Airen's Pov
NAPA BANGON ako sa aking kinahihigaan dahil sa labis na pagkagulat.
"ANO? HIHILATA KA NA LANG BA DI'YAN, HA? TUMAYO KA. MAGLUTO KA DAHIL NAGUGUTOM NA AKO!" Bulyaw niya sa akin matapos akong buhusan ng isang baldeng tubig.
" A-ano ba, nasasak-tan ako." impit kong turan nang hawakan nito ng mahigpit ang aking braso.
"Nasasaktan ka?" tanong niya. Tumango ako bilang tugon.
" I DON'T CARE." walang pusong bulyaw nito. Napayuko na lang ako at napa iyak.
"Wag kang tumunganga lang di'yan. Walang silbi!" saad niya at lumabas ng kuwarto ko.
Ang aga-aga, ito agad ang bungad niya sa akin. Sanay na ako pero hindi naman ko ganun kamanhid para hindi maramdaman na wala siyang pakialam sa akin. Marahan akong tumayo sa kama at pumasok sa banyo para gawinang morning routines ko. Inaantok pa ako dahil hinintay ko pa siya kagabi pero ni ano niya walang dumating. Ano pa nga ba ang aasahan ko.
Ako nga pala si Airen Faith Salvez-Andrews. Ang lalaking yun? Siya si Cluan Sage Andrews ang asawa ko. Ang pinakamamahal kong asawa na hindi man lang ako magawang mahalin pabalik.
Oo, asawa ko siya. But he never treated me as he's wife. Never!
Asa pa ba ako? Hmmm... syempre. Bawal sumuko. Laban lang!
Pagkatapos ko mag ayos ay tumungo na ako sa kusina para maghanda ng almusal. Medyo tinanghali kasi ako ng gising kaya siguro pinasok na niya ang kwarto ko. Araw-araw naman kasi kung gumising ko ng madaling araw para ipaghanda siya ng agahan. Tapos kagabi madaling araw na siya umuwi.
Egg, bacon, at fried rice lang ang mga niluto ko. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa asawa ko. Matapos kong magluto ay tinawag ko na siya.
Umakyat ako sa second floor para tawagin siya. Pagkarating ko sa tapat ng kuwarto niya. "Airen, kaya mo 'to. Kakatok ka lang naman e." Kumbinsi kong sambit sa aking sarili.
"Cluan." Mahina kung tawag sa pangalan niya.
*No response*
"Cluan." Muli kong tawag pero this time medyo malakas na. Pero wala pa ring sumagot.
Hinawakan ko ang doorknob ng pinto ng kanyang kuwarto. Napahawak naman ako sa aking dibdib, dahil sa lakas ng kabog nito. Ang bilis. Feeling ko anytime ay kakapusin ako sa paghinga.
"Cluan, papasok na ako." Ani ko habang papasok sa kwarto niya.
*No response.
Ilang sigundo rin akong kumatok.
Dahil sa wala akong sagot na natanggap, pinihit ko na ang doorknob atx
Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kabuuang disenyo ng kwarto ng asawa ko. Black nd white ang motif nito kaya kitang-kita rin kung gaano ito kalinis. Masarap sa pakiramdam ang sinoy ng hangin na umikot sa buong kwarto dahil sa nakabukas na bintana.
"Cluan?" tawag kong muli sa kanya.
Papasok na sana ako sa kwarto niya nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Napatulala na lang ako sa aking nakita.
Holy shippers! Ang yummy ng hubby ko!
"Done fantasising, b*tch?" napayuko ako dahil sa sinabi niya. Siguradong pulang pula na ang buo kong mukha ngayon.
"What are you doing here?" walang emosyong tanong niya.
Again nakaramdam na namn ako ng takot sa kanya. Hindi na bago 'to palagi naman akong takot sa kanya.
"Ah, a-ano, k-kasi ano..." utal utal kong sambit. Anak ng tupa! Sino ba naman kasing babae ang hindi mauutal kung ganto ka-yummy ang kaharap. Di'ba?
Kinunotan niya ako ng noo, senyales na naiinis na siya.
" I mean ano, kakain na- oo tama, kakain na. Sige, bababa na ako. Magbihis ka na para makakain ka na." sabi ko sabay kamot ng ulo.
Aalis na sana ako pero tinawag ako ni Cluan. "Hey, bitch."
"B-bakit?" usal ko habang hindi pa rin makatingin sa kanya ng diretso.
"I want you to pack all your thing in your room." Malamig at kalmado n'yang sabi.
"Ha?" Tanging salita na s'yang lumabas sa ating bibig.
"Lilipat ka ng kuwarto." Sabi pa niya sabay titig sa akin.
"Bakit?" Tanong ko. Wala naman kasing bisitang darating. Hindi rin naman uuwi sila mom and dad.
"Anong bakit?" inis na tanong niya."Dito muna pansamantala si Jessica. I want her to stay in your room kaya simula ngayon you will stay in the maids room." Natulala ako sinabi niya.
That b*tch. Alam na alam niya talaga kung paano mapipikot ang asawa ko. Pero paano naman ako? Ako ang asawa. Mag-asawa kami at kasal sa isa't-isa.
"We're m-married." Sambit ko kasabay ng paghawak ko sa kamay niya.
"Correction b***h. We're married dahil ikaw ang may gusto. I don't love you. So don't you dare to touch me again." Sagot niya ng may kasamang pagbabanta.
Tama siya. Kasal kami dahil ginusto ko. Nakatali siya sa'kin dahil ginusto ko. Alam kong kahit kailan ay hindi niya ako makukuhang mahalin pero ang sakit lang dahil paulit-ulit n'yang ipinamumukha sa'kin na walang pag-asa ang marriage na 'to.
"Hey! Are you listening?" Ramdam ko ang galit sa boses n'yang iyon.
Dahan-dahan akong tumango bilang tugon sa kanya.
"Then, get lost." utos nito. Yumuko na lang ako at dali-daling umalis sa harap niya.
"Stupid." Rinig ko pang sambit ni'to bago ako makalabas ng kuwarto niya.
Pagkasarang-pagkasara pa lang ng pinto, kasabay ng pagbuntong hininga ko ay bumagsak rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Here we go again...
Palagi naman di'ba, Airen? Sanay ka na dapat pero bakit sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ng babaeng iyon, hindi mo pa rin mapigilang umiyak? Sanay ka na, itatak mo sa isip mo.
Iisa lang naman ang sagot sa mga tanong ko, eh. Jessica is his great love. The only woman his willing to fight for. His willing to give up everything for her. Even our marriage.
He lost the woman he loves because of me. Call me desperate but what can I do? Hindi ko kayang mapunta sa iba ang lalaking mahal ko. Yes, it was a selfish decision but I don't care. Mahal ko siya kaya lumaban ako.
Hindi ko na nagawang bumalik pa sa kusina dahil kailangan kong maglipat ngayon. Tiyak tatamaan na naman ako sa asawa ko kapag dinatnan ni Jessica ang mga gamit ko sa loob ng magiging kwarto niya.
Martyr? Siguro nga, pero kita ko namang may kaunting kahihiyan pa ang asawa ko, dahil kung ibang lalaki iyon ay malamang nasa iisang kwarto sila matutulog.
"Haaayyy! Nakakapagod." usal ko at humiga sa kama. Nakakapanibago man, wala akong magawa. Kailangan kong sundin ang asawa ko.
Matapos ang thirty minutes na pahinga ay muli akong bumangon para ipagpatuloy ang aking ginagawa.
Saktong ten thirty ng umaga ako natapos maglipit ng gamit. Kulay sky blue and white ang motif ng bago kong kwarto, at mas malaki kaysa sa dati.
Tumungo na ako sa kusina para magluto ng tanghalian. Uuwi kasi si Cluan para kumain pero this time kasama na niya si Jessica.
Jessica na naman.
Masakit man isipin pero iyon ang totoo. Si Jessica ang tunay na mahal ng asawa ko at wala akong magagawa roon. Hindi ko nga mapagsabihan ang asawa ko. Hindi ko magawang pagsabihan ito dahil ako din naman ang dahilan kung bakit andito kami sa ganitong situwasyon. Kahit magmakaawa pa akong hiwalayan niya ang babaeng iyon ay hindi niya gagawin.
Hindi ko siya gustong konsintehin. Walang matinong asawa na gustong konsintehin ang pangwawalang-hiya ng asawa niya sa kanya. Gusto kong lumaban. Pinipilit kong lumaban kahit pa sa dulo ako ang talunan. Pero ano bang magagawa ko?
Jessica is his happiness. She's the woman of his dream with. She's the only woman he needed forever. Kumbaga sa pangarap n'yang ay hindi ako kabilang.
While me?
I'm just his punching bag whenever he is mad
I'm just his desperate wife who's willing to do anything for him. Masyado akong nagpaka-alipin sa asawa ko. His martyr wife who's willing to endure all the pain and suffering just to be with him. Said na said na ako kung tutuusin.
For the last five years of being his wife walang araw at gabi akong nangulila sa kanya at sa pagmamahal niya. Para akong pulubing nanlilimos ng pagmamahal. Limang taon akong nanlilimos ng awa at pagmamahal na kahit kailan hindi niya ibinigay. At wala naman talaga s'yang balak na mahalin ako.
"Just keep on fighting, Airen." I'm so really hypocrite for convincing myself to fight. I really want to finish the rice what I'll getting started. Pero sadyang mahirap tapusin kung sa simula pa lang ay napagod ka na. Sounds ridiculous right? But I'm so tired of everything. Convincing myself for nothing. Paulit-ulit. Nakakasawa na but why I'm still here? Bakit ba patuloy pa rin akong andito? Why I keep still holding pero sa totoo lang hindi ko na kaya.
"Airen, look how suffering you are now. Pilit mong pinu-pursue ang pantasya mo kahit sinasampal ka na ng realidad. Bakit ba ayaw mong sumuko na lang? Hayaan mo na sila ni Jessica. Ganyan ka na ba talaga katanga?"
Mga katagang paulit-ulit sa isipan ko.
Pero hindi ko maawang bumitaw at iwan siya, kasi mahal ko siya kahit hindi niya pa ako mahal. Mahal ko pa rin siya.
I love him. That's the reason why I'm still holding in even if it's so hard. Walang dahilan para sumuko. Wala!
Napa buntong hinga na lamang ako.