Nagmadaling bumangon si Iris at nagbihis para pumunta ng hospital. Pero tama si Mylene. Umalis na nga ang binata.
“Pinabibigay niya sa’yo. Inabot sa akin ng nurse sa admission area. Sabi ni Jiro, para sa iyo raw iyan,” malungkot na sabi ng kaniyang kaibigan.
Dama niyang maraming gustong itanong sa kaniya si Mylene. Pero pinigilan nito ang sarili nang makita nito ang reaksiyon niya.
“Sinong sumundo sa kaniya?”
Umiling si Mylene.
“Pasensiya na Iris, hindi ko rin alam dahil ngayong umaga lang din ako nakarating dito sa hospital.”
Ayaw umiyak ni Iris sa harapan ng kaibigan kaya hangga’t kaya niya, pinigilan niya ang unti-unting pagbigat ng kaniyang pakiramdam. Tinapik lang siya nito sa balikat pagkatapos ay tumalikod na sa kaniya.
Hindi akalain ni Iris na dahil lang sa nangyari kagabi ay iniwan na siya ni Jiro. Plano pa naman niyang humingi ng tawad sa binata dahil sa sinabi niya. Pero huli na siya. Wala na ito at alam niyang siya lang ang puwedeng sisihin sa nangyari.
“Hoy, besh. Hindi ka ba kakain?” tanong ni Mylene sa kaniya nang sumapit ang tanghalian sa araw na iyon.
Umiling si Iris.
“Hindi. Wala akong gana.”
“Ilang linggo ka nang walang gana ah. Baka naman magkasakit ka na sa ginagawa mong iyan. Paano kapag bumalik si Jiro dito at nakita ka niyang payat at may sakit, sa tingin mo ba matutuwa siya?”
Humarap siya kay Mylene. Malungkot ang kaniyang mga mata at kitang-kita iyon ng kaniyang kaibigan.
“Sa tingin mo ba babalik siya rito?”
“Iyon ang nakalagay sa sulat hindi ba? Ang sabi niya, babalik siya.”
“Eh ilang linggo na pero hindi pa rin siya nagpaparamdam. Halos araw-araw tumatawag ako, pero ang sumasagot ay yung assistant niya.”
“Oh, ano naman ang sinabi ng assistant niya?”
“Busy raw si Jiro kaya hindi nito masagot ang tawag.”
“Busy saan?”
“Iyon nga ang tinatanong ko pero hindi naman sinasabi ng assistant niya kung ano ang pinagkakaabalahan ni Jiro. Kinakabahan ako, Mylene. Baka hindi na siya bumalik. Baka makalimutan niya na ako.”
“Agad-agad? Sa tingin ko naman hindi ganoon si Jiro. Hindi ka noon makakalimutan. Ang dami mo kayang ginawang mabuti sa kaniya.”
“Pero kasalanan ko kung bakit siya umalis.”
“Hindi naman. Sa tingin ko ay may dahilan kung bakit siya umalis. Hindi ba ilang beses mong sinabi sa kaniya na mas mabuti kung magha-hire siya ng Physical Therapist? Malay mo, iyon ang pinagkakabalahan niya ngayon.”
“Eh bakit hindi niya sinasabi sa akin?”
Humugot ng malalim na buntong-hininga si Mylene at hinawakan siya sa balikat.
“Alam mo, Iris, sa lahat ng mga kaibigan ko, ikaw ang nag-iisang taong kilala ko na mayroong pinakamahabang pasensiya. Pero bakit pagdating sa pag-ibig, bakit parang nagmamadali ka? Hindi ba nga, good things come to those who wait?”
Mylene is her only friend that is always good in spitting facts.
“Huwag kang mag-alala, Iris. Sigurado akong babalik siya.”
It took a lot of time before Iris finally realized everything. Na hindi niya kailangang maging malungkot at magmukhang depressed palagi. Imbes na magmukmok ay itinuon nalang ni Iris ang sarili sa trabaho at paminsan-minsan ay sumasama rin siya kay Mylene kapag mayroon itong mga gala kasama ang pamilya nito.
Unti-unting bumalik ang sigla niya sa trabaho. May mga pagkakataong naiisip niya si Jiro pero hindi na iyon gaanong nakakaapekto sa kaniya hindi katulad nang dati.
“Besh, gusto mo bang sumama sa amin nila sa Vayang Rolling Hills? Hindi ba matagal mo nang gustong pumunta roon?”
“Hindi ako puwede, Mylene.”
“Bakit naman, huwag mong sabihin na may raket ka na naman?”
Nag-inat ng mga braso si Iris bago umiling.
“Hindi. Sabi kasi ni Doc, kailangan niya raw ako rito bukas ng umaga.”
“Ha? Bakit daw? Hindi ba night shift ka bukas?”
Nagkibit-balikat si Iris.
“Hindi ko rin alam. Ayoko namang tumanggi kay Doc dahil mabait naman siya.”
“Hindi kaya type ka ni Doc?”
Siniko niya ang kaibigan.
“Sira, alam mong may asawa na iyan. Ikaw minsan, pa-issue ka rin eh.”
Tumawa si Mylene.
“Biro lang. Oh siya, good luck sa’yo bukas.”
Kinabukasan ay maagang pumasok si Iris gaya nang utos ni Doc sa kaniya. Iniwan niya lang ang kaniyang gamit sa nurse’s room saka nagsimulang mag-rounds sa mga pasyente. Ilang sandali lang ay nakita niyang humahangos ang isang lalaking nurse palapit sa kaniya.
“Nurse Iris, tinatawag ka ni Doc sa labas. Mayroon daw pasyente na may sakit sa puso.”
“Ano? Paano iyan? Wala tayong available na cardiologist?”
Nagmadali na rin si Iris. Sumabay na siya sa pagtakbo patungo sa labas ng hospital. May nakita siyang nakaparadang ambulance doon.
“Nasaan ang stretcher? Miko, yung stretcher!”
Nagpapanic na siya at biglang nagtaka nang hindi lang man kumilos ang mga taong nakapalibot sa kaniya.
“Miko, nasaan yung pasyente?”
“Ako yung pasyente.”
Agad hinanap ni Iris ang pinanggalingan ng boses. Halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Ang taong nagsalita ay walang iba kundi si Jiro. Kung nagulat siya nang makita ito, mas nagulat siya nang makitang diretsong naglalakad palapit sa kaniya ang binata at may hawak itong bulaklak.
Bumaling siyang muli kay Miko.
“Ang sabi mo pasyenteng may sakit sa puso?” inis na sabi niya sa kaniyang co-nurse.
Marahang hinawakan ni Jiro ang kaniyang kamay.
“Ako nga yung may sakit sa puso. Ang totoo niyan, wala na nga akong puso.”
“Ha?” naguguluhang tanong ni Iris sa binata.
“Wala na akong puso kasi kinuha mo na. Nasa iyo na ang puso ko.”
Lahat ng nakarinig sa sinabi ni Jiro sa kaniya ay napangiti. May iilan pang naghiyawan.
Hiyang-hiya si Iris na bumaling sa mga tao. Nang tumingin siya kay Miko ay nginitian lang siya nito.
“Pagkatapos mong umalis nang hindi nagpapaalam, pagkatapos mong hindi sagutin ang mga tawag ko, tapos ngayon babalik ka na parang walang nangyari?”
Naiinis si Iris dahil sa biglaang pagdating nito. Palagi nalang siya nitong ginugulat. Dumarating at umaalis ito sa buhay niya nang wala man lang pasabi. Gayunpaman, hindi pa rin maitanggi ni Iris na masaya siya sa pagbabalik nito.
“Ginawa ko lang iyon dahil iyon ang gusto mo. Gusto mong maging mabuti ang kalagayan ko kaya nagpagamot ako sa hospital sa Manila. Sinunod ko rin ang payo mo na kumuha ng magaling na therapist. Look at me now. Nakakalakad na ulit ako. Puwede na ulit kitang puntahan kahit kailan ko gusto.”
“Pero hindi ka nagpaalam.”
“I left you a letter.”
“Letter? Hindi naman sapat iyon, Jiro.”
“Let’s say, tinuruan lang kita kung paano maghintay. As the saying says, good thing comes to those who wait. Nandito na ako ulit, Iris. Nakakalakad na ako nang maayos. Puwede na kitang ligawan sa paraang gusto mo.”
Tila natunaw ang puso ni Iris nang marinig ang sinabi nito. After all this time, siya pala ang iniisip nito. Akala niya ay umalis ang binata dahil sumama ang loob nito.
“I left so I could create a better version of myself na puwede mong ipagmalaki. That’s how I love you, Iris.”
“You love me?”
“Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin alam ang bagay na iyan? Noon pa man mahal na kita. You make me love you. You made me see the kindness of your heart by taking care of me. Alam kong hindi naging maganda ang simula natin. But I’m hoping that we could start all over again. And this time, I promise, hindi na ako magiging arogante.”
Naramdaman ni Iris ang pagtulo ng kaniyang luha. Umiwas siya nang tingin nang makitang nakatitig sa kaniya si Jiro.
“Huwag mo akong titigan nang ganiyan. Baka isipin ko na patay na patay ka sa akin,” pagbibiro niya sa binata.
Jiro laughed heartily.
“Isipin mo ang gusto mong isipin, Iris. Hindi kita pipigilan. Hindi ako maiinis. Hindi ako magagalit. Mahal kita, Iris. Mahal na mahal.”
Mabilis na tinawid ni Jiro ang distansiya na nakapagitan sa kanila para yakapin ang dalaga.
“Thank you for coming back,” bulong ni Iris sa kaniya.
Jiro kissed the side of his forehead.
“I’ll always come back for you, my love.”
May mga taong darating sa buhay natin na hindi natin inaasahan. May mga tao ring umaalis. Pero ang mananatiling mahalaga sa atin ay ang mga taong dumating at nanatili sa ating piling.
-END-