04

1056 Words
Chapter 4- Ex 3rd Person's POV; "As far as i know, hindi kulungan ang opisina ko para kailangan niyo dalawin ako araw-araw," "Grabe ka talaga Lawrenz, hindi ka 'man lang talaga nag-abala na sunduin kami sa airport, " may pagtatampo na reklamo ni Lucian Gael Salvacion. Pangalawa sa nakakatandang kapatid ni Marc na pumasok sa loob ng opisina kasunod ang lalaki na malaki ang pagkakahawig sa binata. "Duhh, kuya para naman nasa akin ang mga paa niyo. Hindi ba kayo makakauwi ng wala ako, " pagtataray ni Marc at hindi pinansin ang binata na umupo sa visitor seat. "Kahit wala sayo ang mga paa namin dapat pumunta ka. Lahat ng kapatid natin nanduon para salubungin kami tapos ikaw wala? " "Sana kuya sinabi mo na may kasama ka na fafa. Hindi ka pa nakakasakay ng eroplano andu'n na ako para sunduin ka. " "Gago ka talaga, " ani ni Gael sa nakakabatang kapatid bago tingnan si Alvis na walang imik na kinuha ang picture frame na nasa ibabaw ng table ni Marc. "May asawa kana lahat-lahat lalaki pa din ang hanap mo," may pang-uuyam na sambit ng binata bago binaba ang picture frame at tingnan si Marc. "Ilang taon na din ang lumipas pero wala pa din pinagbago sayo. Buti hindi naaswa sayo si Samantha. Nagkaroon siya ng asawa na bakla. " "Alvis, hindi tayo pumunta dito para pag awayan niyo na naman 'iyang dalawa." saway ni Gael sa kapatid. "Kumpara naman sayo mas magaling ako mag-alaga. Bakit naman maaswa sa akin si Samantha?" "Sinasabi mo ba na mas better ka sa akin kasi tunay na lalaki ka? " natatawa na sagot ni Marc. 'Pag bukas ng pinto ni Arc napatigil ang binata matapos makita ang tatlong kapatid sa loob. "Alam kong alam mo na kumpara sa'yo maibibigay ko lahat ng kailangan ni Samantha. Kaya ka lang naman niya pinili diba dahil nasaktan siya sa akin diba? " "Kung hihiwalayan mo siya at mabibigyan mo kami ng tiyansa na dalawa. Mas maganda ang magiging buhay niya sa akin at maibibigay ko sa kanya ang buong pamilya na gusto niya. " "Hindi ko alam kung saan mo nakukuha 'yang kakapalan ng muka mo Alvis. Siguro nga tigasin ka na tao pero napakakitid ng utak mo." "Chance? Bakit kailangan ko hiwalayan si Samantha para magkaroon kayo ng chance?" "Madali ko lang maibibigay ang file ng annulment kung gugustuhin ko at ni Samantha. Ang tanong dito kung papayag ba siya at gugustuhin niya bumalik sayo. " Naiyukom ni Alvis ang mga kamao matapos marinig ang sinabi ng kambal. "Huwag mo din sasabihin na tunay kang lalaki dahil para sabihin ko sayo, Alvis. Masasabi ko na lahat ginawa ko para mapasaya si Samantha. Wala akong ginawa para umiyak siya either ipamukha sa kanya na wala siyang kwenta." "Siguro nga binabae ako kumilos pero kaya ko din ibigay lahat ng sinasabi mo na kaya mong ibigay sa kanya kung gugustuhin ko." "Wala akong pakialam kung makipag kita ka kay Samantha o ipagpilitan mo 'yang putanginang annulment na 'yan dahil sa sinasabi mo na ikaw ang mahal ni Samantha. " ani ni Marc bago tumayo at itungkod ang dalawang kamay sa table. "Pero ito ang tatandaan mo Alvis. Once na umiyak ulit si Samantha dahil sayo. Kahit kakambal kita 'wag mong iisipin na magbibigay pa ako sayo ng awa." "Wala akong sinasanto 'pag dating kay Samantha." may pagbabanta na sambit ni Marc bago humakbang paalis ng opisina at lampasan si Arc na bahagyang nabato sa kinatatayuan matapos makita ang expression ng nakakabatang kapatid. "Move on na dude, asawa na 'yun ni Marc ngayon. 'Wag si Samantha. " "Akin si Samantha kuya at hindi kay Marc. " "Alvis! " sigaw ni Gael. Matapos tumayo ng kapatid at lumabas na din ng opisina. "Kaya lang naman gusto makuha ni Alvis si Samantha dahil kay Marc, " irita na sambit ni Arc habang nakatingin sa hallway kung dumaan ang dalawa. "Hassle, kung kailan naman kasi kasal na si Samantha tiyaka pa naghabol." "Ayoko umattend ng burol na isa sa mga kapatid natin ang pinaglalamayan. "Pag sabihan mo 'yan si Alvis, " ani ni Arc sa kapatid na napakamot na lang sa ulo. "Ano bang ginagawa ko kuya?" sagot ng kapatid bago sinundan ang nakakatandang kapatid na naglalakad na din paalis. "Ano palang ginagawa mo kuya dito? " tanong ni Gael matapos makita ang hawak na envelop ng kapatid. "Boss ko ngayon si Marc, may papapirmahan lang akong ilang papers. Pero dahil sinira ni Alvis ang mood ni Marc. Thanks to him kailangan ko mag overtime, " pokerface na sambit ni Arc. Samantha Suarez's POV; Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko matapos ako makatanggap ng text at mabasa ang nilalaman 'nun. "Sa tingin niya talaga babalik ako sa kanya? " may inis na bulong ko matapos makita ang pangalan ni Alvis sa caller. Bumuga ako ng hangin bago tumayo at lumabas ng classroom. Sinagot ko ang tawag kahit ang totoo ayaw ko naman talaga. Kung hindi lang siya kapatid ni Marc, wala akong balak makipag-usap sa kanya o ibigay ang number ko. "What is it? " ["Samantha, let's talk.] "Nag-uusap na tayo diba? Ano pa ba kailangan mo, Alvis? " ["Samantha, bumalik na ako. Ikaw pa din talaga."] "May asawa na ako at kapatid mo pa. " may diin na sambit ko. Sa totoo lang naiinis na ako. Hindi niya ba talaga kami titigilan ni Marc. ["Samantha, wala akong pakialam kung kasal kayo ni Marc. Mag file ka lang ng annulment at bumalik ka sa akin,"] Naiyukom ko ang kamao ko matapos marinig iyon. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para pumayag sa gusto niya at iwan si Marc. "Pinuntahan mo na naman ba si Marc, Alvis?" "Matagal na tayo tapos, Alvis at kasal na ako sa kapatid mo pa. Tigilan mo na ang pagtatake advantage sa kabaitan ni Marc dahil kahit anong gawin mo hindi ko iiwan si Marc at sasama sayo, " inis na sambit ko bago pinatay ang tawag. Mahaba na panahon din ako nagpakatanga kay Alvis. Tama na ang ilang taon na yun para magising ako ng isang araw na madami pang tao ang mas better sa kanya katulad ni Marc. Hindi 'man masasabi na tunay na lalaki si Marc. Sobra ang laki ng respeto niya sa akin bilang asawa at babae. Kahit anong gawin ni Alvis hindi ako babalik sa kanya. Matagal na kami tapos at wala akong balak iwan si Marc 'Ginigigil niya ako kainis.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD