Ngunit, sa pagmamasid ni Eros sa babae ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang kinuha ang cellphone sa ibabaw ng side table. At ang ina niyang si Erna ang tumawag ulit. Sinagot naman niya ang tawag ng ina niya.
(Nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay.)
"Wait, mom. May tinapos lang akong papeles," pagsisinungaling ni Eros sa ina niya.
(Bababa ka na ba?)
"Yeah," sagot naman ni Eros.
(Okay. Make sure na bababa ka na talaga.)
"Yeah. I'm on my way there," natatawang sabi ni Eros sa ina niya. Matapos iyon ay ibinaba niya na ang tawag.
Agad naman na inayos ni Eros ang kanyang necktie dahil naluwagan niya ito kanina. At pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto niya.
Hindi naman nagtagal ay nakapunta na si Eros sa living room kung nasaan ang kanyang ina. Napansin niya na may kasama ang kanyang ina na si Erna na isa pang ginang na naka-upo sa kabilang side na upuan. Agad naman siyang pinakilala ng kanyang ina sa kasama nitong ginang.
Mahahalata sa mukha ni Eros na wala siyang sa mood dahil nabo-boring siya sa ganitong okasyon. Puro nalang kasi sila pagpapakilala.
"Eros, do you remember my old friend? Your Tita Aila," sabi ni Erna habang tinuro nito si Aila na nasa tapat nito.
Dahil wala naman matandaan si Eros ay inisip niya nalang na baka ang tinutukoy ng kanyang ina ay nung bata pa siya nito ipinakilala sa ginang. Ngunit matagal na panahon na iyon at hindi na matandaan ni Eros. Sa dami ba naman nilang nakakasalamuha ay hindi na matatandaan ni Eros iyon.
"No. I think I was a child back then when you introduce me to Tita Aila," sagot naman ni Eros habang na-upo sa tabi ng ina niya.
Kita ni Eros na natawa ang kanyang ina na si Erna. "Yeah. I forgot that. Sorry my son. And do you remember your childhood friend? Your Tita Aila's daughter?" tanong pa ulit ni Erna sa kanya.
Umiling si Eros bilang sagot. "Again, I don't remember anyone," walang ganang sagot ni Eros sa kanyang ina. Matagal na iyon at malamang na hindi niya na matandaan talaga.
Well, hindi talaga mahilig si Eros magtanda ng pangalan. Lalo na sa mga babae.
"Well, iho. She's here, my daughter. I don't know where is my daughter. But I texted her that she have to come here so you two will get along again," singit naman ni Aila habang patingin-tingin sa paligid at nagbabasakaling makita nito ang anak na babae.
***
NAKAUPO lang si Naila habang pinagmamasdan ang mga taong nasa party ng mga Robertson. Hindi niya alam kung bakit isinama pa siya ng kanyang magulang gayong hindi naman siya mahilig sa mga ganitong okasyon. At isa pa ay wala siyang pakialamsa mga taong nandito. Kaya naman ay naglalaro nalang siya sa kanyang cellphone. Tutal ay hindi niya naman alam kung nasaan ang kanyang ina. Hinihintay niya nalang na tawagan o i-text siya ng kanyang magulang.
Mahigit ilang oras din siyang nakaupo sa isang tabi. Pero minsan ay tumatayo naman siya upang kumuha nalang ng ma-iinom niya. Sobrang na-iinip na siya at hinihintay niya na talaga ang text o tawag ng kanyang magulang.
'ting'
Napatingin siya sa hawak niyang cellphone nang tumunog ito. Tiningnan niya kung sino ang nag-text. At sa hindi inaasahan ay nag-text nga ang ina niya.
From: Mommy
Naila, iha. Nandito ako sa living room. Ipapakilala kita sa mga Robertson.
Hindi na nag-reply si Naila at tumayo na siya sa kanyang pagkaka-upo. Nag-umpisa na siyang maglakad. Ngunit sa kanyang paglalakad ay napahinto siya nang may kumausap sa kanya.
"Naila. Baby," sabi ng lalaking tumawag kay Naila.
Lumingon si Naila sa taong tumawag sa kanya. Laking gulat niya na ang taong mahal niya pala iyon. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ng lalaki.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang suot mo?" tanong agad ni Naila sa lalaki.
Napansin ni Naila na ang suot ng lalaki ay katulad sa mga nagke-cater at may hawak pa itong tray.
"I miss you, baby. Sabi mo na may party kang pupuntahan kaya naman ay gumawa ako ng paraan. Buti nalang at kailangan pa nila ng magke-cater," wika ng lalaki kay Naila.
"Aww~ I miss you too, baby. Magkasama na tayo kahapon ah. Na-miss mo agad ako," natatawang sabi ni Naila sa lalaki.
"Mahal po kasi kita. Atleast, masaya ako at nakita kita. Ang ganda mo sa suot mo," masayang sabi ng lalaki kay Naila habang nakatingin ito sa damit ni Naila.
Ngumiti si Naila sa lalaki. "Kaya mahal na mahal din kita," balik na sabi ni Naila sa lalaki.
Tumingin-tingin pa sa paligid si Naila. Baka sakaling makita siya ng magulang niya na kausap niya na naman ang lalaking ito.
"Pero hindi mo naman kailangan na gawin 'yan. Pwede naman na mag-text or call tayong dalawa. Baka makita ka pa nila mama at papa," malungkot na sabi ni Naila sa lalaki.
"I know. Pero kilala mo naman ako, Naila. Gagawin ko ang lahat para sa iyo dahil mahal na mahal kita," wika naman ng lalaki.
Ngumiti naman si Naila. Kaya mahal na mahal niya ang lalaking ito dahil lagi itong gumagawa ng paraan upang makita siya nito at makasama siya para lang mapasaya siya.
Sa kanilang pag-uusap ay may sumingit na isang nagke-cater. Napalingon naman silang dalawa ni Naila at ng lalaki dito.
"Bakit nandiyan ka lang? Kumilos ka at marami pa tayong gagawin," sabi ng kasamahan ng lalaki.
"Sorry po. Sige po at gagawin ko na po," paumanhin ng kausap ni Naila na lalaki sa sumingit na nagke-cater. At matapos iyon ay tumingin ito kay Naila upang magpaalam. "Naila, ite-text nalang kita."
Tumango naman si Naila. "Sige. Pupuntahan ko pa si mama. Kausap niya kasi si Mrs. Robertson," sabi ni Naila sa lalaking kausap niya at nagpaalam na siya dito. Pumunta na siya sa living room kung nasaan ang kanyang ina.
- Living Room -
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na si Naila sa living room. Sinalubong siya ng kanyang ina na si Aila.
"Oh here she is. My daughter, Naila," pagpapakilala ng ina ni Naila.
"Hello po sa inyo, Tita Erna," masayang bati naman ni Naila sa mga ito.
Sa pagbati ni Naila ay hindi niya alam na pinagmamasdan siya ng isang lalaking naka-upo sa tabi ni Erna.
Lumapit kay Naila si Erna at nakipagbeso-beso ito sa kanya. "Naku, iha. You are so beautiful."
Matapos iyon ay tumingin si Naila sa itinuro ni Erna na tao na naka-upo. "I would like you to meet my son, Eros," pagpapakilala naman ni Erna sa anak nitong si Eros.
Nakatingin si Naila kay Eros. Kita niya ang mukha nitong blanko ang eksperyon. Tumayo si Eros at naglakad ito papunta sa kanya.