Mhieco's POV Pagkatapos ng usapan namin ni Sandra ay nakahinga ako nang maluwag. Kaagad akong sumakay sa pinara kong taxi at nagtungo sa DPH. Wala akong ibang iniisip sa mga oras na iyon ay ang mukha ni Denny noong iwan ko siya sa may canteen. Wala akong magawa. Kailangan kong magpanggap na hindi ko siya kilala. Or better yet mas mainam na isipin niya na nakalimutan ko na siya. That way, mas mapoprotektahan ko siya. Mas mapapanatag ako na walang mananakit sa kanya kung malalaman ng kaaway ko na hindi nila magagamit si Denny bilang pananggalang sa akin. Lalo na ngayong may lead na ako sa kung sino ang nananakot sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit nilapitan ko si Sandra. Pagkarating ko sa DPH ay bumungad sa akin ang pag-iyak ni Denny habang may kausap na lalaki. May mga dugo pa sa kama

