Denny's POV Pauwi na ako no'n pero nasa isipan ko pa rin ang mga sinabi ni Suzy sa akin kanina. Masaya nga ako na mahal pa ako ni Mhieco ngayon pero bigla naman akong kinatok ng katotohanan na pawang ilusyon lang ang lahat. Ilusyon lang ang ipinapakita niya sa akin na pagmamahal dahil ang totoo ay kontrolado ang emosyon niya ng gayuma na pinainom ko sa kanya. Nakakatawa pero umaasa pala ako sa wala. Dahil ang dapat na katakutan ko ay ang mawalan ng bisa ang gayuma. Dahil oras na mangyari iyon, tiyak mangyayari na ang kinatatakutan ko. Ang mamatay sa kamay ni Mhieco… Napabuntonghininga ako at napatingin kay Suzy pagkatapos ng ilang sandali na pananahimik. "Kapag oras nang pakawalan si Mhieco, pwede bang payagan mo ako na gumawa ng pangontra sa gayuma na ininom niya?" bigla ay tanong ko

