03

1054 Words
Gay Mafia boss 3rd Person's POV; "Mr. Salvacion, may bisita kayo, " ani ng secretary. Matapos kumatok at binuksan ang pinto. "Papasukin mo na," sagot ng binata nang hindi tinatapunan ng tingin ang secretary. Agad naman tumalima ang secretary na bahagya matulala matapos mapatitig sa mukha ng binata. Napailing na lang si Marc at napasandal sa swilve chair dahil kung hindi pa siya tumingin hindi kikilos ang bagong secretary. "Mukhang bago na naman ang secretary mo ah. " komento ng gwapong binata na may hawak na brown envelop. "Na iistressed ang beauty ko dahil sa mga feelingerang frog na katulad nila." ani ng lalaki na kinatawa ng nakakatandang kapatid ni Marc na si Andrei Arc Salvacion. "Bakit hinarass ka na naman ba at nanggigil ka?" tanong ng kapatid bago umupo sa visitor seat at tingnan ang kapatid. "Duhh, wala naman bago. As if naman papatulan ko sila. Hindi kami talo, yuck, " nandidiri na sambit ni Marc na kinatawa ng kapatid. "Sabi sayo lalaki na lang ang hanapin mong secretary, " "No way, masyado akong choosy kapag sa boys. Alam mo na gusto ko gwapo at may abs." "Pero dahil director ako ng napakalaking company na ito. Hindi pwede madistract ang beautyness ko sa mga fafa, " Imbis mag salita natawa na lang ang nakakatandang kapatid dahil hindi totoo ang sinabi ng lalaki. Nagpadala na siya minsan ng secretary para sa kapatid. Nirecommend niya tinanggap ng lalaki pero wala naman nangyari since hindi talaga totoo na naattract ang kapatid sa mga lalaki. Naging reason lang 'yun para hindi siya imikan ng asawa kaya agad niyang tinanggal ang secretary at binalik sa kanya. "Ano palang ginagawa mo dito? " "Investment? Need ko, " sagot ng binata na agad naman kinuha ni Marc at pinirmahan. "Hindi mo 'man lang ba babasahin ang contract?" "Duhh, kuya. Hindi ka naman lalapit sa akin kung hindi mo talaga 'yan kailangan. " "At isa pa alam ko naman na hindi masasayang pera ko sayo. Ikaw nga ang dahilan kung bakit ako yumayaman. " sagot ni Marc bago pinasok ang contract sa envelop at binigay sa kapatid. "Kaya nga kapag nakikita kita. Naglalakad na 1 billion ang nakikita ko alam mo 'yun. " "Sira ulo ka talaga kahit kailan, " ani ng kapatid na kinatawa ng binata. "Oo nga pala. Uuwi na daw si Alvis, susunduin namin siya mamaya sa airport. Sasama ka ba? " "Haynaku kuya, alam mo naman kumukulo dugo 'nun sa akin at isa pa may pupuntahan ako mamaya. " "Hindi na ba talaga kayo magkaka-ayos ni Alvis? " "Para mo na din sinabi kuya na kuhanin ko ang buwan tapos lunukin, ganun. " "Lawrenz, kambal kayo ni Alvis." "I know kuya, lagi niyo din sinasabi na pag pasensyahan ko siya at magpakumbaba ako dahil mas matanda siya sa akin ng 4 minutes, " pabalya na sagot ni Marc. Napangiwi na lang si Arc at napailing. "Alam mo naman kuya na 'pag dating sa mga kapatid ko. Kahit sino sa inyo hindi ko pinagdadalawang salita." "Binibigay at ginagawa ko basta ba carry ng powers ko. " "Pero 'yong gusto ni Alvis hindi ko kaya at hindi ko din pwede gawin. Wala akong balak ibigay sa kanya ang gusto niya kahit magalit pa siya sa akin habang buhay. " seryoso na sambit ni Marc na kinatingin ng binata. -- "Boss! " Napatayo ang tatlong lalaki na nasa loob ng isang kwarto at sa gitna ng mga ito ang napakadaming baraha. "Nagsusugal na naman kayo ah. " "Huwag ka mag-alala boss pitikan lang ito sa mata, " sagot ng lalaki na kinapokerface ng binata na ngayon ay naglalakad palapit sa iisang table na nasa loob ng kwarto. "Boss, napadalaw kayo? May bagong mission ba? " tanong ng binata bago umupo ulit sa sofa at niligpit ang mga cards na nilalaro nila kanina. "Kinontak ako ng isa sa mafia boss na under ng 3rd sector. Gusto niya makipag coordinate sa atin since nagkakagulo ang black sector." "Coordinate boss? O gusto nila makasigurado na hindi tayo ang spy galing sa black league? " "Wala naman mawawala sa atin diba kung papayag tayo sa gusto nila?" "Pero boss paano kung sila ang spy? " sabat ng isa sa tatlo na ngayon ay nakatingin sa binata. "Malalaman natin iyon at baka hindi na makabalik ng buhay sa kanila ang ipapadala nila dito. " sagot ng binata na ngayon ay nagsisindi ng sigarilyo. "Imposible din naman mangyari na sila ang spy since nagbaba ng utos ang mga nasa 1st sector na kailangan makipag coordinate ang lahat ng mafia boss na under sa 3rd sector kay Mr. Giovilli. " "Balita ko din fafa si Mr. Giovilli at yummy, " ani ni Marc habang nakahalumbaba sa table na kinakamot ng tatlong lalaki sa ulo. "Mas naloloka ako sayo boss. May hubby kana diba? Tapos kailangan mo pa ng fafa? " "Mas madami mas masaya diba?" "Boss, madami akong irereto sayo. Ang dami namin ngayon na recruit. " "Huwag ka ngang sipsip Axel, alam naman natin lahat na ako ang type ni boss, " banat ng binata na kinapokerface ng pinsan nito na si Axel Paras. "Huwag ka ng umasa insan na tumaas ang rank mo sa pag sipsip kay boss. " "Tigilan niyo nga 'yang dalawa. Hindi niyo kailangan mag-away, alam ko na maganda ako pero hindi ko kayo type. " "Ouch! " "Aray, boss! " "Mr. Salvacion, babae ba asawa mo? " tanong ni Zion Cuevas na kinatigil ng dalawang lalaki. "Cuevas, bakla si boss," "Alam ko, " "Paano naman napasok sa usapan ang asawa ni boss? " "Pumunta ako kahapon sa ospital at nakita ko si Mr. Salvacion na may kasamang babae. " "Paano mo naman nasabi na asawa niya 'yun? " "Gago ka ba? Bukod sa atin at sa mga kapatid ni Mr.Salvacion. Wala ng nakakalapit kay boss ng lalampas sa tatlong kilometro. " "Wala naman kasi ako sinabi na lalaki ang asawa ko, " sabat ni Marc na kinatingin ng tatlo. "Pero boss! Kalat sa underground na bakla ka," hindi makapaniwala na sambit ni Axel. "As if naman ilalabas ko ang identity ng asawa ko para lang linawin na hindi lalaki asawa ko, duhh. " "Na fake ako du'n ah." "Akala ko talaga bakla si boss. " "Basta ang alam ko lang maganda ako. " "Boss sino ang husband and wife sa inyo? " biro ni Trace. "Sino ang lead? " segunda ni Axel. "Ako ang wife, siya ang husband." "Dahil amasona din ang asawa ko siya ang lead. " Pareho natawa ang magpinsan na Paras dahil hindi naintindihan ng mafia boss ang lead na tinutukoy nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD