Mhieco's POV Galit ba siya sa akin? Paulit-ulit akong nagtanong sa sarili ko kung may nagawa ba akong mali kay Denny na naging dahilan para manlamig siya sa akin. Pero wala talaga akong maisip na dahilan. Patuloy lang ako sa pag-iling habang malalim na nag-iisip. Nakaupo ako sa sofa sa loob ng apartment ko habang nasa harapan ko naman ang nage-enjoy na si Kevin habang naglalagay ng beer sa kanyang baso. "Ano? Hindi mo pa rin ba alam kung bakit siya galit sa'yo?" tanong niya sa akin. "Hindi ko alam at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako," walang emosyon na tugon ko. "Bakit hindi mo alam? Kahit naman medyo loading ka sa feelings, alam ko naman na nakakaintindi ka ng feelings ng taong galit at nagtatampo, 'di ba?" Sarkastiko akong napabuga ng hangin at tiningnan siya. "Mukha bang

