Chapter 6

1219 Words
"CONGRATULATIONS!" "Thank you," tuwang-tuwa naman na saad ko. Kasal na kami ni Geo. Yes, sobrang saya ko na hindi ko maipaliwanag. Lumapit naman ang asawa ko at inakbayan ako. "Asawa na kita, kaya layuan mo na ang Nix na iyon," aniya na pinisil pa ang aking baywang. "Kaibigan ko lang si Nix!" naiinis na saad ko naman. "Kaibigan? Bakit may pa tinolang manok pa siyang nalalaman?!" Nanlalaki naman ang mga mata ko. Akala ko tapos na ito! Hinampas ko ito sa balikat. "Kakainis ka talaga, Geo! Kung ano-ano na naman ang iniisip mo!" Tinaasan lang niya ako ng kilay. Buti na lang tinawag kami ng parents namin. Nandito rin ang mga kaibigan ng asawa ko. On the next day, graduation na namin. After ng kasal namin, sa mansion muna kami tumuloy. May inihandang salo-salo sa mansion namin. "Maybelle, ang sinasabi ko sa'yo. Dapat pagsisilbihan mo ang iyong asawa. Magluto, maglaba, maglinis at ihanda ang mga damit niya kapag papasok siya sa trabaho," mahabang litanya ni Mommy. Napangibit naman ako. "Mom, hindi na ako magtatrabaho?" mahinang tanong ko rito. Inakbayan naman ako ni Geo. "No need, baby," bulong niya sabay halik sa aking batok. "Oh Geo, umalis na kayo. Naghihintay na ang chopper," nakangiting saad ni Daddy President. Nakakunot naman ang noo ko. Chopper? Saan kami pupunta? "It's our honeymoon. Pupunta tayo sa biniling isla ni Daddy," saad ng asawa ko at hinila na ako palabas ng mansion. Gosh! Totoong may asawa na talaga ako. Imagine, iyong binabasa ko sa aklat na maghohoneymoon, mangyayari na rin sa akin. "As in tayong dalawa lang sa island?" tanong ko kay Geo. "Gusto mo, isama na rin ang parents natin?" nakataas kilay na saad ni Geo. "Nagtatanong lang ako! Eh di isama mo!" pagtataray ko naman. "Isip-bata," mahinang saad niya. Hindi ko na ito inimikan hanggang nakasakay na kami sa chopper. "Tatlong araw lang tayo sa isla. Babalik muna ako sa US at may asikasuhin lang ako," aniya na nakayakap ito sa akin. Napatingin naman ako sa aking asawa. "S-Saan ako titira?" "Sa mansion muna. Ang bahay natin, inaayos pa ni Mommy. Marami pang kulang na mga gamit sa kusina." "B-Basta three days lang ha. P-Pero puwede naman sa condo mo na lang ako," mahinang saad ko naman. "Hindi puwede. Wala kang kasama at mas gusto ko sa mansion ka at panatag ang loob ko." Napanguso naman ako. Lahat si Geo na talaga ang magdesisyon! After fifty five minutes, nakarating kami sa isang napakagandang isla. Sobrang puti ng buhangin at talaga namang mamamangha ka sa ganda ng paligid. "Like it?" tanong ng asawa ko. "Super!" tuwang-tuwa na sagot ko naman. Pagkababa namin ng chopper, agad naman umalis ito. "Let's go," aniya na hinila ako papunta sa ancestral house. Kahit sa loob ng bahay, super ganda rin ito. "Mamaya, mamalengke tayo. Bibili lang tayo ng grocery." "Really?! May palengke dito?!" Excited tuloy ako pumunta sa palengke. "Bakit may pagkakaiba ba sa palengke dito at sa Manila?" nang-uuyam na tanong sa akin ni Geo. "Malay mo!" pagtataray ko rito. Pumunta muna kami sa aming silid at nagpalit ng damit. Napatingin naman ako sa bandang kanang dibdib ni Geo. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng kan'yang tattoo. Mayroon din itong tattoo malapit sa kan'yang pusod. Napabuga naman ako ng hangin. Bakit super hot ng asawa ko. Humihitik din ang abs niya. "Gusto mo ba na umpisahan na natin ang ating honeymoon?" nakangising tanong niya. "P-Pagod ako, Geo!" Dali-dali naman akong nagbihis at iniwan ito. Maya maya lang lumabas na ito. Naka-sando lang at walking short lang ito. Kahit naka-tsinelas ito, super guwapo pa rin ang koreanong ito. "Let's go," aniya na nakatitig pa ito sa akin. Naka-short lang ako at naka-sleeveless , at pinarisan ko ito ng sketchers na puti. "Labas na naman ang singit mo, Maybelle! Palengke ang pupuntahan natin, at maraming lalaki doon." Inis na hinampas ko ito. "Hindi naman ako bubukaka doon!" Napabuntonghininga naman ito. Alam niya na hindi pa rin ito mananalo sa akin pagdating sa mga sinusuot ko. Pagdating namin sa palengke, mahigpit naman ang pagkahawak ni Geo sa aking kamay. Halos lahat nakatingin sa asawa ko. "Anak ni President Lee!" tili na saad ng bakla. "Oo nga, bakla! Ang guwapo niya sobra!" Kinurot ko naman ang tagiliran ni Geo. "s**t! Masakit, Maybelle!" mahinang saad niya na masama ang tingin sa akin. "Hindi ba delikado ka rito? Anak ka ng presidente, baka may gagawa ng kalokohan sa'yo." "Kilala ako dito at mababait ang mga tao dito sa Isla," kampanteng saad niya. Pumunta muna kami sa tindahan ng gulay at karne. "Walang mall ba dito?" mahinang tanong ko kay Geo. "Malayo pa dito. At maganda naman dito dahil sariwa ang mga gulay at prutas." "Nakapunta ka na dito?" kunot noong tanong ko rito. "Yeah, kasama sila Javi at Drake." Nakabuntot naman ako sa likuran niya habang namimili naman ito ng prutas. "Punta muna tayo sa grocery. Bumili ka na rin ng mga kailanganin mo." "Okay," tamad na sagot ko. Hinatid muna namin ang aming pinamili bago kami pumunta sa grocery store. Nakatingin lang ako kay Geo habang dampot ng dampot ng kung ano-ano. Hinayaan ko lang ito habang nakasunod lang ako sa kan'yang likuran. Nasa counter na kami at nagbabayad na si Geo. "Bili mo ako niyan," turo ko kay Geo sa isang maliit na supot na kulay pink. "Tumigil ka!" galit na saaad niya sa akin. Napanguso naman ako. Gustong-gusto ko talaga ng candy at strawberry ang flavor. "Bakit ayaw mo ako ibili, candy lang naman!" galit na saad ko na parang iiyak na ako. Kinagat-kagat ko pa ang aking ibabang labi. "H-Hindi nga candy iyan!" namumula na saad niya. Narinig ko naman na naghagikhikan ang mga tindera. "Kainis ka Geo, kapag hindi mo ako ibili niyan, lalayasan na kita!" inis na saad ko rito. Talang aalis ako! Napanganga naman itong nakatingin sa akin. Hindi talaga ako nagbibiro. Lalayasan ko talaga siya. "Oo na, kumuha ka na!" galit na saad niya. Ang lapad ng ngiti ko na nagdampot ng limang piraso. "Favorite ko talaga ang strawberry," nakangiting saad ko na namamangha pa. "Miss itong limang piraso," nakangiting binigay ko ito sa tindera para ibalot ito. Nakapikit naman ang asawa ko at panay ang hilot sa kan'yang sentido. "Bayaran mo na," nakangiting saad ko. Agad naman niya binayaran at hinila ako palabas ng grocery. Ang pinamili niyang grocery, inihatid na ito ng packer. "Hindi ka ba titigil sa kalokohan mo!" galit na saad ng asawa ko. "Daig mo pa ang mga anak ni Drey sa sobrang kakulitan. "Candy lang hiningi ko ah! Kapag ikaw gusto mo ng love making binibigay ko naman sa iyo!" Pagtataray na saad ko rito. "Maybelle naman, kahit konti lang, maging matured ka naman!" Inirapan ko na lang ito at hinayaan na nagsesermon. Agad ko naman ito binuksan at sinubo. Nanlaki naman ang mga mata no Geo na nakatingin sa akin. "Ay, bakit ang kunat at ang dulas?" ngumunguyang saad ko na parang ninanamnam ko pa ito. "Putang ina! Hindi mo binasa ang nakasulat? Condom iyan Belle!" galit na sigaw niya sa akin. Nakanganga naman akong nakatingin sa asawa ko. "Alam mo ba kung saan ginagamit iyan?! Sigaw niya kahit ang kan'yang leeg sobrang pula na. "Sa a-anaconda mo," mahinang saad ko. "Damn! Be ready later. I'm gonna f**k you hard! Tatanggalin ko ang kainosentihan mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD