Chapter 5 Photography

3628 Words
Chapter 5 Photography I faked a cough while washing away my thoughts. Gusto kong sapukin ang sarili dahil sa pinagiisip ko. Crush? Oh my gosh, that's so childish. Pero diba sa ganoon naman nagsisimula iyon? I groaned in my head! "You okay?" he asked while keeping his short distance with me. Natutuwa talaga ako sa mga ganap sa labas. Hindi pa ako nakakasagot ay may pumasok na sa convenience store na isang grupo ng kabataan. Napalingon kami doon dahil malakas ang boses nila. Some of the girls looked at us at napansin ko ang pag ngiti at pagsisikuhan nila. I looked at Damian and found him already staring at me. Agad akong umiwas ng tingin. "Ayos lang." Maikli kong sagot. Kapag talaga pumasok sa isip mo na crush mo iyong isang tao, maiilang ka na! Maling mali tayo doon Aisa! "Mainit pa?" tanong pa ulit niya pero hindi ko talaga nililingon. I saw him drink in his water. Pinagmasdan ko nalang iyong akin na halos maubos ko na. "Hindi... na, masyado..." mabagal kong sagot. The view outside started to get orange. Pababa na ang araw at mas dumami nadin ang mga tao sa labas. Ano pa ba ang gagawin namin? Should I asked him to go home or... Should I just tell him that we should go home? Anyway, maaga pa naman. Do I sound like I want to be with him? No. Ma bobored lang talaga ako sa bahay kaya okay na din ito. Kahit naman hindi siya yung kasama I would stay a bit more. I sighed, "I should just buy dinner..." I said to myself. Para hindi na ako mag luto mamaya. Medyo busog pa ako sa mga kinain pero baka mamaya ay magutom ako, nakakatamad mag luto. "We'll eat dinner," Damian said. Narinig na naman niya siguro ako. I finally looked at him and he's just in his usual face. Bago ko pa na proseso ang sinabi niya ay nagsalita na siya ulit, "Where do you want to eat?" Teka lang! Kakain na naman kami? Hindi ko na nga alam kung gusto ko pa ba siyang kasama o gusto ko nang umuwi. Kasi naman! "Kakain lang natin..." mahinang sabi ko. That's true, though! "That's not dinner. Are full already?" his eyebrows shot up while asking. Parang hindi naman niya magugustuhan kung sasagot ako ng oo dahil sa expression niya. My lips twitched, not wanting to answer. "Uhm, I can't eat again right now..." mahinang sabi ko na parang nagiingat sa sagot. Mukha pa akong natatakot. What is happening to me! He stared at me a bit more before nodding, "Later, then." Simple niyang sabi na ikinataas ng kilay ko. I saw how his eyes smile kahit hindi naman visible sa mukha niya iyong ngiti. I tried to act serious and confused. "May gagawin ka pa ba dito?" Tanong ko hindi dinidiretso na bakit kailangan pa ulit namin na kumain. I flip my hair backwards to have a clearer view of him. Nakatagilid lang ako at nakalingon sa kanya dahil hindi ko siya kayang harapin ng buo. Sinundan naman niya ng tingin iyong buhok ko. He paused a bit before answering. Nodding slowly, the side of his lips rose, close to smirking. "We'll eat..." maikiling sagot niya na kay tagal ko pang inabangan. Hindi ko na naiwasan mapaismid at mapakita ang inis. "Hindi naman makausap ng maayos!" naiinis kong sabi. Nakasibangot na ko ng lingunin siya. He's pursing his lips trying to hide a smile. Inirapan ko nga. Kapag ito hindi tumigil, I'uuncrush ko siya! Damn. Kung naririnig niya lang ang nasa isip ko hindi na ulit ako magpapakita sa kanya. "It's true that we'll eat-" "Wala ka na bang friend or what na pupuntahan I mean? Kailangan pa ata ipaliwanag sa'yo ng buo?" naiiritang putol ko sa sinasabi niya. Hindi na niya pinigilan ang pagtawa. Parang tanga. "Kung wala na pwede naman na tayong umuwi?" sabi ko na parang nagtatanong parin. "Pwede ring hindi muna." "Umuwi na tayo!" napalakas na sabi ko dahil sa pagkairita. Hindi naman nagbabago ang tingin niya sa akin. Parang tuwang tuwa siya. I groaned. Napansin ko pa iyong mga nandoon na nakatingin sa amin. I put my hand on my forehead and look ahead. Bahala nga siya diyan. He puts his left arm on the table to try to look at me. Hindi ko nilingon. "Come on..." his statement was followed by faint laughter. Gusto ko siyang tingnan pero huwag na. I felt his hand on my left wrist pulling it lightly. I send him a glare. Pinilit naman niyang pigilan ang ngiti and I heard him clear his throat. Tumayo ako sa kinauupan at tiningala niya ako. Hindi parin nagbabago ang mukha ko. Pinapakitang naiinis talaga. "Ano? Sabi mo tara na." sa maliit na boses na sabi ko. I saw him licked his lips as he got up. Ngayon ako na naman ang nakatingala sa kaniya. "Are we going home?" mahinahon ko nang sabi. I inhaled and exhaled to calm myself. Siguro mahilig lang talaga siyang magbiro o manginis. I shouldn't get affected by it. Hindi naman ako pikon pero hindi ko maiwasan kasi kung hindi ako maiinis sa kaniya baka iba pa ma feel ko. Mas hindi pwede iyon! "Do you really want to go home?" napaangat ako ng tingin sa kaniya. His voice is not void of any playfulness. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa mata ko. I guess he's just messing with me earlier. I blinked and looked away, hindi alam ang isasagot. Akala ko ba uuwi na Aisa? I clench my fist softly as I bit the side of my lips. "I-Ikaw..." tanging sagot ko. "Let's just buy your dinner, then." Hindi ko naman naitago ang pagkagulat sa sagot niya. Should I be happy with that? Napakurap kurap ako at marahang tumango. Akala ko ipupush niya iyong gusto niya. Pero buti nalang hindi diba? Mariin akong pumikit ng tumalikod na siya. I sighed heavily too. Sumunod ako sa kaniya ng tahimik. Hindi na rin naman siya nagsalita. I feel like I did something wrong! We went to his car and he drove to a near restaurant. He just asked me if I'm fine with it and I just said yes. Iyon na iyon. Buong byahe pabalik ay tahimik na kami. I saw him touch his nape and tilted his head a bit na parang nangawit iyon. I looked away when he slightly looked at me. I pursed my lips and played with my fingers. Nang natanaw ko na ang gate ng bahay ay hindi ko naiwasang mapabuntong hininga. What should I say to him? Thank you? Pero siya naman nag aya sakin. Mababaliw na ata ako. I gulped when he stopped in front of the gate. I nervously looked at him. Tinanggal niya iyong seatbelt niya kaya nagsalita agad ako. "Dito nalang ako, you don't need to..." hindi ko na natapos, "Huwag ka nang bumaba." Diretsong sabi ko. His eyebrows furrowed parang hindi natuwa sa narinig. I get the paper bag containing my food and looked at him. I smiled a bit, "Thank you... for today. Mauuna na ako," hindi naman nagbago iyong mukha niya. Dali dali ko nalang binuksan iyong pintuan at naglakad na papasok. Mas mabilis iyong lakad ko na halos tumakbo na. Nang makarating ako sa sala ay halos hawakan ko ang dibdib. Bakit ba ako parang hinihingal na naman. Lakas na naman ng t***k ng puso ko. I shoo the thoughts away and just sat on the couch. Hindi ko siya pwedeng ma crush'an! Ilang araw palang ako dito hindi ko pa nga iyon talaga kilala? Pero diba pag crush lang gano'n naman talaga? Kahit hindi mo pa talaga kilala? Kahit nga makita mo lang minsan nagiging crush mo na. I checked my phone to avoid my thoughts. Nakita kong may message ulit si Maeve doon. Maeve: Check this. Napakunot ang noo ko doon. May naka attach na file sa sinend niya kaya hindi ako nagdalawang isip na buksan. There, are the names of acquaintance ni Daddy. Nakalagay din iyon mga properties nito dito sa Pilipinas. Tiningnan ko ulit iyong message ni Maeve. Maeve: Iyan lang iyong kahinahinala na friends ni Tito. I asked a friend to get their properties. Baka isa diyan iyong factory nila ng drugs. Napahinga ako ng malalim. I don't really know if Dad know the true reason behind my escape. Pwede kasing gusto ko lang dahil alam niya naman kung gaano siya kahigpit sa akin. Hindi na iyon magtataka kung gustuhin ko mang tumakas. I didn't even voice out na alam ko iyong lihim niya pero hindi naman slow iyong si Daddy. I'm sure may hint na siya. But going out alone against him won't surely fear him. Wala akong laban. And I am not aiming to fight him by myself. I just wanted evidence to prove his illegal dealings. Kay Giovan ko parin naman iyon ibibigay. I am sure, he cannot do something there. Bukod sa nagaaral pa siya, magtataka ang Daddy kung bakit bigla niyang gugustuhing bumalik dito. Iyong mga narinig ko mismo kay Daddy noon ay ang pagkuha ng droga sa laboratory sa Pilipinas. Narinig ko iyon ng malinaw mula sa study niya. I was about to ask him something and I overheard it when he was talking to someone. That's when I start to research. I even sneaked out to his computer and that's when I saw it all. Hindi ko lang nakuha ang copy sa kaba ko at pagmamadali. It's surely here in the Philippines. I don't know why pero dito na ata ang pinakamadaling taguan ng illegal na gawain. And recently, mas humigpit ang mga pulis sa drugs. I watched news and read articles about it. Kaya siguro nagiingat din sila Daddy. I sighed and put my hands on my face. Ano bang gagawin ko? Madami! And hindi kasama doon ang mag ka crush ngayon! I need to get a hold of myself. Hindi ako nagpunta dito para doon kaya kung ano man ang nararamdaman ko ngayon, mali. Lagot ako kay Maeve at lalo na sa sarili ko. Hindi ako pwedeng ma distract dahil may kailangan akong gawin dito and having a crush is the least I want to happen. Hindi na dapat kami mag kita ni Damian. Dapat na akong umiwas dahil ako naman iyong may hindi maipaliwanag na nararamdaman. Well, that's typical, iwasan si crush! The next day, I didn't go out of the house. Nag kulong lang ako doon. Kahit pinuntahan ako nila Jennie noong umaga ay sinabi kong may kailangan akong gawin. They tried again noong hapon at nahiya na akong tumanggi. Nagpunta kami sa may palengke dahil may binili sila. Nakita ko naman na parang busy sila sa may harap ng bahay dahil may ginagawa. It's for the barangay's festival. Mga palamuti iyon dahil sila ang na assign doon. I saw the boys na friends nila na tumutulong. "Wala ka bang bibilhin Aisa?" tanong sa akin ni Lisa. Nilinga ko naman ang paningin. Bahagya akong naglakad at tumingin tingin. "That's cute..." I saw some silk pajamas na nakasabit sa mga damitan na parte doon. Wala naman akong pantulog kundi dress padin kaya pwede naman siguro akong bumili. Lumapit ako doon at sumunod sa akin sila Lisa. "Bibili ka?" Jennie asked. I nodded, "Wala kasi akong pantulog na dala. Puro dresses..." I answered honestly. Natawa naman sila, "Nagmamadali ka bang pumunta ng Pilipinas at iyon lang ang dala mo?" The question was innocent coming from them pero iba ang dating sa akin. Kinabahan agad ako. I laughed nervously. "Nakalimutan ko sa sobrang excite. Isa pa masyado na 'kong madaming dala. Buti nga mayroon nito dito..." I sounded okay but I wasn't! Kinabahan talaga ako. They just laughed at me at sila na ang kumausap sa tindera. I got five pairs na iba iba nag kulay. It's cute, though. "Mukhang bagay sa'yo. Pupuntahan kita sa gabi at nang makita ko." Lisa said while chuckling. Umiling nalang ako. Walking back, I immediately saw a man standing in front of their house. Kausap niya ang ilang katandaan na lalaki. Gusto ko agad umatras. My heart beats faster in a blink. I wanted to just run away there. Jennie bump my shoulder when I think she saw Damian. Ayoko ng biruan ngayon dahil seryoso akong natutuliro! Nang makalapit kami ay napalunok ako. Napansin ko ang pagtingin ni Damian sa gawi namin kaya umiwas ako ng tingin. Agad kong hinarap sila Lisa. "Kailangan ko nang bumalik may tinatapos pa talaga ako," seryoso kong sabi sa kanila. They were about to give me those teasing smiles pero agad akong tumalikod. Nahabol naman ni Jennie iyong braso ko. "Seryoso ba?" tanong niya na parang akala ay nagbibiro lang ako kanina. Hindi na ko magkamaliw sa kaba. I nodded multiple times. "Oo. May hindi pa ako na submit sa trabaho ko dati kaya..." "Aisa! Hija, nandyan ka pala." I heard Manang Tess called me. Halos napapikit ako. Damn! Damn! So much for iiwas na ako thing. "Manang..." I said slowly. Sa gilid ng mata ay nakikita kong naka tingin parin sa akin si Damian. Napakamot na ko sa noo. "Halika magmeryenda ka muna dito." Nakangiting sabi niya at halos lumuwa ang mata ko. Hindi pwede! "Ah, hindi na Manang..." "Naku! Nahihiya ka pa rin ba? E halos kakilala mo na itong mga ito," sabi niya na nakahawak sa braso ko. Hindi ko na alam kung paano ngingiti. Aalis na ako e. I saw the boys smiled at me at ibinalik ko naman iyon. Kumaway pa si Gary at ganoon din ang ginawa ko. I almost looked at everyone except him. "Manang kumain na po ako, hindi na ako magtatagal dito-" "Nay, may ginagawa si Aisa kaya mauuna na daw siya. Bukas nalang natin siguro siya isama," I almost hugged Lisa when she butts in. I smiled widely and nodded. "Ganoon ba?" "Pasensya na po..." halos mautal pa ako doon. Napansin ko naman na nakatingin sa akin halos lahat doon. Lupa kainin mo na ako! "Kung gano'n, sumama ka nalang bukas? May gagawin ka ba bukas?" Manang Tess asked in a soft tone. Anong mayroon bukas? Gusto kong tumanggi. Ayoko talagang lumabas. Kita mo nang saglit lang ako ngayon pero nagkaharap parin kami nitong iniiwasan ko. "Magaayos tayo sa may school Aisa, para sa fiesta. Doon napiling ganapin dahil malaki ang espasyo. Ano sama ka?" Jennie eyed me curiously. I bit my lip. "Sumama ka na para makilala mo pa iyong ibang taga rito," James said that it almost shocked me. Tumango naman iyong iba and I feel so defeated! Feeling ko may stiff neck ako dahil hindi ko talaga magawang lumingon sa kanan dahil nandoon si Damian. I nodded slowly, "Okay, anong oras po ba?" sagot ko nalang. Agad pumalakpak si Lisa, "Alas otso Aisa. Pupuntahan ka nalang namin." "No, ako nalang ang pupunta dito..." They seem satisfied with my anwer kaya nagpaalam na ulit ako. I turned to my right to walked pero si Damian lang iyong natanaw ko. Para akong nangangatog. Nang malapit na ako sa kinakaroonan niya ay bahagya siyang naglakad palapit kaya napaurong ako. I nervously looked at him. He has his eyebrows creased. I can sense that he's a bit annoyed by my action. He walked towards me and I looked away and tried to step away from him a bit. I swear sobrang konti lang dapat pero halatang halata na umiiwas ako! His face turned darker when I tried to look at him. Lalong lumakas yung pintig ng puso ko. Magsasalita na dapat siya pero narinig ko iyong tawag ng pangalan niya. Lumingon siya and I grab that opportunity to walk away. Halos takbuhin ko iyong bahay. I walked straight and nothing more. Halos habulin ko ang hininga ng makapasok ako sa kwarto. Akala ko hindi ko iyon malalagpasan! Para akong sumabak sa exam doon ah. I tried to inhale and exhale to calm my nerves. Ganoon ko ba siya ka crush? Hindi naman ako ganito sa mga crush ko noon ah? 'Pag ito nalaman nila Jennie magpapakain nalang ako sa dagat. Mabubusog na ako dahil kinain ko lahat ng sinabi ko. I tried to sleep peacefully that night. Maaga din akong nagising dahil ayokong mahuli at baka isipin ay pa importante ako. Nag almusal muna ako pag kagising. I also fixed my bed and after that, I decided to take a bath. Hindi ako nagmadali sa pagaakalang maaga pa pero halos takbuhin ko na iyong dresser nang makita ang oras. Pinili ko ang isang puti na dress. It's a spaghetti strap sweetheart dress with a self-tie front bow. Nagtagal ulit ang tingin ko sa salamin. Bagay naman pala sa akin ang mga dresses. Umabot iyon sakto sa aking tuhod. I liked the minimal flowers on it. Nang naalala ang oras ay nagmadali na ako. Gaya kahapon ay nag lip tint lang ako. I put it in my wristlet dahil feeling ko ay magtatagal kami doon. I decided to blow dry my hair pero hindi na natuyo ng maayos dahil late na talaga ako. Nagmamdali akong lumabas pagkatapos ilock iyong bahay. Hinihingal pa ako pagdating doon. Naroon na sila Lisa na agad akong nginitian. "Kabog talaga ang mga dress!" nagbibirong sabi niya. Ililibre ko talaga si Maeve dahil dito. Napagalaman ko na nauna na iyong iba sa school kaya kami kami nalang din ang sabay sabay. They are both wearing a short and fitted shirt. Napansin kong bagay kaya sakin ang short hair? Si Jennie kasi ay sakto hanggang balikat iyong buhok. Nakakabata daw tingnan kapag gano'n e. Nang makarating sa school ay isa lang talaga ang hinahanap ng mata ko at nang makita na wala siya doon pati ang sasakyan niya nakahinga ako ng maluwag. "May hinahanap?" nangaasar na tanong ni Jennie. I looked at her, confused. Syempre kailangan din umarte. "Anong sinasabi mo?" Natawa siya sa akin at hindi nalang ako pinansin. Si Lisa naman ay panay ang bati sa dumadaan. Medyo marami ngang tao ang naroon. "Badtrip nga pala si Damian mo kahapon Aisa! Nag away kayo?" sabi sa akin ni Lisa. Jennie left to talk to someone kaya siya itong naiwan sa akin. Mabagal lang kami maglakad and I find that fine. Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Bakit naman kami magaaway?" I casually said. Gusto kong palakpakan ang sarili sa galing kong umarte. "So Damian mo nga?" she asked teasingly. Napairap agad ako. Kahit saan talaga ay hinuhuli nila ako. "Ewan ko sa'yo." I answered and walk faster. I heard her chuckles before she comes up with me. "Pero seryoso, badtrip siya kahapon. Kahit laging mukhang galit iba yong mukha niya kahapon e. Nakita ko ngang hinabol ka ng tingin noong umalis ka. Hindi ka nalang hinabol dahil may kausap. Ikaw ha! Anong ginawa niyo noong isang araw?" I bit my lip while listening to her. Kung dadating iyon dito... sana talaga huwag! Hindi ko alam ang gagawin ko. "Wala. May binigay lang siya kay Mayor. Family friend ata nila." "Bakit kasama ka?" nangiintriga niyang tanong. Well, tanong ko din iyan pero hindi ko masagot dahil hindi ko alam. Kung hindi ako sumama kahapon siguro hindi ko iyon ma c'crush'an! Naiinis din ako sa sarili ko e. "Ewan ko Lisa. Bahala ka nga riyan!" naiinis kong sagot na hindi naman niya sineseryoso. Nang makalapit kami ay agad akong sinalubong nila Manang Tessie. I'm really happy though, that they are very welcoming here. Kahit hindi naman nila ako kilala ay parang tinuturing akong kapamilya. "Nagalmusal ka na ba?" simpleng tanong niya sa akin. "Ah opo, sa bahay." Tumango siya sa sagot ko. Nang may sinimulan silang gawin ay nagprisinta na kaming tumulong. They were doing the decorations for the stage. Iyong stage naman ay ginagawa pa dahil dito sa soccer filed ang venue. Mas malaki kasi ito kumpara sa gymnasium. Habang nag aayos ng tela ay napansin ko ang ilang kababaihang nagbubulungan. Ipinakilala sa akin iyon kanina nila Jennie. May pahabol pa ngang bulong na hindi daw nila type ni Lisa iyon dahil maarte. Natawa nalang ako. Nang tinitingnan ang gawing nililingon nila ay gusto kong italukbong sa akin ang kawak kong tela. Akala ko hindi iyan pupunta dito? Tahimik kong kinalma ang sarili at umiwas nang tingin. I tilted my head and looked at another way. Dahan dahan din akong lumipat ng pwesto para hindi na siya matanaw. Malayo palang siya nakita ko na iyong seryoso niyang mukha. I shook my head. I should focus on what I'm doing. Marahan kong pinagpag iyong tela. Medyo nahirapan ako doon at nang makita si Lucas na hinawakan ang kabilang dulo ay napangiti nalang ako. "Salamat," I sincerely said. "Huwag kang mahihiyang humingi ng tulong. Kaibigan mo narin kami." Mahinang sabi niya. I smiled at him. I never have many friends back then now, I'm genuinely happy. Wala akong nasabi at tumango nalang. "Sanay ka ba sa ganito? Baka nahihirapan ka ah?" Tumingin ako sa kanya at nakita ang kuryosidad at pagaalala. Umiling naman ako sa kaniya. I may not be used to these kinds of things, I can learn it. Madali lang naman. "Ayos lang ako," nahihiya kong sabi. Baka akala naman nito ay buhay prinsesa ako. "Hanggang kailan ka nga pala dito? Hindi ba nagbabakasyon ka lang?" he strikes a conversation. Hindi ko naman talaga alam ang sagot doon kaya, "I'm not sure. Kapag na bored na siguro ako." I shrugged and laughed. Pinapakita na hindi naman ako seryoso. Tinupi sa gitna iyong tela kaya sinundan ko nalang siya. "Lagi ka naming aaliwin kung gano'n." I laughed at him. Baka mamaya ay magustuhan ko narin nga dito. Kung pwede lang talaga. Halos napasigaw naman ako ng may malakas sa bumagsak. I looked at my right and saw Damian fixing things. May kahoy siyang inaayos at mukhang iyon iyong binagsak niya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD