Airen's POV
"Can you please make her more elegant. I want her to be the most gorgeous tonight." Sabi ni ate Aida sa parloristang bakla. "Of course madam, masusunod." Sagot naman ito. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong mga pinagsasabi nila. Wala akong balak na magpaganda o kung ano pa man, dahil until now kabado at hindi pa din ako mapakali. I'm nervous as hell.
"May I?" Sabi hawak ng bakla sa parehong braso ko. Bigla naman akong napa Yuko dahil hindi ko talaga feel na hinahawakan lalo sa braso. Naiilang kasi ako pag ganun. Marahang tinulak ako nito papasok sa loob. "Don't worry, Airen. Hihintayin ka namin dito." Rinig kong sigaw ni ate Aida.
Pagpasok sa loob ay hindi ko magawang imulat ng maayos ang pareho kong mga mata. Sobrang nakakasilaw kasi at para lang kinukuha ka ng liwanag. Ganito ba talaga dito? O sadyang hindi lang talaga aware sa mga salon.
Hindi ko mawari kung anong oras ba akong tumagal sa loob, dahil sa totoo lang ngalay na ngalay ang leeg ko. Kasalukuyan nila akong inaayusan ng buhok. At habang inaayusan nila ako ng buhok ay sila namang titig sa'kin ng isang baklang kanina pa ako pinagmamasdan. "A-ah. P-pardon? Did something wrong on my face?" Utal kong tanong. Hindi kasi ako ganun ka confident lalo na kapag may tumititig sa mukha ko... I mean sa'kin.
"Wala naman po, madam. Francheska is measuring you by her sight. Don't intimidated, madam. Ganyan po talaga iyan." Sagot naman sa'kin ng baklang nag-aayos sa buhok ko. "Where did she go?" Tanong ko pa dahil bigla kasing nawala yung Francheska na sinabi niya. "She will choose you a dress that will fit in you, madam." Sagot naman nito ulit.
Napa ah na lang ako sa sinabi nito. Maya-maya pa ay lumabas ito at may dala nang damit. "Madam, can you please." Sabay bigay sa'kin ng baklang nag-ayos ng buhok ko. She gave me a white elegant dress. Hindi ko masyadong makita yung design niya pero halatang luxurious brand siya. "Sa fitting room po, madam." Tumayo naman ako at kaagad na pumasok sa fitting room para isukat ang damit.
Habang isinusuot ko itong damit. Sobra akong nanliit dahil sa nakita kong price tag nito. Bigla akong nakaramdam na para bang ayaw ko na lang suotin. I'm not into this. Tinanggap ko na kahit mayaman at galing sa kilalang pamilya ang asawa ko, ay isa lang naman akong hamak na napangasawa niya. Ang hirap makibagay lalo na't feeling ko hindi ako belong.
Sapat na sa'kin kung anong meron at kulang sa'kin. Hindi man ako maganda or maarte physically, handa naman akong magsumikap para sa anak ko. Sapat na sa'kin na masaya ang anak ko. At bilang ina. Kapakanan niya na lang ang tanging iniisip ko.
"Madam, okay lang po kayo d'yan?" Katok sa'kin ng bakla. Naalarma ako kaya dali-dali kong isinuot ang damit at umayos ng tayo. "A-ah. O-oo. T-tapos na a-ako." Utal kong sagot sabay bukas ng pinto. "How do I look? Is it disgusting? Do I need to change?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila dahil titig na titig ang mga ito sa'kin. "Hey, how do I look? Pangit ba? Magpapalit na lang ako." Tila nagtatampo kong tanong.
"No! Wait, madam." Awat nilang pareho sa'kin. Napa poker face na lang ako sabay pahapyaw na punas sa gamit na suot ko. Mahirap na baka madumihan. Magbabayad pa ako ng wala sa oras.
"Can you please turn around, madam?" Tumango naman ako sa utos niya at ginawa kung anong sinabi niya. "So how it it? Shall I go home na ba kasi hindi bagay?" Tanong ko ulit. Sobrang kulit ko ba? Pasensya pero namamahalan lang talaga ako sa damit. "WE DID IT!" Rinig kong tila nilang pareho sabay yakap sa isa't isa.
Anong we did it? They did it na pangit ako? Nako sabi ko nga ba kaya ayaw na ayaw kong pumasok sa mga salon. Hindi totoong pinapaganda ka nila. Nakakainis!
"Anong we did it kayo d'yan. Magpapalit na lang ako." Sita ko sa kanila at akmang isasara muli kurtina ng fitting room. "No need, madam. Your so gorgeous. Elegant and beautiful. Thank you for trusting us." Puri nito with matching maluha-luha pa.
"Gorgeous? Elegant?" Turo ko sa aking sarili habang kaharap sila. "Of course, madam. You may turn around and you will able to see how gorgeous you are." Aniya sabay nguso sa salamin nasa likuran ko. Hayss! Bakit ngayon ko lang napansin na may salamin pala dito. Marahil sa sobrang kapraningan ko ay hindi ko na napansin pa.
"Wow!" Mangha kong sambit. Tila ba hindi makapaniwala na ako itong nasa harap ng salamin. I mean. It is me but I'm not a confident to myself. I mean... Paano ako naging ganito kaganda. Sa sobrang hindi ako makapaniwala ay mas nilapit ko pa sa salamin ang buong mukha ko. "Ako ba talaga ito?" Sabi ko pa habang sinusuring maiigi kung ako nga ba talaga ito.
Make up can transform everything, but for me I'm not sure about it. Kontento ko na ako sa gandang meron ako. Pero hindi lang talaga ako makapaniwala. "Yes, Madam." Sabay nilang sagot. "I mean. How?" Sabi ko pa.
"Your beautiful, madam. Don't underestimate your beauty. Sa katunayan nga kaunting adjustment lang ang ginawa namin. Kaunting wasiwas lang ng make up brush yan, Madam. Kaya wag mong ibaba ang bandira nating mga kababaihan. Maganda tayo." Aniya sabay lagay ng kamay sa kanang dibdib.
"Madam. Please have your way." She offered her right hand towards me. Kaya kinuha ko ito at naglakad palabas ng fitting room. "Here's your elegant pair of high heels." She said and gave me a pair of luxurious heels. Di ko na talaga afford mga buong lugar na ito. Nakakasilaw sa mahal!
"Hindi ko afford ang ganito." Sabi ko pa na tila narinig ata ni Bakla kaya imbes na magsalita pa ito ay ngumiti na lang siya sa'kin. Hirap maging aanga-anga kapag nasa lugar ka na hindi ka belong. Napapakamot ulo ka nalang talaga dai.
Habang naglalakad kami ay binuksan naman ito ang pinto. "Madam, please welcome." Ay bakit may pag welcome pa. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. "Wow!" Naka yuko aking tila natatawa. I mean same reaction din kasi kami ni Ate. Kahit ako napa wow din sa sarili ko e.
"There's a little bit of make-up, etc... Hindi na namin siya inayusan pang mabuti dahil masyado ng maganda si Madam. And we pick a dress that fit to her personality and make up. Syempre a pair of high heels na mas babagay sa damit niya." Explain ni bakla sa tabi ko.
"Mommy!" Tawag sa'kin ni Cloud at patakbong yumakap sa'kin. Umupo ako upang magkasing pantay kami. "Do you miss, mommy?" Tanong ko kaya tumango naman ito. "Your so beautiful po mommy." Puri nito kaya pinisil ko ng mahina ang pareho n'yang pisngi at niyakap.
"Really?" Paniniguro ko. "Of course, mommy. You're the most beautiful mommy I loved right now po." Feeling ko anytime ay pwede na akong natunaw sa sinabing iyon ng anak ko sa'kin. "And you're handsome too, honey. I like it. It suits you well." Puri ko naman sa kanya. Napakagwapo kasi nito sa taxedo na kanyang suot. "I love you, mommy." He whispered and kissed me on my cheeks. "I love you too, honey." I whispered too sabay tawa kaming mag-ina.
"So let's go?" Tanong sa'kin ni ate Aida. Tumango naman ako. "Thank you." Pagpapasalamat niya sa mga baklang nag-ayos sa'kin. "Always welcome, madam. Have a great night po." Sabi nilang sabi at bow sa harap namin. Habang naglalakad kami palingon-lingon lang ako sa paligid. Hindi kasi ako makapaniwala na mag-gagabi na. Ganun ba talaga ako katagal na inayusan. I can't believe na kaunting adjustment lang ang ginawa niya sa'kin.
"What are wondering around, Airen?" Napansin ata nitong kanina pa ako lingon ng lingon sa paligid. "Mag-gagabi na pala? I mean ang tagal naman ata natin sa salon na iyon?" Tanong ko pa. "It's okay. Hindi pa naman tayo late. The party will start at seven pm exact time. Six thirty pa lang so we don't need to be rush." Sagot naman ni ate Aida at sumakay sa driver seat ng kotse. "Get in, honey." Naunang pumasok ang anak ko sa loob ng kotse.
Mga ilang minuto lang din ang naging biyahe. Kaya pagdating sa tapat mismo ng hotel ay naunang bumaba si ate Aida at sumunod naman ako para alalayan si Cloud na bumaba. Kita kong ibinigay ni ate Aida ang susi ng kotse sa staff ng hotel. "Let's go. I'm surely mom and dad are waiting to us." Aniya at nauna ng naglakad papasok ng hotel.
"Let's go po, mommy." My son said at patakbo ng pumasok sa loob ng hotel. Napangiti naman ako. Talaga ngang sobra niyang na-miss ang lolo't lola niya. "Watch your steps honey, baka madapa ka." Bilin ko sa kanya. Pero mukha atang hindi na ako narinig pa nito. Kaya napakamot ulo na lang ako.
Akmang papasok na sana ako sa loob ng biglang may humawak at humila sa'kin. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong i-react dahil sobrang bilis ng mga pangyayari. Next time I knew it ay hawak niya ako ng madiin sa kanan kong kamay. This man. He knows how to play in his rough way talaga. I grabbed my hand back and look at him back. "I need to go. Have a great evening." I said at mabilis na pumasok sa loob.
Hayyyys, Airen. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa labis na kaba. Alam ko namang magkikita kami sa lugar na ito. Pero hindi sa ganito kaagang sitwasyon.
Airen, calm down. You got this! Be brave for the sake of your son. For Cloud's sake, not mine.