Denny's POV Another day to breathe air! Hindi halata ang saya ko ngayong araw na ito. Paano, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mhieco ay naging panatag na ako pagkatapos. Hinatid niya ako sa bahay nina Mama at Papa. At kahit na sinabi ko na doon na muna siya matulog ay hindi niya pinaunlakan dahil sa may gagawin pa siyang importante lalo na at tungkol sa grupo nila na ayaw niyang sabihin sa akin. Nirerespeto ko naman iyon dahil gusto niya lang akong protektahan. Isa pa, nakakatakot ma-involve sa mob fights kaya mas mabuti nang wala akong alam. Ilang beses ko siyang tinanong kagabi kung mapapaaway ba sila nang pisikalan pero sinabi niya na hindi pa naman iyon mangyayari. Kahit papaano ay napanatag na ang kalooban ko dahil doon. Noong umalis nga siya ay kahit sa chat ay hindi kami mapagh

