Alex's POV Mataas na ang araw nang magising ako. Agad kong iniligpit ang hinigaan ko at inilagay sa ilalim ng kama ni Uriel. Pinagbawalan ni Uriel ang may edad nitong katiwala na pumasok sa loob ng kuwarto namin at kahit ang maglinis sa loob ay hindi na rin nito gagawin. Dahil ako na raw ang maglilinis ng kuwarto namin magmula ngayon. Alam ko naman kung bakit ito ginawa ni Uriel. Para hindi malaman ng mga kasama namin sa bahay n hindi kami magkatabing matulog sa kama. Mautak talaga ang Uriel na ito. Napasimangot ako nang maalala ko lalaking iyon. Napaka-ungentleman nito. Talagang sa ibaba ako pinatulog habang ito ay masarap ang pagkakahiga sa malambot na kama. Hindi naman sa nag-iinarte ako dahil sanay naman akong matulog sa matigas na sahig ngunit bilang lalaki ay dapat magpaubaya siya

