Napapikit lang ako sa bilis ng pagmamaneho ni Zachary sa kan'yang sasakyan. Kahit alam ko naman na car racer ito, at bihasa sa pagmamaneho hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. "S-Slowly, please," nanginginig ang boses na pakiusap ko rito. Sumulyap lang ito sa akin at kinuha ang isang kamay ko. Hawak-hawak niya ito habang nagmamaneho. Pilit ko naman itong hinihila pero lalo lang niya ito hinawakan ng mahigpit. "Maaksidente tayo, huwag ka malikot," seryosong saad niya na nakatutok lang ang mga mata sa unahan. "Zachary, please," nagtitimpi na pakiusap ko rito. "Just, relax. Wala naman mawawala kung hawak-hawak ko ang kamay mo," aniya na bahagya pa itong ngumiti sa akin. "I'm married! Hindi pa rin maganda tingnan na hawak-hawak ng ibang lalaki ang kamay ko!" diin na saad ko naman. Hindi

