"BAKIT nakatulala ka?" tanong ni Gabby sa akin.
"Gab?"
"What?" natatawang sagot naman ng bestfriend ko.
"May nangyari na sa amin ni Geo. I mean, nagsex na kami," kagat-labing saad ko rito.
Nanlalaki naman ang mga mata ni Gabby.
"R-Really?! Kailan lang?"
"Ahmm..noong pumunta ako sa condo niya. Then, niyaya niya ako nagsex."
Nakanguso naman si Gabby.
"Bakit pumayag ka? Meaning, gusto mo rin," asar ni Gabby sa akin.
"Malapit na naman ang wedding namin," ubod tamis na nginitian ko ito.
Nakasimangot naman si Gabby sa akin.
"Patay na patay ka talaga kay Kuya Geo."
Napangisi na lang ako.
Maghapon na parang lutang ako sa aming graduation pictorial.
Next week, graduation na namin. Excited na rin ako magturo. Pero mas excited ako na ikasal kay Geo.
Masaya ako dahil natupad ko na ang pangarap ko. Yes. Ilang taon na ginugol ko sa pag-aaral at magiging ganap na rin ako na Mrs. Lee.
Nagpaalam na rin sa akin Si Gabby na uuwi ito ng maaga. Ako naman, dumiretso akong umuwi sa condo ni Geo. Alam ko naman ang password ng condo niya kaya walang problema na nakapasok ako.
Nagbihis muna ako ng dakit na kinuha ko pa sa closet ng fiancee ko. Ang white t-shirt ni Geo ay umabot ito sa kalahati ng hita ko.
Pumunta agad ako sa kusina at madaliang nagsaing sa rice cooker. Kinuha ko na rin sa freezer ang karne na lulutuin ko. Dahil wala akong maisip na recipe, napag-isipan ko na manuod sa online cooking.
Naghanap muna ako ng ingredients na puwede ilahok sa karne. Lumipas ang isang oras wala pa rin akong mahanap na recipe.
"Kainis!" mahinang saad ko habang nagpapadyak.
Maya maya panigurado nandito na si Geo. Saglit muna ako tumawag sa mansion at nagpaalam na gagabihin akong uuwi. Wala kasi ang parents ko, bumalik ang mga ito sa Britain at next week uuwi ito para sa graduation ko.
"Nakialam ka na naman diyan," aniya ni Geo na bigla lang sumulpot sa aking likuran. Ni hindi ko man lang ito naramdaman na nakapasok sa kusina.
"Hi," saad ko at hinalikan ito sa labi.
Seryoso lang ang mukha ng koreanong tukmol. Alam ko naman na wala itong tiwala sa akin pagdating sa pagluluto.
"Geo?" tawag ko naman habang pinapanuod itong naghuhubad ng long sleeve niya.
"What?"
"Nasaan ang mga chicken na binili mo galing kay Kuya Drey?"
"Binigay ko sa mga katulong," aniya na nagsimula itong ginayat ang karne.
"Ay, bakit mo binigay?! Di ba magluluto ako ng tinola!" inis na saad ko rito.
Tumingin ito sa akin na nakataas pa ang isang kilay.
"Kuntento na ako sa tinolang tahong," aniya na kinindatan pa ako.
"Kainis kang Koreano ka! Pasabi-sabi ka pa na paborito mo ang tinolang manok ko!"
Mahina naman itong napatawa. Sa inisko iniwan ko ito sa kusina at nanuod na lang ng TV. Nawili naman ako sa palabas kaya hindi ko namalayan ang oras.
Maya maya lang, tinawag na rin ako ni Geo na kumain na kami.
Talagang napamangha pa ako sa galing niyang magluto at sobrang sarap pa.
"Una mo dapat matutunan ay ang pagluluto," aniya na nakatingin sa akin na abala naman ako kakanguya.
"Marunong naman ako magluto. Saka, don't worry, kapag kasal na tayo, mag-aaral ako sa pagluluto," malapad ang ngiting saad ko rito.
"Bahala ka. Saka puwede ba, bawas-bawasan ang pagkaisip-bata," naiiritang saad niya.
Masama ko naman itong tiningnan. Anong isip bata?!
"Uuwi ka pa ba?"tanong ni Geo sa akin.
"Yes. Dala ko naman ang kotse ko," tamad na sagot ko rito.
"Huwag ka na umuwi, dito ka na matulog," aniya at sabay iwas ng tingin.
Pasimple naman akong ngumiti. "Sige, mahal ko."
Nauna na umakyat si Geo at ako naman, naghuhugas ng pinagkainan namin.
Napangiti naman ako habang naghuhugas ng plato. Pakiramdam ko lang, mahal na ako ni Geo. Of course, mahal na mahal ko rin siya. Basta, kapag mag-asawa na kami, ibibigay ko ang lahat para maging maayos ang aming pagsasama.
After ko maghugas ng plato, umakyat na rin ako sa silid ng fiancee ko.
"May baon ka bang damit?" tanong niya na nakabihis na ito.
Nakakunot naman ang noo ko na nakatingin rito.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"Pupunta tayo sa bahay nila Kier, birthday niya."
"Really. Sayang naman, nakakain na tayo ng hapunan. May damit ako sa kotse."
"Sige na, magbihis ka. Biglaan din tumawag ang kaibigan ko."
Ngumiti naman ako at lumabas. Kinuha ko ang mga damit ko sa kotse.
"Maligo lang ako," saad ko kay Geo at dali-daling nagshower.
"Ang tagal mo talaga," inis na saad niya sa akin.
Nakanguso naman ako habang sinusuot ang aking damit.
"Damn! Palitan mo nga iyan, Maybelle. Lagi na lang kita ang kuyukot mo!"
"Gusto ko ito eh!" masama ko itong tiningnan.
Wala rin itong nagawa para magpalit ako. Isang maiksing skirt ang suot ko at crop top na damit.
"Kapag mag-asawa na tayo, bawal ka na magsuot ng gan'yang damit, okay?!"
"Oo na!"
Hindi naman malayo ang bahay ng kaibigan ni Geo na si Kier Harrison.
Jusmi! Akala ko wala nang hihigit pa kay Kuya Zack sa kaguwapohan. Hindi pala.
Si Kier Harrison, grabe! Ang guwapo niya sobra. Pero, namamangha talaga ako kay Kuya King. Ang ganda ng kulay berde niyang mga mata. Sobrang guwapo talaga. Si Kuya Bry, kulay asul naman ang kulay ng mga mata niya at hindi rin magpapatalo sa kaguwapohan. Si Kuya Drake, kulay abo naman ang kulay ng mga mata. Nakangiti ito lagi at sa itsura pa lang, parang babaero ito. Tapos may isa pang kulay berde ang mga mata. Si Kuya Dos, napatulala pa ako sa ganda ng kan'yang labi at ang seryoso niya na lalo gumuwapo ito.
"Congrats bro, may magpapasakit na sa bunbunan mo," asar ni Kuya Drake kay Geo.
Kinagat ko naman ang aking labi. Nahihiya pa ako sa mga kaibigan ng fiancee ko.
"Damn, nandito na si Javi," natatawang saad naman ni Drake.
Napalingon naman ako sa sinasabi nilang Javi.
Nanlalaki naman ang mga mata ko. Ang Javi na anak ni Tito Caden Salvacion!
Kilala ako ni Javi. At syempre, kilalang-kilala ko siya.
"I'm sorry, I'm late," nakangising saad ni Javi at sabay tingin sa akin.
Pinalakihan ko naman ito ng mata. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay at sabay ngumisi ito.
"Guys, let's eat na!" sigaw naman ni Kuya Kier.
Mahigpit naman hinawakan ni Geo ang aking kamay. Napapansin ko rin na wala silang mga babaeng dala.
"Magpinsan pala kayo ni Kenjie Alcantara?" tanong ni Kuya Drake sa akin.
Ngumiti naman ako. "Yes po."
Napasulyap naman ako kay Javi na panay ngiti nito.
"Ahmm...nakaka miss kumain ng tinolang manok, bro," nakangising saad naman ni Javi.
Nanlalaki na naman ang mga mata ko.
Sumulyap naman si Geo sa akin.
"B-Bakit?" kinakabahang saad ko.
"Bakit nagkakalat ang tinolang manok mo?" aniya na parang galit ito.
"M-Malay ko," nagmaang-maangan na sagot ko.
Napatingin naman kaming lahat kay Javi na humalakhak ito.
Yumuko naman ako.
Nakakabuwesit talaga si Javi!
Si Javier Welson Salvacion ang dapat i-fix marriage talaga sa akin. Ang alam ko, tinanggihan ito ng babaeng nangangalang Sheena Vicente kaya nagplano sila Daddy at Tito Caden na ako ang ipakasal rito. Pero ayoko rin kay Javi, bukod na babaero ito, muntik na may mangyari sa amin noon.
"Uuwi na kami. May pasok pa si Maybelle bukas," seryosong saad ni Geo na ikinanganga ko naman.
"W-Wala naman akong pas-," naputol naman ang dapat kong sasabihin dahil sa pagsigaw ni Geo.
"Magpaiwan ka dito!"
Umalingawngaw naman ang halakhak ni Javi.