Denny's POV Napahilot ako sa sentido ko nang makarating ako sa opisina ko. Matapos kasi ng operation kanina ay hindi na nakapagpahinga ang utak ko. Simula nang bumalik-balik si Philip ay wala nang kapahingahan ang utak ko. Hindi ko maintindihan sa kanya kung bakit siya nagpupumilit na kausapin ako kahit na malinaw na sa kanya na ayaw kong makipag-usap pa sa kanya. After Mhieco and I broke up, I didn't want anything other than working really hard in DPH. Wala na akong pakialam sa lahat. Kahit ilang beses pang lumitaw sa harapan ko ang tatlo pang nanliligaw sa akin na mga tinamaan din ng gayuma ay hindi ako nagpatinag. I am determined to make my heart harden more. Ayoko nang may tumuloy pa sa buhay ko. Simula ngayon, poprotektahan ko na ang puso ko sa kung sinumang babalakin ang saktan a

