Denny's POV
Napaangat ang tingin ko kay Mr. Duran habang yakap-yakap niya ako. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko masyadong nakita kung anong nangyari. Mabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi. Hindi ko na ito maramdaman.
Nakita ko lang ang tatlong lalaki na muntik na akong kuyugin. Marami nang guwardiya ang pumagitna sa mga oras na iyon at kahit papaano ay napanatag na ang loob ko.
Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito, na may isang tao na pinoprotektahan ako. Isang tao na handa akong saluhin kahit na malaki ang kumpyansa ko sa sarili na makakaya ko ang lahat. Pero ang tao na ito... alam niyang sa pagkakataong ito ay mahina ako. At ayoko sa pakiramdam na ito.
Nanlamig ako at hindi na alam kung ano ang kasunod na nangyari. Ang alam ko lang ay nakapasok na ako sa loob ng opisina ko. Inalalayan ako ni Mr. Duran at ng isang nurse. Nakita ko si Ms. Tesa na abala sa pagtatapos sa mga naiwan kong trabaho lalo na sa mga papeles na pipirmahan na lang.
Nakaupo ako sa may sofa habang si Mr. Duran naman ay nasa may kabilang upuan. "Are you alright? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Halata sa kanyang ekspresyon ang pag-aalala.
Napasandal na lang ako sa headrest at napabuntonghininga. "I seriously wanna kill my best friend right now..." I muttered. Iyon talaga ang gusto kong gawin ngayon. Sobrang nakakabwisit na talaga ang mga nangyayari ngayon.
First, na-late ako dahil sa nagtatalo na mga lalaki kanina. Second, nakadaupang-palad ko pa si Mr. Duran at muntik pang mahulog mula sa hagdan sa emergency room. Third, muntik pa akong kuyugin ng mga lalaki at muli na namang nailigtas ni Mr. Duran.
Nakakawala tuloy ng ganang magtrabaho ngayon. Gusto ko na lang matulog sa bahay at magpahinga. This day is really getting the hell out of me.
"Huh?" Mr. Duran asked. He is caught off-guard.
Napatawa ako nang mahina at napailing. "May check-up schedule ka ba sa akin ngayon, Mr. Duran?" pag-iiba ko na lang.
"Schedule?"
Doon ako napaayos ng upo at hinarap siya nang walang kagana-gana. "Ms. Tesa?"
"Yes, Doktora? Schedule today?" pagtatanong naman ni Ms. Tesa sa akin habang nasa may mesa siya at nagtitipa. Tango lang ang isinagot ko sa kanya. "You have a schedule for surgery after 2 hours. May dalawang scheduled check-ups din po tayo before our shift ends pero hindi naman po tayo fully-booked this day," pag-imporma niya sa akin nang nakangiti.
"Perfect!" masayang sambit ni Mr. Duran. "What's the available schedule at magpapa-check-up ako ngayon?" dagdag pa niya.
Doon napataas ang kilay ko sa kanya. "Excuse me?' mataray kong tanong sa kanya. Nakahalukipkip na ako sa kanyang harapan.
Binigyan niya lang ako ng ngiti at saka nagsalita. "Why? Is it also not allowed to arrange check-ups with you? Parang hindi naman yata tama na tatanggihan mo ang pasyente mo, Dra. Salatandre?" nanunuya niyang sabi sa akin.
I scoffed and balled my fist. Itinago ko lang iyon sa aking likuran. This guy is starting to really get into my nerves. For the first time, I began to hate his presence. Kung dati ay komportable ako sa kanya, ngayon ay wala akong ibang naiisip kundi ang nakakainis na katotohanan na isa siya sa lalaking nakainom ng gayuma kagabi. That alone made me hate him. "Are you doing this on purpose, Mr. Duran? Let me remind you that you and I should practice our professional etiquette towards each other. Hindi pwede na gawin mong dahilan ang check-up para sa—"
"W-wait... wait... Are you insinuating that I'm doing this just because of what I told you earlier?"
Napipi ako sa tanong niya. Saka ko lang napagtanto ang pagkakamali ko at napakagat-labi nang bahagya. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa. Ayoko na napapahiya ako sa harap ng isang pasyente and particularly not in front of him!
Napatikom na lang ako ng aking bibig at hindi na muling umimik.
Napatawa siya. "Okay. Let me clear things between us, Doktora. It is true that I can't stop thinking about you, literally, since last night. But I'm not sure yet what's this feeling, okay? So, if nag-aalangan ka o dahil ayaw mong makita ako o inaakala mo na may binabalak ako sa'yo—"
Napabuga ako ng hangin at tinapunan siya ng matalim na tingin saka siya pinutol sa kanyang pagsasalita. "Okay, fine!" I finally said with my resigned look. "Go and make schedule for Mr. Duran, Ms. Tesa..." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. "I will just rest up a bit. Ayoko ng istorbo."
I lied, of course. Being Dra. Denny Salatandre is not easy. Ayoko na nagpapahinga ako habang nasa loob ako ng opisina ko. Kung pwede nga lang na may ooperahan ako ngayon o 'di kaya ay sa emergency ako ilagay ay mas tatanggapin ko kaysa ang magpahinga. But I am not working or reviewing my patients' charts. Mas inatupag ko ang pagse-search sa cellphone ko tungkol sa love potion.
Naghahanap ako ng scientific explanations for this kind of formula. Pero kahit na anong pagsisiyasat ko ay wala talaga akong makuhang tamang sagot. Lahat ay puro verbal explanation at supersticious beliefs. None of them could relate to science.
Pabalya kong ibinato sa mesa ang cellphone ko at napabuga ng hangin. "Pinagloloko lang ba talaga ako ng mga taong 'to? Ano ba 'to? Nag-rehearse ba sila para utuin ako ngayong araw?" tanong ko sa sarili ko. Pagkakuwan ay napatango rin ako. "Tama. Ngayong araw lang ito. Sigurado akong magbabalik na sa normal ang lahat. Paniguradong mapapagod din sila sa pagpapanggap sa harap ko. Sisiguraduhin ko na magsisisi sila sa panloloko nila sa akin!" malakas na hiyaw ko.
Napatigil na lang ako para hindi maalerto si Ms. Tesa sa boses ko.
I frustratingly sighed and slammed my back against the backrest of my swivel chair. Napahilamos din ako at napapikit.
Looking back at old days, there I could find the reason why I decided to give up believing in marriage and love...
15 years ago...
4th Year College ako sa Medical School, graduating student ako at noon pa man ay pangarap ko nang maging isang General Surgeon sa isang prestihiyosong ospital sa Pilipinas. At dahil hindi ganoong maalwan ang buhay namin at sakto lang sa pagpapaaral sa akin, sinikap ko na maaabot ko ang pangarap ko.
Namasukan ako sa napakaraming raket katulad ng pagiging isang service crew. Madalas din akong magturo sa ibang estudyante. walang araw na hindi ako gumagawa ng pera para makatulong sa Mama at Papa ko. Ayoko na nahihirapan sila kung kaya ay sinikap ko na makakatapos ako ng pag-aaral. Lagi akong napapabilang sa Dean's List at marami akong awards na natatanggap kahit na madalas akong abala sa iba kong sideline na trabaho
Nang tumuntong ako sa Medical School, masasabi kong nakaluwag nang maayos ang mga magulang ko sa pag-aaral ko dahil kahit na mas mabigat ang pinasok ko ay siniguro ko na magiging sapat ang pangangailangan ko kahit pa na napaka mahal ng eskwelahan na napili ko.
Doon ko nakilala si Philip Sanchez. Ang unang lalaki na nagpatibok ng puso ko.
Mas nauna siya sa akin sa Medical School at siya ang madalas na nagtuturo sa akin. Iyon ang unang beses na hinayaan ko ang isang tao na mapalapit sa akin. Napupuno naman ako ng pagmamahal ng mga magulang ko. Mas madalas lang talaga akong nakatuon sa pag-aaral. At dahil isa akong introvert na tao, mahirap sa akin ang makipagsabayan sa iba na puro kasiyahan. Hindi ako sumasabay sa mga classmates ko kapag may party o inuman silang dadaluhan. Sa school at projects lang nila ako nakikita.
Pero nang makilala ko si Philip, hindi ko akalain na magugustuhan ko ang night life, ang bonding na kasama ko siya.
Isang matalinong tao si Philip pero mas madalas siya sa parties kaysa ang mag-aral at siya lang ang bukod tanging nakapagyaya sa akin na maglakwatsa.
Sa ilalim ng maraming ilaw at sa paligid ng mga nagsasayaw na mga tao, nakatungo lang ako at naghihintay sa kanya. Nauna kasi siya sa akin at sinabi na puntahan ko siya doon.
Dahan-dahan lang ako sa paglalakad hanggang sa makalampas ako sa mga tao. Sa dulo, doon ko nakita si Philip.
Ang ngiti sa aking labi ay biglang naglaho nang makita kung ano ang ginagawa niya. Nabitiwan ko ang libro na dala ko. Halos manlabo ang mga mata ko dahil sa luha na nagbabadya sa aking mga mata. Nahigit ko ang aking hininga at unti-unting napaatras.
Nakita ko si Philip na may kahalikan na isang sexy na babae. They enjoyed that sparkling moment na parang wala silang pakialam sa kanilang paligid.
Natatandaan ko ang babae. Siya si Diana. Isa siya sa mga classmates ko na madalas akong pagtanungan ng assignments, lalong-lalo na kapag tutorial time namin ni Philip. At ngayong nakikita ko sila ay napagtanto ko kung ano ang nangyayari noon pa man. Ang mga tinginan nilang malalagkit.
Sunod-sunod ang mga luha ko sa pagpatak. Halos mapunit na ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na magiginng ganito ang mararanasan ko sa unang pag-ibig ko.
Sobrang sakit. Nakakadurog at nakapanlulumo.
Hindi ko akalain na maaari ring makapatay ang pag-ibig sa isang tao. Akala ko ay physical pain lang ang maaaring makapatay sa isang tao, kasali na ang mga terminal illnesses sa papatay sa tao. Pero hindi ko akalain na mas masakit pa pala sumugat at pumatay ang pag-ibig. Mas nakakabaliw at mas mahapdi.
Sa buong pagkakataon na iyon ay hindi nila ako napansin. Nakatuon lang sila sa isa't isa at tila nalimutan na ni Philip na pinapunta niya ako rito.
At mas lalo akong nasaktan sa katotohanan na pinapunta lang niya ako para masaksihan ang eksenang iyon.
Kaagad akong tumalikod at mabilis na umalis sa lugar na iyon. Kasabay niyon ang pagragasa ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Habang humahakbang ako palayo sa kanya, iniisa-isa ko ang mga dahilan kung bakit niya iyon nagawa sa akin. At doon ko naalala na matagal ko na palang alam na ginagamit niya lang ako para pabagsakin ako sa school namin.
Usap-usapan noon pa man na kaya lang ako nilapitan ni Philip ay dahil hindi niya matanggap na mas napapansin ako sa Medical School na pinapasukan namin. Kaya gumawa siya ng paraan para pabagsakin ako. Pero dahil bulag ako sa pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko iyon ininda at inisip na isa lamang iyon sa mga paninirang-puri sa kanya ng ibang estudyante sa amin. Naging isa akong bulag na tao at hindi ko nakita na iba ang intensyon sa akin ng taong inakala kong makakasama ko habang buhay.
Umulan nang gabing iyon. Hinayaan ko lang na maghalo ang luha ko at ng langit sa mga oras na iyon. Hindi ko ininda kung gaano na ako kabasa. Patuloy lang ako sa paglalakad at pag-iyak. Kung saan-saan na ako nakarating nang gabing iyon.
Napatigil lang ako sa may bench na walang silong. Nakaupo ako habang hinayaan ang ulan na balutin ang buong katawan ko. Basang-basa na ako sa ulan pero nakatulala pa rin ako. Unti-unti kong nararamdaman ang lamig na dulot nito. Bigla akong nangatog. Napayakap ako sa sarili ko. Ang buhok ko ay nakalugay at tinatabunan ang mukha ko.
Maya-maya ay may lumapit sa akin na isang batang lalaki. May dala siyang payong na kulay blue na may tatak ng isang sikat na cartoon character. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
Makikita sa hitsura ng bata ang pinaghalong lungkot at pag-aalala. Nakasuot siya ng school uniform at raincoat. "Ate, bakit kayo nagpapaulan?" bigla ay tanong niya. Sapantaha ko ay nasa 14 years old na ang lalaki. Kasing edad niya ang bunso kong kapatid na si Danica.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko rin naman alam kung nasa huwisyo pa ako para sumagot sa tanong niya. Napatungo na lang ako.
Maya-maya ay lumapit sa akin ang batang lalaki at iniabot sa akin ang payong niya.
Napaangat akong muli ng tingin sa kanya nang may pagtataka sa aking mukha.
"Ikaw na muna ang gumamit ng payong ko, Ate. May raincoat naman po ako, e," aniya habang nakangiti sa akin.
Bahagya akong napangiti dahil sa pagngiti niya. Tila natanggal nang dahan-dahan ang bigat ng pakiramdam ko sa mga oras na iyon. Sa mga oras na iyon, naisip ko na hindi ako dapat umiyak nang dahil kay Philip. At dahil sa ngiti ng batang ito ay may dahilan ako para magpatuloy sa mga plano ko...
Hindi ko mapigilang ngumiti nang mahina nang maalala ko ang mga iyon. Isa iyon sa dahilan kung bakit patuloy pa rin ako sa pag-abot ko sa pangarap ko kahit na may achievement na akong masasabi na nagawa ko.
Naging isang successful na doktor ako sa DPH. At dahil sa akin kaya mas naging tanyag ang ospital na ito. Iyon din ang dahilan kung bakit wala akong panahon sa pag-aasawa. ipinangako ko sa sarili ko na wala akong ibang mamahalin kundi ang pamilya ko at ang sarili ko. Wala nang iba. Hindi kailanman pinangarap na mabahagian ng ibang tao na magmamahal sa akin. Hindi ko kailangan ang ibang tao para mabuo ang kaligayahan ko.