07

1354 Words
Chapter 7- Unexpected Visitor 3rd Person's POV Sa harap ng salamin kasalukuyang sinusuklayan ni Marc si Samantha ng buhok. Naging habit na iyon ni Marc simula ng magsama sila sa iisang bahay. Naging stylish s***h make up artist siya ni Samantha. Gustong-gusto ng binata na inaayusan ang asawa kahit nasa loob lang naman sila ng bahay. Sa reality na hindi siya pinalalabas ni Marc ng 'ganon ang tyura. Natutuwa pa din ang babae dahil sa loob ng bahay para siyang prinsesa. Hinahayaan siya ni Marc na suutin ang kahit anong damit na gusto niya. Siya pa ang pumipili ng dapat niyang suutin matapos ang klase niya at trabaho ni Marc. Kahit matutulog na sila. Pipili ito ng damit para sa kanya at bago matulog patutuyuin ni Marc ang buhok niya. Alagang-alaga ni Marc ang buhok niya at lagi nito sinasabi ni Marc na gustong-gusto ng binata ang buhok niya. Hindi iyon maintindihan ng babae since sa paningin niya mas maganda at malambot ang buhok ng asawa kaysa sa kanya. "Malapit na ang weekend, Sammy girl. Household chores ah. Kung mga project ka make sure na—." "Naka-schedule at aalis ako after mo dumating kung may biglaan kayong meeting," dagdag ni Samantha na kina-pokerface ng binata. Nag-peace sign lang ang babae at natatawang umupo ng maayos. Samantha Suarez's POV Kung iniisip niyo na inaalila ako ni Marc dahil sa akin lahat ng household chores. Isa iyong malaking 'NO'. Wala kaming katulong dahil gusto niya maginh independent ako. Una pa lang sinabi niya iyon. Nakipagtalo pa siya kina kuya Arc dahil kayang-kaya naman daw ni Marc mag-hire ng katulong papahirapan pa daw ako. 'Nong una sumama ang loob ko dahil feeling ko gusto niya ako pahirapan pero 'nong sinabi niya ang reason nalinawan na ako. Nakita ko din na ang dami niya alam sa mga gawain bahay as in. Akala ko pinapagawa niya iyon sa akin dahil ako ang babae o sa kahit ano pa na rason. Pero lahat iyon kaya niya gawin either pagpapalit ng kurtina, paglalaba, pagluluto, pagdidisenyo ng mga bagay sa bahay at pago-organize. Wala akong marereklamo dahil daig niya pa ako. Wala akong masasabi dahil alam ko na totoong gusto niya ako matuto. Kapag weekend after ko gawin lahat ng trabaho ko sa bahay. Natutuwa ako sa nakukuha ko after ng pagod ko. Madaming masarap na pagkain. Tapos kinabukasan lalabas kaming dalawa. Dadalaw kay daddy Marco then sa puntod ng mommy namin na dalawa. Kahit 'ganon. Paulit-ulit, ni isang segundo sa buhay ko hindi naging boring kapag kasama ko si Marc. Lagi 'man kami nag-aaway or nagtatalo. At the end of the day bati na kami ulit kahit ako nag nanunuyo. =_= "Hey hubby inaantok na ako. Hindi ka pa ba tapos suklayan ako?" "Hubby your face! Yuck! Wifey dapat 'yon," pagtatama niya na kinatawa ko. Etsuserang bakla. Maya-maya napatigil ako ng tumunog ang doorbell na nasa living room. Connected din pala iyon sa room ni Marc since sound proof ito. "Sino naman pupunta ng ganitong oras? Kaloka ah," ani ni Marc. "Baka si kuya Arc. Alam mo naman 'yon bigla na lang sumusulpot," ani ko bago tumayo. "Ako na magbubukas ng pinto." "Fine, magsha-shower lang ako sa bathroom. Pagkabukas mo ng pinto bumalik kana sa room mo," bilin ni Marc. Nagsalute lang ako bago lakad takbo na lumapit sa pinto. Sunod-sunod kasi ang pag-door bell inaatake ba ng diarrhea si kuya Arc at nagmamadali. Pagdating ko sa living room. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. "Kuya Ar— Alvis," ani ko ng makita ko si Alvis. Nagtama ang mata namin dalawa. Niluwagan ko ang pagbukas ko ng pinto at pinapasok si Alvis na bahagyang natulala matapos ako makita. 3rd Person's POV Nang makapasok si Alvis sa loob hindi na ni Alvis naalis ang tingin kay Samantha. Naka suot ito ng makapal na yellow-green na lingerie, nakalugay ito ng buhok at walang suot na salamin. "Naliligo pa si Marc. Hintayin mo na lang siya dito kung may kailangan ka," ani ni Samantha. Naiilang siya dahil sa malagkit na tingin ni Alvis mukha din itong lasing dahil sa pamumula ng mata nito at sa amoy ng alak. Aalis si Samantha ng hawakan siya ni Alvis na kinapiksi ng babae. "Samantha, alam kong alam mo na hindi ang baklang 'yon ang pinunta ko dito." "Samantha bumalik kana sa akin. Kahit anong gawin ko ikaw pa din talaga Patawarin mo na ako. Just give me one last chance," ani ni Alvis. Tinitigan siya ni Samantha at naiiling na umayos ng tayo. "Nasasabi mo 'yan sa asawa ng kakambal mo Alvis? Seriously?" "Hindi ka pa din nagbabago masyado ka pa din makasarili." "Kaya kitang patawarin Alvis. Matagal na kita pinatawad actually," dagdag ng alaga. "Pero sorry kung ano 'man tayo noon hindi na maibabalik 'yon ngayon. May asawa na ako and I'm freaking married sa kapatid mo pa," ani ni Samantha sabay taas ng wedding ring na nasa kaliwang kamay niya. Marahas iyon hinablot ni Alvis at nagdidilim ang mukha na hinarap si Samantha. Nakaramdam ng takot ang dalaga dahil sa tingin ni Alvis. "Ako lang makakapagbigay 'sayo ng isang buong pamilya, Samantha. Hindi ang bakla na 'yon!" "Hindi kita kailangan! Hindi mo ba naiintindihan iyon! Tapos na tayo!" "Bitawan mo ako nasasaktan na ako!" naiiyak na sambit ni Samantha. "Akin ka lang Samantha! Akin ka lang!" bulyaw ni Alvis hanggang sa bumagsak sila sa sofa at pilit hinalikan si Samantha. Naiyak ang babae habang nagmamakaawa. "Marc!" sigaw ni Samantha habang pilit na tinutulak si Alvis hanggang sa—. "Hayop ka! Alvis!" Napatakip si Samantha sa katawan habang pilit na bumabangon. Umiiyak si Samantha. Hindi makaporma si Alvis ng sunod-sunod siyang sinuntok ni Marc at napatigil lang ang mga ito ng dumating ang dalawang kapatid na si Hades at Lucian. Pinigilan ni Lucian si Marc at tinulungan si Alvis na sunod-sunod na napaubo. Halos hindi na ito makilala dahil sa mga suntok ni Marc. Tinulak ni Marc si Lucian palayo at tinakbo ang distansya nila ni Samantha na nakaupo sa sofa habang umiiyak. Nanlaki ang mata ni Lucian ng makita ang tyura ni Marc na agad tinakpan ang asawa. Niyakap ni Marc ang halos hubad ng katawan ni Samantha. Napunit ang damit nito na suot na mas kinagitgit ni Marc. Pinakalma ito ni Marc habang nakakulong sa mga braso niya. "Ilayo niyo 'yan sa bahay ko kuya Lucian. Palalampasin ko ang araw na ito dahil lasing ang putanginang iyan." "Pero once na maulit ito at lumapit pa si Alvis kay Samantha. Wala ng kapati-kapatid kuya," ani ni Marc bago nilingon si Lucian na napatigil matapos makita ang tingin ni Marc. "Kakalimutan ko na isa akong Salvacion at kapatid ko 'yan," malamig na sambit ni Marc. Kinuha nito si Samantha at binuhat patungo sa hagdan. Patuloy lang sa paghikbi si Samantha at nanlalamig na nakakapit kay Marc. — Dinala ni Marc si Samantha sa kwarto at duon dahan-dahan binaba sa kama. Walang imik na lumapit si Marc sa walking closet niya at kinuha ang first aid kit. Nang makabalik siya sa kama. Tumabi siya kay Samantha na pinupunasan ang pisngi. Binaba ni Marc ang first aid kit sa kama. Kinuha nito ang comforter at binalot ang katawan ng asawa. Tinitigan siya ni Samantha na agad sinita. "Huwag mo ako titigan Samantha. Nakakairita," ani ni Marc. "May split personality ka ba?" tanong ni Samantha habang sumisinghot. Tiningnan siya ni Marc na parang hindi makapaniwala sa tanong ng asawa. Umirap lang ang lalaki bago pinagpatuloy ang paggamot sa sugat ng asawa. "Alam mo pa lang si Alvis iyon. Bakit mo pa pinapasok?" tanong ni Marc. "Kasi kapatid mo siya," sagot ni Samantha na kinatingin ni Marc. "Kaya ko lang naman siya kinakausap at kinukonsidera dahil kapatid mo siya," dagdag ni Samantha bago yumuko. "Ayoko makapatay ng kapatid Samantha," ani ni Marc na kinatingin ng dalaga. Sa isang iglap parang ibang tao na ang kaharap niya matapos makita ang 'ganon na side ni Marc. "Layuan mo na si Alvis dahil kapag naulit pa ito. Baka makalimutan ko na magkapatid kaming dalawa at makapatay ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD