Chapter 7 Friends

3488 Words
Chapter 7 Friends I didn't do much in the next few days. Abala sila Jennie at Lisa sa fiesta kaya wala rin akong nakausap masyado. I stayed in the house and I just watch TV. Nang dumating ang Friday ay naexcite na ako dahil ngayon ang dating nila Maeve. Naghalughog ako ng pagkain sa refrigerator para may maluto. I woke up early for that because I need to research what to cook and how to cook it. Nilabas ko lahat ng pwedeng magamit at sinimulan na iyon. I decided to cook beef broccoli and carbonara. Ayos na iyon dahil dalawa lang naman sila. Isa pa, dapat matuwa sila dahil nag e'effort ako. I research what's the step in cooking it and I find it a little hard. Napabuntong hininga nalang ako pinagpatuloy na. Bahala na. Kung hindi nila magustuhan, bahala sila. Niluto ko iyong rice habang hinihintay na lumambot iyong beef, good thing, may rice cooker. I spent almost two hours cooking... or hindi lang. Hindi ko na napansin. Nang magtext sa akin si Maeve na malapit na sila ay naligo ako at nagbihis na. I wore a red flounce hem off-shoulder dress. Sinuot ko rin iyong kwintas na soot ko noong umalis. "Aisa!" Hindi ko pa natatapos ayusin ang buhok ay tumakbo na agad akong palabas. There, smiling while arms crossing over her chest is my best friend. She kind of hide her smile as I took a look at her from head to toe. From her white sneakers, faded ripped jeans, and black tube top with three front buttons, I hugged her immediately. "I missed you!" hindi ko napigilang sigaw. Tumawa naman siya sa akin at ginanti ang yakap. "I missed you..." mabagal at makahulugan niyang sinabi. I withdrew from the hug and looked at her. I feel like tearing up! She's like a family to me and now seeing a family makes me so emotional! Huminga ako ng malalim at umiling. "Naiiyak ako Aisa huwag mo kong tingnan ng ganyan!" sabi niya sa akin. Lalo lang akong naiyak dahil doon, "Namiss talaga kita! I am so lonely for the past weeks!" naiiyak na sabi ko. Hinila naman niya ulit ako at niyakap. We are savoring the moment when someone speaks up, "Do I get a hug too?" I looked only to see Leonel carrying some leather bags and paper bags. I smiled at him. "Leonel!" humakbang ako at inilahad naman niya ang braso sa akin pagkababa nang mga dala niya. "Mas lalo ka atang tumangkad?" sabi ko at kumalas sa yakap niya. Natawa naman siya sa akin. "You didn't tell me you'll be back," bungad niya sa akin kaya napairap ako. "I didn't tell anyone." Sabi ko nalang sa kaniya. Only Maeve knows the truth about my stay in here, "Walang nakakaalam kaya huwag kang madaldal ha!" I heard Maeve laughed at sinimangutan lang ako ng kaharap ko. "Huwag kang magalala Aisa, na'briefing ko na iyan!" Maeve told me. Tumango naman ako doon. Hindi ko alam kung anong palusot ang sinabi ni Maeve dito at naniwala naman. Hinila ko naman na sila sa kitchen pagkatapos. "You cooked?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Maeve. I shrugged at her and smiled. "Nakakabuti ata ang punta mo dito! Huwag ka nang umalis!" malakas na sabi niya. Now the house looks alive. Sa ingay at daldal niya ay buhay na buhay ang buong kabahayan. Umupo ako sa counter top at pinagmasdan siyang tingnan iyong pagkain. Ganoon din naman ang ginawa ni Leonel. "Hindi naman siguro kami malalason dito, 'no?" my only guy friend, asked. Gusto ko siyang sabunutan doon. "Sige itry mo. Kapag nalason ka at namatay, sagot ko na libing." Naiinis na sabi ko na ikinatawa niya. Hindi na niya ako sinagot at siya na ang kumuha ng pinggan para sa amin. Tumabi naman sa akin si Maeve at bumulong, "baka naman may pinagluluto ka dito Aisa?" mahinang sabi niya na may nakakalokong tingin. I poked her forehead and rolled my eyes. "Hindi ko talaga alam kung anu ano iniimagine mo na ginagawa ko dito." She only laughed at what I said. Hinagod niya pa akong tingin at lalong ngumiti ng nakakainis. "Bagay pala sa iyo iyang mga dress! Nagreklamo pa noong una." Well, I'll give her that. Bagay naman nga sa akin iyong mga dress at natutunan ko na ring masanay na ganito ang soot. "Oo na. Thank you for the dress Maeve..." I sarcastically said. Nang handa na ang utensils ay nagsimula na ding kaming kumain. Hindi kami nagbubukas ni Maeve ng topic about sa akin dahil nandoon si Leonel. That's fine though. Enjoy'in muna namin ang ganito. "Ano ang pwedeng gawin dito Aisa?" Leonel asked while eating. Bahagya akong nagisip. Wala pa talaga akong nagagawang water activities dito at hindi ko rin alam kung saan mayroon. Umiling ako ng marahan, "Hindi ko alam. Hindi pa nga ako nakaligo sa dagat," I honestly said. Sabay naman silang napalingon sa akin na parang tinatanong kung seryoso ba ako. "I don't have someone to swim here. Ayokong magisa 'no. Isa pa, na rerelax naman ako kahit nasa dalampasigan lang." Maeve groaned and Leonel just smiled and continued to eat. "Maligo tayo mamaya!" sabi ni Maeve at hindi na ako umangal. Nang matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas. Sinabi ko na mag lakad lakad muna sila sa labas. Tutal ay pahapon na kaya hindi na masyadong mainit. Hindi naman sila umangal sa luto ko so I guess it's fine. Nang matapos akong maglinis ay agad akong sumunod sa kanila sa labas. I saw them running around the sand. Napangiti ako. Namiss ko talaga sila. Parang ngayon lang kami nagkita na I feel so free. Nakita ko ang inis na mukha ni Maeve habang hinhabol si Leonel. Lumapit ako, "Isa pang banggit mo nang pangalan ng lalaking iyon kakalbuhin kita!" pagalit na sabi ni Maeve, hindi ko na naiwasang matawa. "Crush mo padin iyon?" natatawang sabi ko. Humarap naman siya sa akin at mas lalong nainis. "Crush who? Ew! Huwag niyo ngang babanggitin ang pangalan ng siraulong lalaking iyon! Kumukulo ang dugo ko!" naiinis na sabi niya at ginulo pa ang buhok ko. Nagkatinginan kami ni Leonel at sabay natawa. Hindi talaga napipigilan ang bibig ng babaeng ito! Sinamaan niya ako ng tingin and I pursed my lips. Nagtaas naman ng dalawang kamay si Leonel na parang sumusuko. Lumapit ako kay Maeve at inangkla ang braso ko sa kanya. "Let's go to Manang Tessie. They'll be thrilled to see you," mahinahon kong sabi. She sighed annoyingly. "Fine," Agad kaming lumakad tatlo patungon kila Manang Tessie. Nakita ko nang may mga tao roon. I saw Dom and James talking. Nagulat ako ng huminto si Maeve. I curiously looked at her. "Ganda naman nitong bahay. Kilala mo may ari Aisa?" inosente niyang tanong habang nakatingin sa bahay ni Damian. I want to curse myself. Bigla akong kinabahan wala pa naman. Nagtataka siyang lumingon sa akin at naghihintay ng sagot. Leonel is busy looking at it too. "Ah, oo nakita ko na m-minsan..." I followed it by an awkward laugh. Pinili ko ang pinaka safe na sagot. Tumango tango naman siya. Kung dinagdagan ko ang sinabi ko ng 'nakita ko na siya minsan' sigurado akong magtatanong siya nang 'sinong siya? Magisa lang?' Oh my gosh I don't want any of that! Tumango tango ito at nagsimula na ulit maglakad. Gusto kong bumuntong hininga ng malakas. Buti nalang wala dtto iyong lalaki na 'yon. Kung hindi, tatama lahat ng bintang sa akin ni Maeve na may gwapo nga dito. "Maeve, hija! Hindi ko alam na dadating ka!" masayang bati ni Manang Tessie sa amin. Wala sila Lisa kaya napalinga pa ako. "Biglaan lang din Manang, kamutsa po?" she politely asked, "Ito nga po pala si Leonel, kaibigan po namin." I saw Leonel flash his killer smile. Napailing nalang ako. "Magandang araw po," bati niya. "Magandang araw din hijo. Naku! Kumain na ba kayo? Ipaghahanda ko kayo," "Huwag na po Manang. Kumain na po kami sa bahay." Pigil ko. "Nasaan po sila Lisa?" sunod kong tanong. "Ay naku, may inutos ako sa plaza. Baka mamaya pa iyon makabalik." Sagot naman sa akin ni Manang. I saw Dom and James looking at us kaya kinawayan ko. "Sige Manang. Saka ko nalang sila ipapakilala. Hindi pa pala nila na meet si Maeve." Tumango tango naman sa akin si Manang Tess nang nakangiti. Pagkatapos doon ay lumapit ako kila James at pinakilala sila Maeve. "So ikaw talaga ang may ari noong bahay?" tanong ni Dom. Tumango naman si Maeve. "Yes. Aisa is looking for someplace for vacation kaya sinuggest ko." Masayang sabi niya. Tumango naman ang huli. Nagusap pa sila sa kung anu ano bago napagpasyahan ni Maeve na maligo na kami sa dagat. Hindi naman na ako nagreklamo dahil mukhang excited siya. Hinatid naman namin si Leonel sa kwarto na gagamitin niya at saka kami nagpunta sa kwartong tinutuluyan ko. "I brought more clothes for you Aisa." Sabi niya sa akin at ibinigay iyong paper bags. Binuklat ko at tiningnan iyon. Puro dresses ang nasa isang paper bag. Some pants and tops. Napangiti naman ako. "Thank you! I love you na talaga!" masayang sabi ko. Binuklat ko pa ang iba at mga sapatos naman iyon. Sandals to be exact. "Anong thank you, bayaran mo iyan!" natatawang sabi niya. Umiling ako at inayos na iyon sa closet. "Anong isusot mo?" tanong niya sa akin at napanguso ako. I have swimsuits na sa kaniya rin galing dito pero ayokong magsuot noon. I am confident with my body but I am very shy! "Hindi ko alam..." I truthfully said. Inirapan naman niya ako. "Ayokong mag swimsuit!" agad kong habol nang nakita siyang nagbubuklat sa closet. "Ano susuot mo? Jacket?" I groaned. Hinayaan ko na siyang maghalungkat doon. Naupo nalang ako sa kama at pinagmamasdan siya. Napanguso ako sa bawat hawak niya ng damit at pagiling. Sa huli, isang black two-piece na may white lining sa gilid ang napili niya. Magsusuot ako ng dress! Bahala siya dyan. Kinuha ko iyong swimsuit at naghanap din ng dress na pwedeng ipangpatong. Nang makalabas sa banyo ay agad niya akong inirapan. "Ano ba iyan Aisa! Hindi na uso conservative!" naiinis niyang sabi sa akin. Pinatungan ko kasi ng isang periwinkle crochet panel cami sundress iyong swimsuit ko. It looks fine actually. Gusto ko nga e. Ngumuso lang ako sa kaniya at inayos ang buhok ko. She groans at me and hurriedly went to the bathroom. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. The dress is backless so it's a bit revealing too. Hindi ko alam kay Maeve kung bakit ayaw pa nito. Nang lumabas siya sa banyo ay napailing nalang ako. She wore a bright red two-piece. It complements her fair skin and actually looks good. Confident na confident naman siya kaya wala na akong sinabi. "Tara na dali!" excited na sabi ni Maeve pagkatapos maglagay ng sunblock. Nilagay ko nalang iyong towels sa porch ng bahay dahil wala namang loungers sa labas. Sabi ni Maeve ay balak niyang lagyan pero hindi pa lang naasikaso. Paglabas namin ay nakita na naming si Leonel doon. He looks a bit annoyed. "Ang tagal niyo!" umirap naman si Maeve at natawa lang ako. "Ang bagal ni Maeve kumilos," sagot ko. "As usual." Aniya. Hinampas naman siya ni Maeve. Naunang maglakad si Leonel at sinalubong ang alon. Naupo muna ako sa may shore at ganoon din si Maeve. "What did you tell him about me being here?" mahinahon kong tanong. Napalingon naman siya sa akin, "Told him, you had a family problem and you don't want to disclose it any further. Hindi na siya nagtanong." Nakakalokong sagot niya. Napangisi at ngiti nalang ako. Buti nalang din ay understanding si Leonel. Kahit noon pa naman. Kapag minsan ay may problema ako at ayaw kong ipaalam, he won't budge. He'll just stay until I feel better. Kahit hindi kami laging magkasama katulad ni Maeve. "Thank you... ulit," I said not looking at her. I sighed slowly. "Ang dami ko nang utang sa'yo." Pabiro naman niyang siniko ako. "Huwag ka kang emotional diyan! We're friends diba? Friends help each other!" "But this one is big..." mas mahinang sabi ko. Napayuko ako at napapikit ng mata, "I don't even know what danger this might be." I heard her sighed and looked at me. "Big or small, Aisa, a friend is a friend. We're like sisters, right? Kahit ano pa iyan. I am not here because I pity you or something kaya huwag mo ring iisipin iyon. I just love you, okay? And if this... if this makes you feel better, I'm okay with everything." I tried so hard to keep my tears away. "I don't know what to do without you..." I said almost cracking my voice. "Huwag mo nga akong paiyakin! To make you feel better, please tell Kuya Giovanni not to hunt me down after this!" natatawang sabi niya sabay punas ng mata. Natawa narin ako sa kaniya. My heart feels so light that I almost forget my problems. Masaya lang ako na nandito siya. I am so happy to see and feel that someone is on my side, fully trusting me and loving me. "Won't you two swim?" sigaw ni Leonel sa malayo. Sabay kaming napalingon ni Maeve doon. "Kahit kalian talaga panira ito," naiinis na sabi niya saka tumayo. "Tara na nga Aisa!" Agad naman akong sumunod, the warm, harsh waves touch my feet and I immediately felt thrilled. Tuloy tuloy lang si Maeve doon at mabagal naman ang lakad ko. Dahan dahan, nabasa iyong dress na soot ko. I stopped when the water reaches my lower chest. It slightly wet the tip of my hair too. Nakita ko naming basana pati buhok ni Maeve kaya mas lumapit na rin ako, tumigil nang sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin pa ang mas malayo. "You still didn't learn how to swim?" tanong sa akin ni Leonel na bahagyang lumapit sa akin. Umiling ako sa kanya. Hindi ko na matanaw si Maeve marahil ay ineenjoy na ang sarili sa ilalim. "No..." bumalik ang tingin ko sa kaibigan at napanguso. "Ayoko," dagdag ko. Tumawa naman siya at sinabuyan ako ng tubig. "Hey!" I said, protesting. He laughed at me when I tried to do the same, "You should try! Hindi mawawala iyong phobia nang ganyan..." sabi niya nang tumigil ako. "It'll get worse if I try. Sagipin mo nalang ako kapag nalunod!" I joked. Matalim naman niya akong tiningan. "At kung wala ako?" seryoso niyang tanong. Sumimangot naman ako sa kaniya. "Huwag ka ngang seryoso! Hindi naman ako naliligo dito magisa. First time ko nga e!" parang bata kong sabi. Nagtagal pa ang tingin niya sa akin bago ako sinabuyan na naman ng tubig. I groaned. Ang lakas noong kanya kaya lugi ako! Napalingon ako kay Maeve nang makita siya. Suddenly an idea pop in my mind. Umiwas ako kay Leonel at sinamaan siya ng tingin. "Maeve! Leonel is blabbing about your boy!" I shout at nakita ko naman ang paglaki ng mata ni Leonel. "I don't have a boy!" she said while looking at him darkly. Leonel quickly puts his hands up. "She's lying!" he said accusing me with his eyes. Natawa nalang ako. I fixed my hair nang tumama iyon sa mukha ko. Napalakas ang tawa ko noong hinabol ni Maeve si Leonel. "Alam mo? Dapat hindi na kita sinama dito!" rinig kong sabi niya. Nailing nalang ako at napagpasyahang umahon muna. I turned my back to them and looked to the shore. Napataas ang kilay ko nang may makitang nakatayo doon. Hindi malinaw kung sino dahil medyo malayo ako. I walked slowly while fixing my hair. Nang makalapit at naging pamilyar ang bulto niya ay halos huminto ako. Kailan pa iyan nandito? I felt my heart pound and I almost catch my breath. Saglit kong pinasadahan ang sarili bago tuluyang naglakad. Bakit ko ba naisipan na magpahinga! The waves didn't help because it ruins my dress every time it touches me. Nilingon ko si Damian and he's looking at me with his dark eyes. With his built and height, he's standing proudly like wanting to be seen. Umiwas ako at bahagyang inayos ulit iyong dress ko nang umabot nalang sa binti iyong tubig. What should I say to him? Bakit ba siya nandito? Nang makalapit ako ay hindi naman siya gumalaw sa kinatatayuan. Nagangat ako ng tingin. Hindi nagbabago ang ekspresyon niya sa akin. His eyes moved from my face to my clothes. I pursed my lips. "Kailan ka pa nandito?" mahinahon kong tanong. Binalik naman niya sa akin ang tingin. "Just now." His baritone voice filled my ears. Nagiwas ako ng tingin at napanguso. "Akala ko next week ka pa." sabi ko nalang. He took a step forward at agad akong napalingon sa kaniya. Sinalubong iyong mata niya na hindi ko maintindihan kung anong mayroon. He is wearing his serious face matching his dark blue shirt and khaki shorts. "I didn't say that," agap niya. "Akala ko nga." I pursed my lips after. Nang maalala ang kaibigan ko na nagbabangayan sa dagat I almost closed my eyes firmly. Maeve would literally snatch my hair! Hindi nagsalita si Damian at tila tinitimbang iyong reaksyon ko. Matapang naman akong humarap sa kaniya, "Wala ka bang gagawin? Bakit ka nandito?" kadadating lang daw niya e. hindi ba siya pagod? Ayaw niya magpahinga or something? He tilted his head and looked at me more intensely. Parang binubulay bulay iyong tanong ko. "Who are they?" he asked as he looked at the sea. Wala sa sarili din akong napalingon doon. Good thing, naglalaro na parang bata iyong dalawa. I sighed silently, "Kaibigan ko," sagot ko. "Kadadating lang din nila kanina." He nodded and looked back at me. Bumaba ang tingin niya sa balikat ko. Nagtagal ang tingin niya doon na halos mabuwal ako sa kahihiyan at kaba. "Aren't you cold?" seryoso niyang tanong. Agad akong napailing at kinalma ang sarili, "Ayos lang..." gusto kong batukan ang sarili ko sa nararamdaman ko ngayon. Ilang araw ko lang siyang hindi nakita, ito namang puso ko parang tangang ang bilis bilis ng t***k! "Aisa!" I heard Maeve called and I almost ran from there. Hindi ko pinansin at nanatiling nakatingin sa harap ko. "Wala kang gagawin?" tanong ko ulit kay Damian at parang nagmamakaawa na sumagot siyang mayroon! Tinaasan niya lang naman ako ng kilay na parang alam ang ginagawa ko. "Hindi ko alam na nabibingi ka kapag may ibang kausap," Maeve hissed beside me and I just bit my lip. Agad akong humarap sa kaniya at ngumiti ng sarkastiko. She did the same. I laughed awkwardly, "Damian," halos manginig pa ang boses ko, "Si Maeve, kaibigan ko." I licked and moved my lips nervously. "Hi! Nice to meet you," iniabot ni Maeve ang kamay niya na agad naming tinanggap ni Damian. "So, Damian huh? You're Aisa's...?" hindi siguradong tanong ni Maeve at gusto ko nalang siyang batukan! Napapikit ako. I looked at Damian and he's smiling mischievously at me. "Friend." Sabay lingon ko kay Maeve. "He's a friend." Dagdag ko pa. Tumango tango naman si Maeve at binigyan ako ng makahulugang tingin. "You're the one living there?" tanong muli ni Maeve kay Damian. I softly clench my hand. Nilingon naman ni Damian ang bahay niya at tumango. "Sabi ni Aisa, nakita niya lang minsan iyong may ari. Ganoon pala kabilis ang maging friends?" inosente nyang tanong. Thankful talaga ako kay Maeve pero... I groaned in my head. I laughed awkwardly and looked at Damian who's hiding his smile now, "Mali ka ata ng dinig Maeve. Sabi ko friend ko iyong may ari." Madiin kong sagot. Natawa naman iyong kaibigan ko sa akin. She even clapped her hands like she finds something amusing. "Dapat talaga naglilinis ako ng tenga." Sagot niya na lalo ko atang ikakabaliw. Palihim ko siyang kinurot sa tagiliran. Tiningnan niya lang naman ako ng nakakaloko. Nabaling ang atensyon namin nang lumapit si Leonel. Nagtataka kung bakit hindi na kami bumalik. I looked at Damian and his eyes are back to its dark aura. Hindi ko na pinansin. "Ah, Leonel, si Damian iyong may ari ng bahay na iyon na friend pala ni Aisa." Makahulugang sabi ni Maeve. Hindi ko nalang pinansin. Sandali naman na nagtinginan iyong dalawa at bahagya lang tumango. Hindi ko alam kung anong hangin na mabigat itong nararamdaman ko pero lumingon lang ako kay Maeve. She smiled at me and I rolled my eyes. "Why don't we go out for dinner? May mall dito right? And we should also roam around plaza. What do you think?" sabi ni Maeve sabay lingon sa akin. Mabagal naman akong tumango. "You should join us Damian!" sabi na nga ba hindi doon iyon nagtatapos. Napansin ko naman ang tingin sa akin ni Damian kaya hinarap ko. He was like waiting for me to talk. Ano naman ang sasabihin ko? His eyes remain on me kaya lalo lang akong kinabahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD