06

1756 Words
Chapter 6 - I'm Gay 3rd Person's POV; "Yo mga bro. Anong meron at para kayong mga tae na nagkukumpulan diyan?" tanong ni Lucian Gael Salvacion pangalawa sa magkakapatid na Salvacion. Napagpasyahan kasi ng binata na umuwi sa mansyon since kagagaling niya lang sa restaurant malapit sa lugar matapos makipag-usap sa investor. Nakita niya na kumpleto duon ang pito sa kanyang mga kapatid kasama dito ang isa sa kambal nilang bunsong kapatid na kasalukuyang umiinom ng alak. "Anong nangyari at mukhang nga heartbroken kayo? As far as i know si Marc lang ang kasalukuyang nasa married ang status," ani ni Lucian bago humila ng upuan at agawan ng bote ang isa sa mga kapatid. "Tangna mo Lucian ipalandakan ba naman na single kami," react ni Yuan Von Salvacion. "Huwag ka ng mahiya Yuan, wala namang naka-inrelationship dito. In short. Pare-pareho tayong single," tatawa-tawang sagot ni Lucian na kina-pokerface ng mga kapatid. "Teka ano bang meron at nag-iinuman kayo? Celebration? Sino may birthday?" magkasunod na tanong ni Lucian sabay inom ng alak na nasa baso. "Si Alvis, broken," sagot ni Kenjie Ash na pang-pito sa magkakapatid. "Sino ba 'yan Alvis? Sino namang babae ang magkakamali na i-reject tayo?" may pagmamalaki na tanong ni Lucian matapos akbayan ang kapatid na naka-upo sa harapan ng bar counter. Natawa lang si Harold jay na kasalukuyang nagsese-serve ng alak sa mga kapatid at sinalinan ang baso ni Lucian. "Si Samantha," ani ni Alvis na kinaubo ni Lucian matapos inumin ang alak na nabasa, sakto sa pagsagot ni Alvis. "What?! Samantha? Don't tell me tinawagan mo na na naman si Samantha para sabihin na hiwalayan si Marc," ani ni Lucian. "Kanina pa namin sinasabi na tigilan niya na si Samantha. May asawa na si Sam tapos kakambal pa niya," sagot ni Mike Hades. Pangatlo sa magkakapatid. "Hindi niyo ako naiintindihan kasi wala kayo sa sitwasyon ko," asar na sambit ni Alvis. "Huwag mong ipagpilitan ang gusto mo Alvis dahil kahit anong mangyari mali pa din na ipagsiksikan mo ang sarili mo sa taong may asawa na." "Kung hindi ka naman kasi isa't kalahating gago. Nasayo na si Samantha niloko mo pa," bored na sagot ni Mike. "Kuya Mike, ako ang mahal ni Samantha. Kaya lang naman siya nagpakasal kay Marc dahil galit siya sa akin." "Ako ang mahal ni Samantha hindi ang baklang 'yon!" bulyaw ni Alvis. "Watch your word Alvis," sabat ni Andrei Arc. Pinakamatanda sa magkakapatid na Salvacion. "Nirerespeto namin na mahal mo si Samantha. Pero ang problema na 'yan nasa pagitan niyo ni Samantha. Wala sa inyo ni Marc." "You have no right to insult him." "Lalo na 'nong araw na pinapili ni dad si Samantha sa ating siyam. Nandoon ka din at nakita mo na si Marc talaga ang pinili niya," dagdag ni Arc. "Pero bakla si Marc! Hindi dapat si Marc ang pinakasalan niya," naggigitgit na sambit ni Alvis na kinatingin ni Arc. "Nakikita mo ba kung anong klaseng babae na ngayon si Samantha matapos niya makasama si Marc ng ilang taon?" ani ni Arc matapos ibaba ang baso at tingnan si Alvis. Napatayo na din sina Mike dahil mukhang nabadtrip na si Arc dahil sa pagsigaw ng nakakabatang kapatid. "Duon pa lang malalaman mo na kung bakit hindi bumabalik sayo si Samantha at bakit niya pinipili si Marc kahit sabihin mo na bakla ang naging asawa niya," walang emosyon na sambit ni Arc. Tumayo si Alvis at tiningnan pabalik ang kapatid. "Kung bibigyan lang ako ng chance ni Samantha. Maibibigay ko lahat ng naibigay ni Marc sa kanya," ani ni Alvis na halatang desidido na makuha ang dating kasintahan. "Maibibigay ko lahat ng gusto niya kahit ang isang buong pamilya at mga anak," dagdag ni Alvis na kinangisi ni Arc. "Tingnan natin kung gugustuhin pa ni Samantha ang bagay na 'yan kung ikaw ang magiging asawa niya," may pang-uuyam na sambit ni Arc dahilan para patigilin na siya ni Lucian. Nagdilim ang mukha ni Alvis, walang salita na umalis sa living room at naglakad palabas ng mansyon matapos kuhanin ang mga gamit. "Arc galit ka pa din ba kay Alvis? Bakit ka naman nagsalita ng 'ganon," ani ni Lucian. "Gusto ko lang ipamukha kay Alvis na wala na siyang space sa buhay ni Samantha." "Pero hindi ka dapat nagsalita ng 'ganon. Lumabas na naman na may kinakampihan ka," ani ni Lucian na kinatingin ni Arc. "Para mo na din sinabi na kunsintihin natin si Alvis," sagot ni Arc. "Mga dude, tama na 'yan. May point naman si Arc," sabat ni Kevin James Salvacion panglima sa magkakapatid. Pinaghiwalay nito ang dalawa at pinaghila ng mga upuan. "Let's talk about it properly okay?" "First, we need to think how can we convince Alvis na tigilan na sina Samantha." "Alvis is our brother as well idiots. We should be the first one to understand him," sagot ni Lucian kay Kevin. "As a brother we need to understand and support him, yes," sabat ni Harold habang nagpupunas ng bote at ilang baso. "But as a big brother. We need to certain his wrong and do the right thing for them," dagdag ni Harold bago tingnan ang mga kapatid. Hindi mga nakaimik ang mga ito kahit si Lucian. "Huwag na kayo magtalo-talo. Look, imposible naman na magkagusto si Marc kay Samantha. Gay si Marc," ani ni Kenjie na kinatingin sa kanya ni Lucian. "Isa ka pa naman. Hindi naman talaga bakla si Marc diba?" ani ni Lucian. "May dahilan kung bakit nagkaka-ganon si Marc, Kenjie. Kaya hindi imposible na magkagusto si Marc kay Samantha," sagot ni Arc. "Hindi naman kayo nage-expect na maghihiwalay ang dalawa once na maging stable na si Samantha diba?" "Who knows," sagot ni Hades na kina-pokerface ng magkakapatid. — Pansamantala, sa mansyon kung saan nakatira sina Samantha at si Marc. Halos mamatay katatawa si Samantha nang makauwi sila mansyon. Habang nasa byahe kasi sila pauwi reklamo ng reklamo ang asawa dahil pinakain ni Samantha ng isaw si Marc. "Argh! You're so mean! Sammy girl! Yuck! As in yuck!" ani ni Marc na halos isuka lahat ng kainin. "Hindi mo sinabi na lamang loob iyon ng manok tapos bituka pa! Alam mo ba kung ilang germs ang makukuha 'don." "Eww! As in eww!" "Sarap na sarap ka naman at hindi ka nagtanong," sagot ni Samantha habang tumatawa. Hindi kasi maka-get over si Samantha sa reaction ni Marc ng malaman nito kung anong kinain niya. Humihirit pa ito na bumalik ulit sila duon para kumain next time. Hindi siya pumayag dahil baka magka-hepa ang asawa at maging kasalanan niya pa. Tumuloy agad sa kusina si Marc, binuksan ang fridge at nagmumog. Nang mailuwa nito ang tubig lumpit sa kanya si Samantha. "Bakit nga pala badtrip ka? May nasira ka na naman ba na dress? Gusto mo hanap ulit tayo ng katulad 'non sa internet?" "Or kausapin natin si Auntie para gumawa ng dress katulad nuon?" tanong ni Samantha. Napatigil si Marc kaya hindi maiwasan ni Samantha magtaka. Ngayon niya lang nakita na 'ganon ang lalaki kaya hindi nito maiwasan na magtaka. Nang naibaba ni Marc ang baso. Bumuga ito ng hangin bago magsalita. "Nakausap ko si Alvis." "Pinagpipilitan niya na hiwalayan kita," ani ni Marc na kinatigil ni Samantha. "H-Hindi mo naman g-gagawin diba?" tanong ni Samantha. "Napa-isip lang ako. Mukhang nagbago na si Alvis since ikaw pa din ang gusto niya makuha kahit ilang taon na siya nawala." "Kung mapupunta ka nga sa kanya. Maibibigay niya sayo ang bagay na hindi ko kaya ibigay since ganito ako," bulong ni Marc. "Kung maiisipan mo na bumalik kay Alvis. Hindi kita pipigilan at 'yong investment hindi ko babawiin iyon kahit pa si Alvis ang pakasalan mo." Hindi alam ni Samantha kung anong ire-react hindi niya maintindihan dahil halo-halo ang nararamdaman niya dahil sa sinabi ng asawa. Lungkot, galit, inis at sama ng loob. Hindi siya laruan para tratuhin ng 'ganon ng kambal na Salvacion. Iniyukom ni Samantha ang kamao bago pinunasan ang sariling pisngi matapos walang tigil na pumatak ang mga luha niya galing sa mata dahil sa sobrang frustration. "Hindi ako laruan Marc para pagpasa-pasahan niyo ni Alvis," basag na sambit ni Samantha na kinalingon ni Marc. Lalapit si Marc ng salubungin ni Samantha ang tingin niya. "Hindi kita pinakasalan dahil wala akong choice. Pinakasalan kita dahil pinili kita." "Asawa mo ako Marc. Hindi ako isang item na pwede mo ipasa sa iba as a second hand." "Sammy, stop crying. I'm sorry iniisip ko lang kung anong alam ko na ikabubuti mo kung saan ka magiging masaya," ani ni Marc na may hindi maintindihan na expression. "Ikabubuti ko? Hindi ka pa ba satisfy sa nakikita mo ngayon sa akin? Mas mabuti na ako ngayon Marc. Bakit kailangan mo pa i-open ang topic na 'yan at parang gusto mo pa na ibalik ako kay Alvis," sagot ni Samantha na puno ng sama ng loob. "Samantha, that's not what you think. Gusto ko lang malaman mo na bakla ako." "I'm a freaking gay. Attracted sa gwapo, mahilig sa dress, ganito ako. 1% chance pa na magawa ko ang responsibility ko sayo bilang asawa dahil—." "Nagreklamo ba ako Marc?" tanong ni Samantha na kinatingin ni Marc. Nagtama ang mata nila. Napaiwas ng tingin si Marc matapos makita sa mata ni Samantha ang sakit. "Wala akong sinabing magbago ka. Support kita kung ano ka." "Wala akong hinihiling na ibang bagay 'sayo. Sa 1% chance na iyon handa ako maghintay hanggang sa mag-100% chance iyon." "Kung hindi mangyari. Hindi ko 'yon pagsisihan kasi pinili kita." "Hindi naman ako nagrereklamo diba?" umiiyak na sambit ni Ssmantha. "Wala akong nirereklamo 'sayo kasi tanggap kita. Wala akong pakialam kung bakla ka." "May nagugustuhan ka na ba na lalaki Marc? Ayaw mo na ba sa akin kay—." "The hell no!" mabilis na putol ni Marc. Napaiwas ito agad ng tingin at bumuga ng hangin. "I mean. Asawa pa din kita. Hindi ako manlalaki," bulong ni Marc bago tingnan ulit si Samantha na namumula ang ilong sa pag-iyak. Lumapit si Marc at agad niyakap ang babae. "Sorry, Sammy girl," bulong ni Marc para patahanin ang babae. Agad naman siya niyakap ni Samantha pabalik. Bakla ang asawa ni Samantha. Alam iyon ng dalaga pero sa pinakikita ni Marc at sa mga sweet gesture ni Marc sa kanya kahit magkaiba sila ng nararamadaman. Hindi maiwasan ni Samantha na mahulog pa. Kahit alam ng dalaga na suntok sa buwan ang tuluyan niya makuha ang isang Marc Lawrenz Salvacion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD