Chapter 4

1515 Words
"PINAGYAYABANG mo pa ang tinolang manok mo! My God, Maybelle! Halos binuhos mo ang lahat na asin!" Napanguso naman ako. "konti lang nga ang nilagay ko. Saka hindi naman maalat," panay naman ang tikim ko ng sabaw. "Really? Bakit kaunti na lang asin sa garapon?" Itinaas pa niya ang garapon at pinakita sa akin. "M-Malay ko! Basta konti lang nilagay ko!" "Ubusin mo 'yan, next time huwag ka na magluto," agad itong tumalikod pero mabilis kong hinawakan ang kan'yang kamay. "Para sa'yo nga ito! Nag-effort pa naman ako na ipagluto kita!" inis na nagpapadyak pa ako sa kan'yang harapan. "Ihahatid na kita pauwi sa inyo. Ilagay mo lang diyan ang tinolang manok, mamaya ko na kakainin," aniya at hinila ang kamay. "G-Geo?" "What?!" "S-Sasabihin ko ba kay Mommy iyong nangyari sa atin?" Nakakunot naman ang noo niya na nakatingin sa akin. "Bakit mo sasabihin? For what? Malapit na ang kasal natin." "Ehh... kasi sabi ni Mommy-..." "Damn, Maybelle! Hindi na tayo bata at hindi ka na bata!" inis na sigaw niya sa akin. Napairap naman ako. "Bata pa kaya ako! Ikaw ang matanda!" "Ihatid na kita sa inyo! Kapag gan'yan ka lagi, aatras na ako sa kasal natin!" Nanlalaki naman ang mga mata ko. "A-Ano?!" "Halika na, ihatid na kita." Sinundan ko lang ito ng tingin palabas. Kinapa ko naman ang aking dibdib. Nasaktan talaga ako sa sinabi ni Geo na aatras na ito sa aming kasal. May mali ba sa ginawa ko? Habang nasa biyahe hindi ko ito iniimikan.Nasa labas ng bintana lang ako nakatingin. Narinig ko naman ang pagbuntonghininga ni Geo. "I'm sorry, nabigla lang ako sa sinabi ko kanina." Hindi pa rin ako umiimik. Nagtatampo talaga ako rito. "Maybelle?" "B-Bakit?" "Galit ka ba sa akin?" "H-Hindi. Pagod lang ako," mahinang saad ko naman. "Bukas, sumama ka sa akin. May pupuntahan tayong kaarawan." "Kaarawan nino?" "Bunsong anak ng kaibigan kong si Drey Monteverde." Matamis naman akong ngumiti. "Sige. Magpapaalam ako kay Mommy mamaya." "Okay. Baka doon na rin tayo matutulog. Nasa Sorsogon sila nakatira, medyo malayo-layo din ang biyahe," aniya na nakatutok lang ang mga mata sa daan. Hindi naman nawala ang tamis ng ngiti ko sa aking mga labi. "Madaling araw tayo aalis bukas." Pagdating namin sa bahay agad din nagpaalam si Geo na aalis ba ito. "Ingat ka sa pagmamaneho," pahabol na sigaw ko rito. Pagpasok ko sa loob ng bahay, dumiretso agad ako sa silid nila Mommy. "Mom?" "Yes, baby?" nakangiting bungad sa akin ni Mommy. "Mom, magpapaalam sana ako. Kung puwede po, sasama ako kay Geo tomorrow. Pupunta po kami sa Sorsogon." "It's okay. Mag-ingat kayo." Lumapit naman ako kay Mommy at niyakap ito ng mahigpit. "Thank you, Mommy!" Halos hindi na ako nakatulog sa sobrang excitement. Sino ba mag-aakala na isasama ako ni Geo. Alas tres pa lang ng madaling araw, gumayak na ako at inihanda ang mga dadalhin ko. "Nandito na si Sir Geo, Belle," saad ni Manang. "Sige po, lalabas na ako." Bitbit ang malaking bag ko lumabas na ako ng silid. "Kulang na lang maleta ang bitbitin mo," nakataas na kilay na saad niya sa akin. "Konti pa nga ito eh," irap na sagot ko rito. Napapailing na lang ito na nakatingin sa akin. Kinuha naman niya ang gamit ko at nilagay ito sa backseat. Nag-eenjoy naman ako sa gitna ng mahabang biyahe. Ang ganda ng tanawin, na talaga namang napapalingon pa ako. "Nakapunta ka na ba dito?" tanong ko kay Geo na seryoso lang ito na nagmamaneho. "Many times." Many times? Ibig sabihin, pabalik-balik siya sa Sorsogon? Hindi kaya nandito ang girlfriend niya? "Anong ginagawa mo sa Sorsogon?" nagdududang tanong ko rito. Saglit lang ito sumulyap sa akin. "May business kami ni Drey." Lumiit naman ang mga mata ko. Sinungaling talaga ang koreanong ito! "Really? Baka nay girlfriend ka dito?!" diin na saad ko sa kan'ya. "Tumigil ka sa kakaselos, Maybelle! Kung ano-ano na naman ang iniisip mo." "Kasi nagsisinungaling ka. At alam ko tinapon mo ang tinolang manok na niluto ko para sa'yo!" "Hindi ka pa rin ba naka move on sa tinolang manok na iyon?" "Hindi! Kainis ka," mangiyak-ngiyak na saad ko. "Damn! Ibabalik na ulit kita sa Manila!" sigaw niya na ikinatahimik ko naman. Hanggang nakarating na kami sa napakalaking bahay ng kaibigan niyang si Drey Monteverde. "Hey, Bro," bati ng isang napakaguwapong nilalang. Napaawang pa ang mga labi ko na nakatingin rito. Grabe! As in ang guwapo niya. "Ang bibig mo," diin na bulong sa akin ni Geo. "Hi, nice to meet you. I'm Drey." "Ahmm.. Maybelle po. Or Elle na lang po." Napatingin naman ako sa napakagandang babae na may kalong na sobrang cute na baby girl. "And this is my wife. Baby, si Elle pala." "Omg! Ang ganda mo po, ate Jane," kinikilig na saad ko rito. Bagay na bagay sila nu Kuya Drey. "Hello, asawa ka ba ni Geo?" nakangiting tanong ni Ate Jane sa akin. "Ha? Ano-..ahmm..." sabay tingin ko kay Geo. Naaalangan akong sabihin na fiance ko ito. Baka kasi tumanggi na naman ang koreanong ito. Actually, half korean and American si Geo. Kung sobrang guwapo ni Kuya Drey, lalo na si Geo at Gold. Kaya naman maraming babae ang naghuhumaling sa magkakapatid na Lee. "Anak siya ng kaibigan ni Daddy. Sinama ko lang siya dito," sagot naman ni Geo na umismid naman ako. "Ang ganda-ganda mo, Elle. Ilang taon ka na ?" tanong ni Ate Jane. "N-Nine-... twenty three po," nakangiting sagot ko naman. Sumulyap naman ako sa fiance ko. Nakataas lang ang kan'yang kilay sa akin. "Hali na kayo, maya maya start na ang party ni Baby Danielle." Tuwang-tuwa naman ako sa triplets nila Kuya Drey at Ate Jane. Ang bunso anak nila si Baby Danielle, sobrang ganda talaga niya at kamukha ni Ate Jane. "Ang sarap tumira dito sa probinsya," panay ang langhap ko sa preskong hangin. Tumingin naman ako kay Geo na kainuman ang mga kaibigan din nila ni Kuya Drey. Nakilala ko rin si Kuya Zack, na may konting crush lang naman ako rito. Basta mas guwapo si Kuya Zack sa lahat. Ang ganda rin ng asawa niyang si Kara na kaedaran ko lang yata. "Wow. Ang daming chicken pala dito. Sarap siguro i-tinola ito," saad ko na namamangha pa. Lumapit naman ako sa inahin na may kasamang maraming sisiw. "Ay sobrang cute niyo naman," natutuwang saad ko habang nakatuwad. "Ineng, huwag mo hawakan iyan. Baka sasabungin ka," saad ng Ali sa akin habang abala ito sa paglagay ng mga pagkain sa lamesa. "Maybelle?!" sigaw naman sa akin ni Geo. Pasimple ko naman dinampot ang isang sisiw at tinago ito sa aking damit. Pero naamoy yata ng inahin na tinago ko ang kan'yang anak. Nanlalaki naman ang mga mata ko na parang sasabungin niya ako. "Ahh... Mommy!" tili ko habang mabilis na tumakbo papunta sa lamesa nila Geo. Nakanganga naman ang mga bisita na nakatingin sa akin. "Geo!" nagsisigaw na saad ko at pumunta sa tabi ng binata. Kinuha ko ang sisiw sa aking damit at nilagay sa loob ng damit ng binata. "Huwag ka gumalaw, Geo. Baka mahalata ka ng inahin," mahinang saad ko rito. Nakanganga naman nakatingin ang mga kaibigan ng fiance ko. "Maybelle!" nanggigil na saad niya sa akin na naka-steady lang ang katawan. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi. "U-Umalis na siya. Pakawalan mo na ang baby sisiw," bulong ko at yumuko dahil nahihiya rin ako sa kanila. Natatakot kasi ako tumingin sa mga mata niya. Alam kong galit ito. "G-Geo?" Dahan-dahan akong tumingin rito. Namumula naman ang buong mukha niya sa sobrang galit. "Marami kaming alagang manok, if you want, Elle, puwede ka magdala pauwi," nakangiting saad ni Kuya Drey. "Really po?! Masarap po siguro gawing tinola!" Bigla naman nasamid si Geo dahil sa sinabi ko. "Hey, Bro!" Napalingon naman kami sa bagong dating na bisita. Nanlalaki naman ang mga mata ko na nakatitig sa lalaking nakangisi at tumagal ang tingin sa akin. "Hey, Nix," bati ni Kuya Zack. Pero hindi niya pinapansin si Kuya Zack, sa halip naging seryoso ang kan'yang mukha na nakatitig pa rin sa akin. Nagulat pa ako na pinulupot ni Geo ang kan'yang kamay sa aking baywang. "Hi, Maybelle. Nice to see you again," saad ni Nix Monteverde sa akin. Hindi ko talaga naisip na magkapatid sila ni Kuya Drey. "Magkakilala kayo?" tanong ni Kuya Drey. "I am her...Professor and also....an ex-boyfriend." Nanlalaki naman ang mga mata ko. Napatingin ako bigla kay Geo. Nakakunot naman ang noo ni Geo na nakatitig kay Nix. "By the way, Elle. Na miss ko ang tinolang manok mo," sumilay ang pilyong ngiti ni Nix. Hinila lalo ako ni Geo palapit sa kan'ya. "Akala ko ba ako lang ang nakatikim sa tinolang manok mo?!" diin na tanong niya. "Ha...a-ano kasi...-" "Bro, bilhin ko lahat ng native mong manok, magpapaluto ako ng tinolang manok kay Maybelle, ang sarap kasi niya magluto ng tinola. Though, naging favorite ko na ito," saad ni Geo na nakaawang naman ang aking bibig. Favorite na niya ang tinolang manok ko? "Favorite ko na rin ang tinolang tahong mo," bulong niya sa akin na uminit naman ang buong mukha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD