ng nobyo ni Naila. Nalungkot naman si Naila sa sinabi ng nobyo niya. Ang magulang ni Naila ay hadlang sa kanilang dalawa. Hindi gusto ng ina niyang si Aila ang kanyang nobyo para sa kanya. Dahil sa ang tingin ng magulang ni Naila sa nobyo niya ay mukhang pera lang ang habol nito sa kanya. Pero naniniwala si Naila sa kanyang nobyo na hindi pera ang habol nito sa kanya dahil ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. "Hayaan mo at matatanggap ka rin ni mama. Huwag kang mag-alala." Pagbibigay ng lakas ng loob ni Naila sa nobyo niya. "Basta, huwag mo akong susukuan." 'rustle' Napakalas sina Naila at ang nobyo niya sa pagyakap nang may marinig silang ibang bagay. Napatingin sila sa isang gawi kung saan may isang lalaki na nakatayo. Eros? Nanlaki ang mata ni Naila nang makita niya si Eros. Sa lahat ng taong makakakita sa kanila ay si Eros pa ang taong iyon. Nakita ni Naila ang walang ekspresyon ang mukha ni Eros. Hindi katulad kanina sa living room na nakikipaglaro ito sa kanya. "Sorry. Nagkamali ata ako ng daan. Balak ko sanang magpahangin dito ngunit may magkasintahan pala dito. Pasensya na at naka-istorbo ako," walang emosyon na sabi ni Eros sa kanilang dalawa. At umalis na din ito. Hindi pa rin maka-get over si Naila. Nanlamig ang buo niyang katawan. Baka sabihin ni Eros ang nakita nito sa fountain. "Sino 'yun?" tanong ng nobyo ni Naila. Napalingon naman si Naila sa kanyang nobyo. "Ano--- Siya 'yung anak ni Mrs. Robertson," wala sa sariling sagot ni Naila sa kanyang nobyo. Tingin ni Naila ay nakakatakot si Eros. May kung ano na hindi niya talaga ma-ipaliwanag dito. Mas nakakatakot siya kapag seryoso ang mukha niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD