Denny's POV I smiled weakly at him. "Alam mo ba kung ano ang pinaka nakakatawang bagay na nalaman ko ngayon?" bigla ay tanong ko pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Mhieco. "Ano?" "Mahal na kita. Iyon ang pinaka nakakatawa sa lahat..." pag-amin ko. I don't care anymore. Gusto ko lang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng mga mata niya. At hindi nga ako nagkamali. Dahil nakita ko ang pagkagulat doon. Saglit lang iyon at kaagad na nakabawi ng ekspresyon. Pilit niyang ngumiti nang simple lang. Pero ang emosyon na naroon sa kanyang mga mata ang nagpatigil sa akin. Nakangiti pati ang kanyang mga mata nang ngumiti ang kanyang labi. "Totoo ba?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong mga kamay. Nanigas lang ako sa aking kinauupuan at nanatiling nakat

