05

1215 Words
Chapter 05-Friendship Marc Lawrenz Salvacion's POV; Nang makasakay ako ng kotse na nasa parking lot. Mabilis ko 'yun pinaharurot palayo sa company habang hawak ng mahigpit ang manubela. "Ano ba Mercy?Relax masisira ang beauty mo, inhale, exhale. Bakit ka ba nagagalit?" "Ano kung agawin ng kakambal mo na hilaw si sammy girl? Mas maganda 'yun para makapagboylet kana ng madami," parang tanga na bulong ko sa sarili habang pilit na pinapakalma ang sarili ko at nag-iisip ng magandang bagay. 'Like madaming dress, gwapong mga fafa at abs.' Pero sino bang niloko ko boylet? Ni hindi ko nga naranasan makipagrelasyon sa lalaki kahit bakla ako. 'Asar!' "Baliw kana, Mercy," inis na bulong ko sa sarili bago biglang ipreno ang sasakyan. Sa sobrang inis ko paulit-ulit kong inuntog ang ulo ko sa manubel. 'Kailangan kong huminahon,' huminga ako ng malalim bago tiningnan ang wristwatch ko habang nakasubsob sa manubela. "Puntahan ko na lang si sammy girl. Siya lang naman nakakatanggal ng badtrip ko," ani ko bago umayos ng upo at iniistart ulit ang kotse. 'Si Sammy girl ang kailangan ko.' Samantha Suarez's POV; Napabuntong na lang ako matapos ang klase namin. Makakauwi na din ako, gosh naiistressed ako sa professor namin. Ang alam ko kumpleto talaga ako sa project at performance task ko sa kanya. Ibaba niya ang grade ko dahil lang sa hindi niya nakita ang mga project na ginagawa ko and activities. Imposible na magkulang ako dahil lahat ginagawa ko para manguna sa klase. Ayoko madissapoint si Marc sa akin kaya ginagawa ko lahat para maging proud siya sa akin at magkaroon kami ng instant date para sa prize ko. 'Kaloka na teacher 'yun.' Naglakad na ako papunta ng gate para abangan ang driver ko at makauwi nang mapatigil ako matapos ko makita ang napakadaming estudyante na nakahara sa gate. 'Kyaaah! ang gwapo sino kaya 'yan.' Mula dito naririnig ko ang tiliian ng mga, babae galing sa main gate. 'Anong meron? May gwapo bang artista ang dumating? ' "Oo nga pero mukhang masungit. Sino kayang inaantay 'nan noh," "Mukha siyang model," rinig ko na sambit ng isang estudyante. Wala naman ako pake kung artista or model ang nasa labas. 'Gusto ko lang ngayon ay umuwi at mabusog ang mga mata ko sa kagwapuhan ng bakla kong asawa na siyempre char lang, hakhak.' "Excuse me, " ani ko habang nakikisiksik sa mga estudyante. Gusto ko ng umuwi dahil siguro na katakot-takot na sermon na naman ang matatanggap ko kay Marc kapag nauna pa siya sa akin sa mansyon. "Samantha. " Napatigil ako nang marinig ko ang pamilyar na boses at napatingin sa lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae. "Marc?" ani ko. Hindi siya umimik at pinagbuksan lang niya ako ng kotse. Mukhang wala siya sa mood. Bago pa ako makasakaya narinig ko pa ang bulungan ng mga babae like 'sayang' at madami ang nanghinayang. 'Duhh, asawa ko na ang bakla na ito. ' "Hoy! Marc, ayos ka lang?" tanong ko matapos ako makasakay ng kotse. "Yeah," sagot ni Marc matapos paandarin ang kotse. Kumunot ang noo ko dahil hindi siya umangal ng tawagin ko siya na Marc at iba ang aura niya ngayon. "Ihinto mo nga yung kotse, Marc, " utos ko na agad niyang sinunod. Tinabi niya ang kotse kaya agad kong hinablot ang magkabilang balikat niya at hinarap sa akin. "Hoy! Kung sino ka 'man engkanto at lamang lupa na nasa katawan ni Marc! Huwag na huwag kang aalis! " sigaw ko habang inaalog-alog si Marc. "What the hell! Sammy girl, nahihilo ang beauty ko sayo! bitaw nga!" ani ni Marc matapos pigilan ang mga kamay ko at hilahin palapit sa kanya. Napatigil ako nang marealize na ilang pulgada na lang ang layo ko sa mukha ni Marc. Konting na lang malapit na kami maglips to lips. 'Kaloka, mas maganda pa talaga ang baklang ito kaysa sa akin. ' "H-hoy sammy girl ilayo mo nga 'yang mukha mo, " ani ni Marc bago tinulak ang noo ko gamit ang daliri niya palayo. "Ikaw kaya nanghihila diyan noh, hmmp!" pilit na pagtataray ko bago bumalik sa pagkakaupo ko at tanggalin ang pagka-ilang sa sistema ko. "Ano ba kasing problema? 'bat mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa?" tanong ko na kinabago ng expresion niya. See? May split personality talaga ang baklang ito. "Naubusan ka ba ng make up? Na luma na ang mga dress mo? Nasunog, nasira?" sunod-sunod na tanong ko. 'Yun lang naman ang posibleng dahilan kung bakit nagbabago ang mood ng baklang ito. Like 'nung naputol ang takong ng sapatos niya 'yun yung unang beses na nakita ko siyang paiyak na. Hindi ako makapaniwala na nag e-exist ang bakla na tulad niya. "Nagugutom lang ako," sagot ni Marc bago iniistart ulit ang kotse. Nanahimik na lang ako kasi wala talaga akong idea kung bakit nagkakaganito si Marc. Last time kasi na nakita ko siya na ganito 'yun yung nasunog ang favorite dress niya dahil napasok ko sa oven akala ko o washing machine. "Kakain ba tayo?" tanong ko makalipas nag ilang minuto. Hindi kasi ako sanay na tahimik kaming dalawa. Mas gusto ko 'yung nagsisigawan kaming dalawa kaysa ganito. "May malapit na restaurant dito kain muna tayo, " yaya ni Marc. "Wag na sa park tayo, " sagot ko na kinatingin sa akin ni Marc sandali bago tumingin ulit sa kalsada. "Kung gusto mong kumain ng damo at bato. Ikaw na lang Sammy girl," napahagalpak naman ako ng tawa matapos ko marinig ang sinabi ni Marc. 'Anong sinasabi ng baklang ito, sino may sabi na mga damo at bato lang meron sa park.' "Baliw ka na ba Sammy girl? Nakakatakot kana ah," komento ni Marc pero nandu'n pa din ang lamig sa boses niya. "Sira ulo kang bakla ka. May pagkain du'n na tinatawag na street foods," "Huwag kang mag-alala hindi kita papakainin ng damo." Marc Lawrenz Salvacion's POV; Hindi ko maiwasan mapangiti matapos ko makita ang ngiti at marinig ang tawa ni Samantha. Ito ang isa 'pang bagay na nakakatanggal ng badtrip ko bukod sa mga kabaliwan na naiisipan niya. "Sammy girl, wag na tayo dito. Ang init-init," reklamo ko nang makarating kami sa park. Pababa ako ng kotse nang hindi ko mapansin na mauuntog pala ako sa pintuan ng kotse. Dahil sa may pagkabaliw ang asawa ko hinarangan niya ang ulo ko bago ako mauntog. "Hep-hep! "Hooray," sagot ko ng makalabas ako. Pareho kaming natawa ni Samantha ng mapatingin sa amin ang ilan sa mga tao na dumadaan sa pwesto namin. "Tara na may mga puno naman dito. Don't worry masarap din mga pagkain dito," ani ni Samantha matapos ako kindatan at hilahin. Minsan talaga hindi ko malaman kung ano ba ng pinagkaiba ng status na inrelationship at married sa friendship. Para sa akin kasi pareho lang 'yun since si Samantha ang partner at kasama ko sa status na 'yun. Unconditional ang status namin but she's my hubby at the same time my bestfriend. Hindi porket mas babae pa ako kumilos kay Samantha hindi ko na kaya siya protektahan, alagaan at mahalin katulad ng tunay na asawa. Kahit contract lang ito at kahit ano pa ang dahilan kung bakit ako ang pinili niya. Wala akong pakialam as long as nakikita ko ang ngiti at naririnig ko ang tawa niya. Hindi ko hahayaan na paiyakin ulit ni Alvis si Samantha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD