Denny's POV Ang buhay ko ay katulad ng isang gulong. Kailangang magpatuloy. Kailangang gumulong. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho ko sa DPH. At katulad ng ipinangako sa akin ni Director Hong ay tinulungan niya ako na manalo sa kaso ko laban sa pamilya ni Cindy Salvador. Napatunayan sa korte na pinaratangan ako nang walang basehan. Dahil isang VIP patient si Cindy ay may patakaran ang DPH na bigyan ng mas maingat na pansin ang mga ganitong kaso kaya hangga't maaari ay hindi sila malalantad sa publiko lalo na ang kanilang kalagayan. I attested my side in front of the court. Doon napatunayan na wala akong nilabag at gumalaw nang naaayon sa sinumpaang tungkulin ko pati na sa utos ng pamilya at ng ospital. Ang korte at mga ebidensya ay umaayon sa aking panig. Sa ilang buwan ay sa wakas nagdes

