Denny's POV
Sa operating room, may nakaratay na isang unconscious na babae. May isa akong assisting doctor sa tabi at isang nurse. Lahat kami ay nakasuot ng surgical green scrubs. Naka-mask at surgical cap. Dinig na dinig ko ang malakas na pagtunog ng heart monitor sa may uluhan ng pasyente. Stable naman ang kanyang vital signs kumpara kanina dahil sa sakit na nararamdaman at dahil pinatuog namin siya ay mas naging banayad ang kanyang paghinga.
Inilahad ko ang kamay ko sa gilid malapit sa assisting nurse. "Scapel, please..." utos ko sa kanya na kanya namang sinunod agad at inilagay sa aking palad. Matapos ko iyong matanggap ay nagsimula ako sa operasyon. Naglagay na kami ng marka sa bahagi na dapat kong buksan at tinakpan ang ibang bahagi ng katawan ng babae sa pamamagitan ng surgical drape.
Nagsimula na akong humiwa at sinundan ang marker na kailangan kong buksan. Unti-unting lumabas ang kanyang dugo mula roon. Maingat ko iyong ginawa hanggang sa makita ko ang loob. Matapos niyon ay iniabot ko sa nurse ang scapel. "Suction..." utos ko pa.
Nang makita kung ano ang hitsura ng organ na may diperensya ay kaagad akong tumingin sa monitor. May kaunting pagbabago sa heart rate ng pasyente. Kailangan kong bilisan ang pag-alam ng problema nito bago pa kami magkaproblema. Hindi ako pwedeng magkamali sa pasyenteng ito.
Ang pasyente namin ay isang sikat at mayamang artista sa bansa at kalat na sa buong bansa ang tungkol sa pagkakaospital niya. Any wrong move would mean my career is over.
Tumingin din ako sa orasan sa may harapan ko. Kailangan kong matapos ang operation na ito sa loob ng apat na oras o mas maaga pa. As long as wala akong magiging problema, hindi ako magkakamali.
"Stomach lining is bleeding. Pumutok na siya ngayon. Let's start the operation..." pagdeklara ko.
Nagsimula na kami sa mahaba-habang operasyon. Naging maagap ako sa pagpapatigil sa pagdurugo ng organ ng pasyente. It lasted for approximately 4 hours. Kinailangan pa naming siguruhin na wala nang pagdurugo na mangyayari. After that, nilagay na ang pasyente sa recovery room bago ako lumabas ng operation room.
Tinanggal ko ang surgical gloves at face mask ko at napabuntonghininga. Kasunod kong lumabas ay si Dr. Connor. Isa siya sa ka-batchmate kong doktor na pumasok sa DPH. Tulad ko ay workaholic din siya. Ngumiti siya sa akin nang tanggalin niya ang kanyang facemask at gloves. "Good job, Dr. Denny. Hindi ko akalain na matatapo mo iyon nang ganoon kabilis. Sa ibang doktor pa ay aabutin tayo ng walo o siyam na oras sa pag-operate. Good job. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ikaw ang ace player sa DPH," papuri niyang sabi sa akin.
I scoffed and half-smiled. Tila pumalakpak ang tenga ko sa papuri niyang iyon. "Salamat, Sir. Alam kong medyo komplikado ang nangyari kanina pero nagawa pa rin natin. Salamat po sa pag-assist," tugon ko naman.
Napatawa naman si Connor sa akin. "Napaka-humble mo pa ring magsalita sa akin kahit magkaedad lang tayo. Oh, paano? Kailangan ko nang pumunta sa susunod na operation. Good job today, Denny..." aniya habang tinatapik pa ang balikat ko.
Wala na akong ibang itinugon kundi pagtango at pagngiti sa kanya. Matapos niyon ay hinarap ko na ang pamilya ng pasyente at ipinaliwanag sa kanila ang nangyaring operasyon.
Nag-inat ako habang papasok sa opisina ko. Katatapos lang kasi ng isang 4-hour surgery operation ng isang aktres na may problema sa kanyang ulcer. Naging matagumpay ang operasyon at napuri na naman ako ni Mr. Hong at Dr. Connor, ang assisting doctor ko during operation.
Nakangiti akong pumasok sa opisina ko at binati si Ms. Tesa. "Hay nako! Maaga ko na namang natapos ang operation. Mabuti at kasama ko si Dr. Connor..." pagpapahaging ko kay Ms. Tesa.
And as expected of her, agad na lumiwanag ang mukha niya pagkarinig pa lang ng pangalan ng naturang doktor na kasamahan ko. Napatayo siya at malawak na ngumiti habang ang kanyang mata ay nanlalaki sa gulat. "S-si Dr. Connor? Oh, my! Kumusta siya? Hinanap niya ba ako?" Tumili pa siya pagkatanong niyon.
Napatawa na lang ako sa kanyang itinuran. Crush na crush kasi ni Ms. Tesa si Dr. Connor simula pa noong maging secretary ko siya. Hindi rin naman mapagkakaila na may matikas at maamong mukha ang kanyang natitipuhang lalaki. Kaedad ko siya at pareho kaming wala pang asawa. Katulad ko ay hindi rin naniniwala si Dr. Henry sa pag-aasawa kaya matagal ko na ring dini-discourage si Ms. Tesa sa pagpapantasya niya sa aking kasamahan pero hindi siya nagpapaawat dahil hanggang crush lang naman ayon sa kanya ang kanyang nararamdaman para rito.
"Masaya naman siya. In fact, tinapik pa nga niya ako at napuri. Good job daw ako ngayong araw..." masigla kong tugon sa kanya.
Nakita ko naman na napalabi si Ms. Tesa at umingit na pagalit. "Hmp! Iniinggit pa ako nito, oh! Bakit kasi hindi ko pa tinuloy ang MD ko noon? E 'di sana magkasama rin kami sa operation room. Huhu!" pabebe niyang sabi at padabog na bumalik sa kanyang upuan.
Napatawa naman ako.
Maya-maya ay may narinig na akong tumikhim nanag malakas mula sa aking likuran. Nawala ang ngiti ko nang mabosesan kung sino iyon. Lumipot ang nagmamay-ari ng boses na iyon sa aming harapan at prenteng ipinatong ang kanyang siko sa receiving area ni Ms. Tesa.
"So, I guess it's my turn now?" tanong ni Mr. Duran sa akin.
Hindi ko maiwasang mapaikot ang mga mata ko at tumingin sa ibang direksyon. Gusto kong pagtakpan ang inis ko kahit papaano. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya ang pagkainis ko nang dahil lang sa nangyari kagabi at kanina. I need to be professional in front of him no matter what.
I also cleared my throat at nilampasan siya ng tingin. Kay Ms. Tesa ko itinuon ang aking atensyon ay walang kangiti-ngiting nagsalita. "Get the documents ready, Ms. Tesa. Sa loob na lang ako maghihintay." Agad akong umalis sa harapan ng lalaki at taas-noong pumasok sa main clinic.
Wala pang 3 minutes ay pumasok na si Ms. Tesa kasama ni Mr. Duran. Ang lalaki ay umupo sa may bakanteng upuan sa harap ng table ko. Si Ms. Tesa naman ay iniabot sa akin ang isang document. Tinanggap ko iyon at saka lumabas ang secretary ko. Kami na lang dalawa ni Mr. Duran ang natira sa loob ng clinic.
Sinimulan ko nang basahin ang information ni Mr. Duran. Mukha lang akong tanga na nakatingin sa hawak kong papel kahit alam ko naman kung ano ang usual na check-up niya. Pero dahil nagsimula na akong maging curious ay tiningnan ko pa rin iyon.
Matagal ko namang alam na Mhieco ang pangalan niya. Matagal ko na ring alam na 27 years old siya at binata pa rin. Mahina akong napabuntonghininga at ipinikit ang aking mga mata.
What's wrong with you, Denny? Hindi ka dapat nagkakaganito nang dahil lang sa nangyari kagabi at kanina, sermon ko sa aking sarili.
Are you doing this because of what he said to you earlier? Bakit, Denny? Natatamaan ka na ba sa sinasabi niya sa'yo? Are you actually attracted to a young man like him? my mind teased me.
Mariin ko na namang ipinikit ang aking mga mata at ipinilig ang aking ulo. Kailangan kong kalimutan ang nangyari kanina. Wala lang iyon. Walang wala.
Hindi ko na siniyasat pa ang ibang nakalagay sa papel at kaagad na hinarap ang lalaking kanina pa pala nakatingin sa akin. May mapanuya siyang ngiti na ngayon ko lang nakita sa kanya. He never smiled at me like that. He has always been professional and sometimes casual to me. Walang araw na naging bastusin o masyadong komportable ang pakikipag-usap niya sa akin. Pero ngayon, ibang iba na ang lahat sa paligid. May nagbago at hindi ko iyon nagugustuhan.
Ows? Totoo ba talaga na hindi mo gusto kung paano ka niya titigan ngayon, Gaudencia? Or are you just plain dumb about what he is expressing? tukso pa ng isang bahagi ng isipan ko.
Napakuyom na lang ako ng mga palad at walang nagawa kundi ang mapabuntonghininga. Inilahad ko ang aking kanang kamay at napatingin sa ibang direksyon.
"What's that?" he asked innocently.
Napalingon ako sa kanya nang nakakunot ang noo. "Ano pa nga ba? Akin na ang braso mo..." pabalang kong sagot.
He snorted and covered his mouth to suppress his laughter. Doon ako mas lalong napikon.
"Did you just laugh at me, Mr. Duran?"
Napailing siya at ngumiti, pigil na pigil ang pagtawa. "No. I'm just amused. Alam kong sanay ka na sa kung anong ipinunta ko rito, but this time, hindi iyon ang ipapa-check up. So, will you please take a look at my profile first before asking me anything? Baka kasi iba ang maibigay ko sa'yo. Mahirap na," mapang-asar na tugon niya.
I scoffed and balled my fists. This guy is really getting into my nerves!
Padabog kong kinuha ang papel sa mesa at binasang muli iyon. Doon ako natigil sa reason na inilagay niya sa kanyang check-up. Halos mapunit ko na ang papel sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko rito.
Reason for check-up: My heart is beating fast whenever I see you, Dr. Salatandre.
I slammed the paper back to the table before I got up and faced him. "What's this? Anong tingin mo sa oras ko, kalakal na bakal na pwede mong pag-trip-an kahit kailan mo gusto?" Nakapamaywang ako at umiwas ng tingin. "Get out of my office!" napasigaw na ako sa kanya. Wala akong pakialam kung loyal patient ko pa siya. Kung gaganituhin niya lang ako ay hindi ako makakapayag!
Napatayo na rin si Mr. Duran at nangunot ang noo. "W-wait! Hindi ba valid ang reason ko for check-up? Totoo naman talagang curious ako sa heart rate ko. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit ganito kabilis ang t***k ng puso ko kapag kaharap kita. Masama na ba 'yun, ha? I don't have any idea kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ka maalis sa isipan ko simula pa kagabi.
"This all happened after I got home from that bar, Doktora and I want an answer from you. Iyon ang gusto kong malaman. May nangyari ba sa atin kagabi na hindi ko alam kaya hindi ka matanggal-tanggal sa isipan ko? Can you please help me out here and tell me what's my illness? Hindi ba ako nahihibang o baka nagkaka-develop na ako ng heart illness? Please tell me!" he pleaded. He seemed too desperate to know. Walang mababakas na panloloko sa kanyang mga mata at kahit anong panunuya.
Nagsimulang magrigodon ang puso ko. May kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ko. Napatitig lang ako sa mga mata niya nang matagal bago ko napagpasyahang umiwas ng tingin.
Napahaplos ako sa noo ko at napabuntonghininga.
Sa huli ay nagpasya akong kunin ang stethoscope ko lumapit na sa kanya. Isinabit ko sa leeg ko ang aparato at humarap sa kanya nang walang kangiti-ngiti. I stopped closer to him. I gestured my hand to him. "Stand straight," I ordered him.
He obliged.
Hinila ko ang isang monoblock chair at inilapit iyon sa kanyang kinalalagyan. Umupo ako doon at nagsimula ang ilapat ang stethoscope ko sa kanyang dibdib. I let the scope touch his chest and listened to the beat of his heart.
Doon ako natigilan. Muntik ko pang makalimutan ang instructions ko sa kanya. "Umm... please inhale..."
He collected enough air in his lungs and held his breath briefly. Pinakinggan kong muli ang t***k ng puso niya at hindi nga siya naggsisinungaling nang sabihin niyang mabilis ang t***k ng puso niya. But other than that, it's not very unusual at hindi ko matatawag na heart ailment.
But there's something about those beats that made me freeze for a second. He is somewhat anxious and thrilled.
Doon ako unti-unting napaangat ng tingin sa kanya. Laking gulat ko nang makita ko ang seryoso niyang mukha. Halata sa kanyang mukha ang pagkabalisa, pamumula, at pamamasa ng kanyang mga mata. "Do you believe me now? I am nervous whenever I see you and I don't know why. Maybe, I'm going crazy," he said in a whisper, then nodded to himself. "Yeah, I think I'm going crazy... I'm going crazy..."
And just as he felt, so as my heart started to beat abnormally. Pakiramdam ko ay may sakit na rin ako.