After namin nag-usap ni Geo parang nakaramdam na rin ako ng gap sa amin. I don't know, parang lagi na lang nakatulala ito. "Mister ko?" tawag ko rito habang minamasahe ang kan'yang balikat. Lumingon naman ito sa akin. "I badly want a kid, Belle. I'm 34 already. Hindi na ako bumabata." Pilit naman akong ngumiti rito. "S-Sige. Malay mo next month buntis na ako." Ngumiti naman ito sa akin. "Thank you, Misis ko." Balik sa dati ang buhay namin. Naging abala sa negosyo si Geo at ako naman pinalad nakapasa sa Licensure Examination for Teacher. Mas pinili kong magturo sa elementarya dahil mas gusto ko turuan ang mga bata. "Okay, Kids. Please, sit down," malambing na saad ko rito. Kahit araw-araw nahihilo at masakit ang ulo ko sa konsumisyon sa mga bata, tinitiis ko na lang. "Teacher Le

