"Puwede ba kita agawin sa asawa mo?" seryosong saad ni Zachary na kami lang dalawa ang nakakarinig. "W-What?" "Alam mo bang malaki ang kasalanan ng asawa mo sa akin? Ang suwerte ko pala, nakilala ko na ang napakaganda at batang-bata ni Geo Lee!" nakangising saad niya. Napalunok naman ako sa inasal ni Zachary. Huminga ako ng malalim at itinutok ang atensyon sa aking pagkain. "Bro, iyong in-order mo palang sasakyan i-dedeliver na ng kaibigan ko next week," saad ni Kuya Kenzo. "That's good. Puwede ko na gagamitin sa upcoming event," sagot naman ni Zachary pero ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. Hindi ko lang maintindihan ang huling sinabi niya na may kasalanan rito ang asawa ko. Napatingin ako bigla kay Kuya Kenzo na may kausap ito sa cellphone. "What?! Okay, pupunta na ako diya

