Isang engrandeng party ang ginanap sa mansyon ng mga Robertson. Nagkakasiyahan ang lahat na nagsidalo sa party.
Kasalukuyan naka-upo at nag-uusap sina Mrs. Robertson at Mrs. Cardenas na nasa living room.
"How are you, Aila? It's been a long year since we've met," wika ni Mrs. Robertson habang may hawak itong baso na may wine.
"We are fine, Erna. And our business is good and many clients love our product because you know--- because of our quality," sagot naman ni Mrs. Cardenas. "By the way, what about your son? Eros? I saw him in an article. He is a good looking guy."
"Speaking of my son, I don't know where he is. Just a moment and I will call him. I know that he is here," saad ni Erna kay Aila. Kinuha ni Erna ang phone niya sa maliit na bag niya at tinawagan si Eros.
Ilang tunog pa lang ng pagtawag ni Erna ay sinagot na agad ng nasa kabilang linya ang tawag.
(Hello, mom?)
"Where are you, son?"
(I'm in my room. Why mom?)
"Someone wants to see you. I'm here in our living room."
(Okay-okay. I'll be there in a minute.)
Matapos ang pag-uusap ni Erna sa kanyang anak ay sinabihan niya si Aila na hintayin nalang muna nila si Eros.
***
SAMANTALA, nasa guest room si Eros kasama ang isang babae na kakakilala lang niya kanina. Kakatapos lang nila gumawa ng kababalaghan ng babaeng kasama niya ngayon. Nakahiga lang silang dalawa ngayon sa kama. Sakto naman nang may tumawag sa cellphone niya--- it was his mom, Erna. Sinabihan siya ng ina niya na may gustong makipagkita sa kanya.
Matapos makipag-usap ni Eros sa kanyang ina ay bumangon siya sa pagkakahiga sa kama. Kinuha niya isa-isa ang mga damit niya na nagkalat sa sahig at sinuot ito. Matapos iyon ay tumayo na siya upang lumabas na siya sa guest room.
Nang akmang lalabas na si Eros ng guest room ay biglang nagsalita ang babae.
"Iiwan mo na ko dito?" mapang-akit na sabi ng babae kay Eros.
Lumingon naman si Eros sa babae na nakahiga sa kama at balot ng puting kumot ang katawan nito.
Nakalimutan ni Eros na kasama niya pa pala ang babae. Lumapit siya dito at na-upo sa gilid ng kama malapit sa babae. Inilapit niya ang mukha niya sa babae. Binigyan niya ito ng isang ngiti.
"Oo, tapos na ang ginawa natin, hindi ba?" Binigyan ni Eros ito ng isang ngisi.
Nakatingin lang si Eros ng mapang-akit sa babae. Inaakit niya pa rin ito. Nakita niyang umawang ang labi nito. Agad niyang hinalikan ito ng mariin. Isang mariin na halik lang.
Nang maghiwalay na ang kanilang labi ay ngumisi ulit si Eros. Hindi niya na kailangan pang hintayin ang sasabihin ng babae dahil baka mag-demand pa ang babae sa kanya.
"Thank you for accompanying me," mahinang sabi ni Eros sa babae at sa huli ay hinalikan niya naman ito sa noo.
Tumayo na si Eros at naglakad na siya papalabas sa may pinto nang may pahabol pa ang babae na sasabihin.
"So, what are we?" tanong ng babae kay Eros.
Lumingon na naman si Eros sa babae. "What do you think?" balik na tanong ni Eros sa babae.
Hindi sumagot ang babae. Ngumisi na naman si Eros. Isang ngisi na mapang-asar.
"Hindi maaaring maging tayo, hindi ba? May boyfriend ka pero nandito ka at gumawa ng kababalaghan kasama ang ibang lalaki. So, anong tawag mo sa ganun?" sarkastikong tanong ni Eros sa babae.
Hinihintay ni Eros na magsalita ang babae ngunit hindi na nito sinagot ang tanong niya. Tumalikod na siya sa babae at binuksan ang pinto at lumabas na ng guest room.
Ang kasama ni Eros na babae sa guest room kanina ay may nobyo. Sinubukan ni Eros na akitin ang babae at hindi siya nagkamali na isa itong babaeng easy-to-get. Mukhang inosente at disente na babae pero may tinatagong kati naman pala ito.
Naawa si Eros sa nobyo ng babae na iniwan nila sa garden kung saan nandoon ang party.
Habang naglalakad si Eros ay nakita niya ang nobyo ng babae na nakatalik niya sa guest room.
Napansin ni Eros na iniisa-isa ng lalaki ang guest room. Mukhang hinahanap ng lalaki ang nobya nito. Hindi na nagdalawang-isip pa si Eros na lumapit sa lalaki.
"Hi. Anong kailangan mo? At bakit ka naparito?" bungad agad ni Eros sa lalaki.
"May hinahanap lang ako," sagot naman ng lalaki kay Eros.
"Anong hinahanap mo? Pwede naman kitang matulungan," saad pa ni Eros na animo'y willing siyang tulungan ang lalaki--- na kahit kasama niya ang nobya nito kanina lang.
"Iyong girlfriend ko. Hindi ko makita," wika pa ng lalaki.
Pina-describe ni Eros sa lalaki kung ano ang itsura at anong suot ng damit ng babae. Sinabi naman sa kanya ng lalaki.
"May nakita akong babae na may kasama na lalaki. Nakita kong pumasok sila doon." At tinuro ni Eros ang room kung saan sila nagtalik ng babae. "Tingnan mo nalang kung siya iyon. Sana ay makatulong ako sa iyo."
Matapos iyon ay iniwan na ni Eros ang lalaki. May ngiti sa labi si Eros habang naglalakad siya.
Pero, bago pumunta si Eros sa living room kung nasaan ang ina niya ay na-isipan niya munang pumunta sa kanyang kwarto upang maligo. Ayaw niya naman na maamoy siya ng kanyang ina na amoy pabango ng babae.
Nang makarating si Eros sa kwarto niya at nakapasok na siya sa loob ay dumiretso muna siya sa gilid ng kama at na-upo malapit sa side table niya. Mula sa side table niya ay binuksan niya ang unang drawer at kinuha ang isang kaha ng sigarilyo. Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo at inilagay sa kanyang bibig. Matapos iyon ay kinuha niya rin sa unang drawer ang lighter at sinindihan ang sigarilyo na nasa bibig niya.
Nang masindihan na ang sigarilyo ay humithit muna si Eros at nagbuga ng usok. Hindi rin nagtagal ay na-ubos na din ang sigarilyo niya na sinindihan niya at inilagay ito sa ashtray.
Pumasok na si Eros sa kanyang banyo. Hinubad niya na ang kanyang damit at nagsimula na siyang maligo.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos din na maligo si Eros. Nakasuot na siya ngayon ng formal attire--- it was a black suit. Nasa tapat lang siya sa malaking bintana niya na kitang-kita niya ang mga taong nagsipagdalo sa party. Pinagmamasdan niya lang ang mga tao na nasa baba.
Ngunit, sa kanyang pagmamasid ay may isang tao siyang umagaw sa kanyang pansin. Ang babaeng ngayon lang siya nabighani. Pero hanggang doon lang 'yun. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nabighani sa babaeng iyon. Kung titingnan ay simple lang manamit ang babae. Hindi katangkaran kung ikukumpara sa mga babae niya. Dahil ang mga babaeng ikinakama niya ay talagang ma-irarampa niya kahit saan.
Naka-long gown na puti ang babae at ang buhok nito ay nakapusod at may kulot-kulot pa ito malapit sa tainga nito.
Sinusundan lang ng tingin ni Eros ang babae. Hanggang sa, may napansin siyang kausap nito. Pilit niyang tinitingnan kung sino ang kausap ng babae.