Chapter 3 "Cloud"

1702 Words
Airen's Pov "RINIG MO? SINIRA MO ANG BUHAY KO. SINIRA MO!!" gigil na usal niya at hinatak ako patungo sa isa sa mga guest room. "A-ano'ng gagawin mo sa a-akin? " histerikal na tanong ko. Habang lumuluha ay nanginginig ako sa takot. Takot sa kung anong pwedeng gawin niya sa akin. Sakit ng katawan ang sumalubong sa akin nang walang pakundangang inihagis niya ako sa kama. Bumaluktot ako sa sobrang sakit. Tumama kasi sa edge ng kama yung bandang likuran ko. Pinilit kong tumayo pero hindi ko na nagawa dahil sa sakit. Matalim lang itong nakatitig sa akin. " C-cluan please. Lasing ka lang." Halata sa boses ko ang takot at pangamba. Kitang-kita ko ang pag-landas ng mga ugat nito sa leeg. Mas dumoble ang kaba ko habang pinagmamasdan ito. "Hindi ako lasing." maliwanag na sagot niya. Akmang aalis ito ngunit sa di malamang dahilan ay pinigilan ko siya. Malakas ang kutob kong aalis lang ulit ito para pumunta sa mga kaibigan niya. Namimilipit man sa sakit ay dahan-dahan akong tumayo at muling humarap sa kanya. "Please don't leave." Pagmamakaawa ko. Marahan n'yang hinaplos ang aking mukha. Kasabay noon ay ang mabilis paglapit ng mukha nito sa'kin. Hindi ko alam kung anong i-re-react ko dahil sa ginagawa niya. I stared on his amber eyes. What I saw right now while staring at his eyes is full of pain at the same time anger. Kaya ako mismo ang kusang sumuko sa pagkakatitig namin sa isa't isa. Wala akong lakas na titigan siya dahil ako naman talaga ang may gawa kung gaano siya kamiserable ng ganito ngayon. "Look at me b***h. Look what you've done to my life." Napangiwi ako sa sakit ng bigla n'yang hilahin ang buhok ko. Napa-liyad ako kasabay ng pag-balong ng aking mga luha. Bwisit ng mga luha kailan ba titigil ang mga ito sa pagpatak. "LOOK WHAT HAVE YOU DONE b***h. YOU RUINED MY LIFE." This time hindi ko magawang gumalaw pa. Hindi ako maka hinga tila ba sinakal ako ng mga salitang binitiwan niya. Hindi ko na alintana pa ang sakit dulot ng hawak niya ng mariin sa aking buhok. Dahil mas masakit pa ang mga salitang binitiwan niya. Totoong ako ang sumira ng buhay niya. Totoong ako ang dahilan kung bakit siya kamiserable ng ganito. It's all because of me. "SHE ALREADY KNEW. SINABI MO NA? ALAM MO BANG IIWAN NIYA AKO? ALAM MO BANG NAGDESISYON NA SIYA TUMIRA SA IBANG BANSA, HA? f**k! DAHIL SAYO INIWAN NA AKO NI JESS!" He yelled again. I feel his pain. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano siya umiyak para sa babaeng 'yon. Tanging pag-iling lang ang naisagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Sinabi? Ano at kanino ko man dapat sabihin ang alin? Awww, maybe she already know na kasal kami ng lalaking mahal niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak. Papalakpak sa galak dahil sa wakas mas pinili ng babaeng 'yon na iwan ang asawa ko o hahagulhol dahil kahit iniwan niya ang asawa ko dala pa rin niya ang puso ng asawa ko. Hindi ko magawang mag salita. Halos kulang na lang kasi mabutas pisngi ko sa pagkakahawak nito. Mas tumindi na rin ang aking hagulhol. "Mommy!" sigaw ng isang boses sa likod ng pinto. "Mommy, are you okay?" sigaw ng anak ko sa labas ng kuwarto. "Bullshit." inis na usal ng asawa ko sabay bitaw sa pagkakahawak niya sa akin. Dali-dali kong binuksan ako pinto at agad na niyakap ang aking anak. My son, Cloud Chester Andrews. Obviously, he is mine and Cluan's son. But he never treated Cloud his son. Para sa kanya isang pag kakamali lang si baby Cloud. A mistake that had put him into this sickening situation. Cloud is 4 years old turning to 5 next month. Basically mag kamukha talaga sila ng Cluan pero sadyang bulag at manhid ang asawa ko. Cloud is his father's total opposite when it comes to characteristic and attitude Mabait na bata ang anak ko at hindi katulad ng tatay niya. "Mommy." nag-aalalang sa'kin ng anak ko sabay kayap. " bakit ka po umiiyak? Inaway ka po ba ni Daddy?" Kita ko sa mga mata ng anak ko ang pag-aalala. I wiped my tears. "Who says that? Hindi inaaway ni daddy ang mommy. It's j-just..." Palusot kong sabi sa anak ko. "But you're crying mom." Depensa niya. "Nope. I'm crying because I'm happy to see you." Sagot ko pa. Hindi na ito nagtanong pa sa halip he touched my face with his little hands. This why I really love my child. He gives me comfort while in the middle of the pain. He actually give a confident to fight even in the deepest moment of my life. "Let mommy hug my baby." Malambing na sambit ko at niyakap ito ng mahigpit. Pilit akong ngumiti sa anak ko. Hindi niya pwedeng malaman ang mga totoong nangyayari sa amin ng daddy niya... na hindi kami mahal ng daddy niya. Masyado pang bata ang anak ko para malaman ang bagay na iyon. "O-okay lang si Mommy, baby. Naiyak lang ako kasi nakita kita. I'm so happy to see you my son." Mahinahon ngunit humihikbi kong sambit habang yakap-yakap ang anak ko. "I really miss you din po mom. I love you mom. Promise will protect you." My heart melted. "Protect to whom?" I asked him. "To all the bad guys who hurt my mommy." Sagot niya sabay pagmamalaki ng maliliit na kamay nito. Napangiti ako sa kanya. "I'm okay anak. Mommy is okay. I'm the only here who will protect you. Kaya don't worry about mommy." Ngiti kong sagot at mabilis na binuhat ang anak. Pumasok kami sa kuwarto niya. Inilapag ko siya sa kama. "So how your vacation with lola?" Tanong ko habang naghahanap ng damit pantulog nito. Nang makakuha ng pantulog ay umupo ako sa tabi nito. "It's nice. But you're not with us mom. Hindi ko po masyadong na enjoy." Mabilis namang nanglumo ang itsura nito. "It's okay baby. Soon mama gonna with you. Okay? Don't be sad. Hindi pogi ang baby ko once his sad e." Sabi sabay hawak sa matabang pisngi nito. Niyakap ko lang siya nang mahigpit. I really love my son. He's the most precious gift I ever had in my whole life. ------------ A one night stand. Doon nabuo si Cloud. Pagkakamali sa paningin ng iba. Pero wala akong pinag-si-sisihan sa mga nangyari noon. Ang anak ko siya na lang ang masasabi kong meron ako sa buhay. Cluan is my greatest love and my Cloud is my precious one. Hindi siya matanggap ng ama niya dahil sa'kin. Masakit sa'kin dahil kitang-kita ko kung paano maghanap ng atensyon ng anak ko pero dahil sa'kin ay hindi niya makuha sa ama ang nararapat ng atensyon at pagmamahal. Pinag bantaan niya ako noon na kapag hindi ko ipinaabort ang baby sisirain niya ang buhay ng pamilya ko. Natakot ako, pamilya ko lang ang meron ako. Hindi ko siya kayang labanan dahil simple at payak lang ang buhay namin. Wala akong matinong katayuan sa buhay, high school lang ang natapos ko. Hindi na kasi ako nakapagtapos dahil sa kakulangan sa pinansyal na aspeto. Takot man pero lakas loob akong tumungo sa mismong mga magulang ni Cluan para ipaalam ang tunay kong kalagayan. Akala ko palalayasin o bibigyan nila ng pera para mailayo ko ang batang dinadala ko, pero mali ako. My parents serve the Andrews family for almost twenty-five years. Kaya masasabi kong kilalang-kilala ako ng mga magulang ng asawa ko. Mas natuwa sila nang malaman nilang magkaka-apo na sila. Mabilis pa sa alas kuwatrong naikasal kami ni Cluan. Halos isumpa pa nga niya ako ng mismong araw na 'yon. Wala akong magawa. Oo sarili kong intensyon pero kinabukasan ng anak ko ang nakataya dito. Mahal ko si Cluan since junior high pa lang kami. Noong mga oras na iyon 4th year high siya samantalang ako naman 2nd high. Stalker na nga ang dating ko noon pero ni minsan ay hindi niya ako napansin. Hanggang sa nangyari na nga ang dapat na mangyari. Isang gabi ng pagkakamali. Mali man para isa iba pero iyon na ata ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko kasama ang taong mahal ko. Pero hindi niya kami tanggap at kahit na kailan hinding-hindi niya kami matatanggap ng anak ko. "Mommy, love po ba ako ni daddy?" tanong ni Cloud nang nakahiga na ito at pinapatulog ko na. Natigilan ako saglit saka tumingin sa inosente niyang mga mata. "Oo naman anak. Ano bang klaseng tanong iyan? Mahal ka ni daddy, mahal tayo ni daddy. Siguro medyo pagod lang siya dahil sa work niya. Pero anak, sinisigurado ko sayo. Mahal ka ng daddy mo." usal ko sabay halik sa noo niya. "Oo naman anak. Ano bang klaseng tanong iyan? Mahal ka ni daddy, mahal tayo ni daddy. Siguro medyo pagod lang siya dahil sa work niya. Pero anak, sinisigurado ko sayo. Mahal ka ng daddy mo." usal ko sabay halik sa noo niya. "Pero mama, bakit ka po sinasaktan ni daddy kung mahal niya ako, mahal niya tayo?" kita kong naging malungkot ang itsura niya. Hindi ko kayang makitang ganito ang anak ko. "Baby, problema nami'ng matatanda iyon. Kami lang ang dapat na nakaka-alam at umayos noon. Bata ka pa. Alam kong matalino ka, pero hayaan mo na si mama ang umayos nito, hmm? Kaya ni mama at kakayanin ni mama para sayo kasi anak kita at mahal na mahal kita." "Mahal din po kita mama, pero sana pag gising ko mahal na tayo ni papa." aniya saka pumikit. Hindi ko maiwasang hindi maka ramdam ng awa para sa anak ko at lalong lalo na para s sarili ko. Kami ang pamilya ni Cluan pero ni minsan hindi niya kami nagawang mahalin o bigyan man lang ng pansin at kakaunting atensyon. "Good night baby." usal ko at muling halik sa noo nito. Tumayo na ako at pinatay ang ilaw. "Good night mama." usal ng anak ko kaya marahan akong naglakad palabas ng kuwarto niya. Pagkalabas ko ng kwarto ay saka ako nagpakawala ng isang malalim na buntong-hiniga. Hanggang kailan ba dapat maging ganito? Hanggang kailan ba dapat malagay sa ganitong situwasyon ang anak ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD