“So, bakit ka nga pumunta ng Batanes?” Kanina pa tinatanong ni Iris si Jiro pero nananatiling tikom ang bibig ng binata. Halos mag-iisang oras nang nakatambay si Iris doon. Naghihintay siyang sumapit ang alas dose para mapainom niya ng gamot si Jiro. Dahil wala siyang ibang maisip na gawin kaya tinanong niya nalang ito.
“Kapag sinabi ko sa’yo, baka biglang mag-iba ang tingin mo sa akin.”
“Bakit, kapag sinabi mo ba ang dahilan, bigla kang magiging monster?”
Natatawang umiling si Jiro.
“Promise me first that you will not get mad at me.”
Agad na itinaas ni Iris ang kaniyang kanang kamay.
“Okay, I promise.”
“Six months ago, nalaman kong niloloko lang ako ng long-term girlfriend ko. Mabuti nalang at nalaman ko iyon bago pa ako mag-propose sa kaniya. I was too broken. Kaya halos lahat ng oras ko ay binuhos ko nalang sa pagtatrabaho. Sinabi ng kaibigan ko na mas mabuti kung magbakasyon muna ako. Kaya ako napadpad dito.”
Matagal nanahimik si Iris dahilan para makaramdam ng kaba si Jiro.
“Galit ka ‘no?”
“Oo, galit ako. Pero hindi sa’yo kundi sa ex mo. Imagine, sa guwapo mong iyan, nagawa ka pa niyang ipagpalit?”
“Galit ka sa ex ko?”
“Oo, bakit? Bawal akong magalit? Huwag mo sabihing may natitira ka pang pagmamahal sa ex mo?”
Agad na umiling si Jiro.
“Aba, dapat lang ‘no. Hindi ka niya deserve.”
Habang tumatagal, mas lalong humahanga si Jiro kay Iris. Palagi siya nitong napapasaya kahit sa mga simpleng biro nito. Inaalagaan din siya nito nang mabuti.
“Dapat malaki ang bayad mo sa akin tuwing katapusan. Imagine, ang ganda na nga ng nurse mo, masipag pa.”
“Hindi lang maganda, kundi sobrang ganda.”
“Mas maniniwala ako sa sinasabi mo kung tataasan mo ang service fee ko.”
“Ibang klase ka talaga.”
“I know right. Kakaiba ako. At bihira ka lang makakakilala ng isang babaeng tulad ko. Kaya kung ako sa’yo, huwag mo na akong pakawalan,” pagbibiro ni Iris kay Jiro habang pinaiinom ito ng gamot.
“Bakit, sa tingin mo ba pagkatapos ng lahat ng ito ay pakakawalan pa kita?”
Huminto si Iris sa kaniyang ginagawa at tumitig sa binata.
“Huwag mo akong paasahin, Jiro. Baka sa bandang huli ay hindi mo rin matupad iyang sinasabi mo.”
~~~
“Besh, oh my gosh! May bisita na naghahanap kay Jiro sa labas. Ano, papatuluyin ba namin?”
“Ha? Sino? Magulang niya ba?”
“Ha? Anong magulang? Hindi. Magandang babae yung nandoon sa admission area. Saka sexy. Hindi kaya girlfriend iyon ni Jiro?”
Pinagtaasan ni Iris ng kilay si Mylene.
“Girlfriend agad? Hindi ba puwedeng kapatid o pinsan?”
“Naku, besh. Ako na riyan sa ginagawa mo. Pumunta ka na roon para makita mo.”
Walang nang nagawa si Iris nang itinulak siya ni Mylene palayo. Pupungas-pungas siyang naglalakad patungo sa admission area kung saan naroon ang isang nurse. Agad na tinuro nito sa kaniya ang magandang babae na nakaupo sa bench. Agaw-pansin ang hitsura nito dahil sa kakaibang pananamit. Mukha kasing party ang punta nito at hindi sa hospital.
“Siya nga pala Miss, si Nurse Iris ang nag-aasikaso kay Mr. Hernandez. Kung may gusto po kayong malaman tungkol sa pasyente, si Nurse Iris po ang puwede niyong tanungin.”
Nagmadaling tumayo ang babae at naglakad palapit sa akin.
“Nasaan ang kuwarto ni Jiro? Gusto ko siyang makita.”
“Mawalang galang na po, pero puwede ko po bang malaman kung kaanu-ano kayo ng pasyente?”
“Can’t you see, I’m his girlfriend.”
Umangat ang sulok ng labi ni Iris habang pinapasadahan nang tingin ang kabuuan ng babae.
“I’m Tili. His girlfriend.
“You mean, ex-girlfriend?” paglilinaw na tanong ni Iris.
Sumama ang tingin sa kaniya ng babae.
“Excuse me?”
“Ikaw yung ex-girlfriend ni Sir Jiro hindi ba? Yung nanloko sa kaniya?”
Tila mas lalong nagalit ito. Padabog na naglakad palapit sa kaniya at sinadya nitong banggain ang balikat ni Iris. Antok pa si Iris, pero dahil sa ginawa ng babae, pati yata ang pinakamaliit na cell na natutulog sa kaniyang katawan ay nagising.
Sinundan ni Iris ang nagma-martsang babae.
“Nasaan ang kuwarto ni Jiro, dito ba?”
Napapikit nang mariin si Iris dahil sa sobrang inis. At talagang malakas pa ang loob ng babae na gumawa ng eksena. Kung puwede lang siyang manabunot ng bisita ng pasyente, paniguradong walang pag-aalinlangan na ginawa niya na iyon.
“Miss Tili, hospital ito at hindi party room, hindi po kayo puwedeng gumawa ng eksena rito.”
Galit na humarap kay Iris si Tili.
“Gusto kong makita si Jiro. I want to see him now. Ano bang mahirap sa sinasabi ko?” paged-demand nito.
Karamihan sa mga napapadaan sa gawi nila ay napapatingin kay Tili at maging sa kaniya na rin. May iilan pang nagbubulungan na mas lalong nagpainis kay Iris. Kaya gustuhin man niyang itaboy ang babaeng nanakit sa puso ng taong gusto niya, alam niya hindi niya iyon puwedeng gawin.
Walang choice na itinuro ni Iris ang ikatlong pinto magmula sa kinaroroonan nila.
“Sasabihin mo rin naman pala,” mataray na sabi sa kaniya ng babae.
Humugot siya ng malalim na hininga at nagdasal na sana ay bigyan siya ng mahabang pasensiya sa mga oras na iyon.
Tila walang natitirang kahihiyan sa katawan ang babae, dire-diretso nitong binuksan ang pinto ng silid ni Jiro.
Jiro wasn’t expecting Tili. Kaya nang makita nito ang dating kasintahan ay hindi nito naiwasang mabigla. Kasunod nito si Iris na walang kare-reaksiyon ang mukha.
“Jiro. I heard what happened about you. Akala ko ay hindi na kita makikita ulit. I felt bad of what I did. I’m sorry. Dahil sa akin ay nangyari ito sa’yo.”
Iris rolled her eyes out of annoyance. Nakasandal siya sa dingding habang ang kaniyang dalawang kamay ay naka-krus sa harapan ng kaniyang dibdib.
Nang hawakan ni Tili ang kamay ni Jiro ay mabilis na binawi ng binata ang kamay dito.
“Don’t get me wrong, Tili. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito. It’s because I’m not being careful.”
“Oh, come on, Jiro. Alam natin na kaya ka pumunta rito sa Batanes ay para makalimutan mo ako. Hindi ba?”
“Of course not. Ang rason kung bakit ako pumunta rito ay dahil gusto kong magbakasyon at makahinga sa mga trabaho ko. Yes, part of is because of what you did. Pero malabong ikaw ang pinakadahilan.”
Kumunot ang noo ng dating nobya ni Jiro.
“Hindi ko maintindihan. Anong ibig mong sabihin?”
“I met a girl, Tili. I met a wonderful woman while I was soul-searching here in Batanes. Pagkatapos ng ginawa mo sa akin, akala ko ay hindi na ako magkakagusto sa iba. Pero nagkamali ako. Dahil noong makilala ko ang babaeng iyon, binago niya ang pananaw ko. Na hindi lahat ng babae ay sasaktan ako.”
Natigilan sa kaniyang posisyon si Iris at napatitig kay Jiro. Siya ba ang tinutukoy ng binata?
“You’re making stories now? Sa tingin mo ba maniniwala ako dahil sinasabi mo sa akin iyan ngayon? I know that you’re just saying that because you want me to go away.”
“Hindi ako nagsisinungaling, Tili.”
“Then show me the girl you’re talking about.”
Bumaling nang tingin si Jiro kay Iris.
“Actually, hindi ko na kailangan na ipakita siya sa’yo. Because you meet her already.”
Dahan-dahang nilingon ni Tili si Iris. Tila was half-shocked half-surprise when she looked at her.
“Nagkagusto ka rito sa babaeng ito?”
Umayos sa pagkayo si Iris at nagpalipat-lipat nang tingin kay Jiro at sa nobya nito.
“Yes. Why not? She’s pretty, smart, and most of all, kind-hearted.”
Sinamaan nang tingin ni Tili si Jiro.
“I can’t believe this.”
Padabog na naglakad palabas ang babae. Sumunod si Iris para dumungaw sa labas. Nang makita niyang lumabas ito sa exit door ay saka siya nakahinga nang maluwag.
Pumasok siya sa loob at matamang pinagmasdan si Jiro.
“What? Pati ikaw, galit ka rin?”
“I can’t believe ginamit mo rin ako para mapaalis ang ex mo.”
“I didn’t use you, Iris. Alam mo iyan. Lahat ng sinabi ko ay totoo.”
“So, you really like me?”
“Absolutely.”
Hindi mawari ni Iris kung kinikilig ba siya o talagang masaya lang siya.
“You’re smiling now.”
Kagat ang kaniyang ibabang labi ay umiling siya sa binata.
“Masaya lang ako. Hindi rin ako makapaniwala na ipinagtanggol mo ako sa ex mo.”
“Tungkol doon, gusto kong humingi ng pasensiya sa ginawa niya at sinabi niya sa’yo.”
“No, I think her reaction is valid. Kahit sino naman magugulat sa sinabi mo.”
“Hindi ako nagkamali na ikaw ang babaeng nagustuhan ko, Iris. You have this kind of thinking that others do not have.”
Ngumiti si Iris sa kaniya.
“I take that as a compliment from you, Mr. Hernandez.”
Sa paglipas ng mga araw, patuloy si Iris sa pag-aasikaso kay Jiro. Mas naging maalaga pa siya sa binata lalo na noong malapit nang gumaling ang sugat nito.
“Pagkatapos ng dalawang buwang pananatili mo rito, I suggest na umuwi ka na ng Manila para makahanap ka agad doon ng Physical Therapist na mag-aasikaso sa’yo.”
“Hindi ba puwedeng ikaw nalang ang kunin kong therapist?”
“Bakit ako? Hindi naman ako graduate sa ganoong kurso. Mas mabuti kung iyong certified therapist ang kukunin mo.”
Isang marahang katok sa pinto ng silid ni Jiro ang umagaw sa kanilang pansin. Tumayo si Iris para buksan ito. Laking gulat niya nang makita na nasa labas ang mga magulang ni Jiro. Kilala niya na ang mga ito dahil minsang pinakita ng binata sa kaniya ang larawan ng pamilya nito.
Magalang siyang bumati at agad na pinapasok ang mag-asawa.
“Naku, kaya naman pala hindi ka na umuwi sa atin dahil bukod sa maganda ang silid mo rito, napakagandang nurse rin ang nag-aalaga sa’yo,” sabi ng ama ng binata.
Tumabi sa gilid si Iris. Sinubukan niyang kunin ang atensiyon ni Jiro para magpaalam na lalabas siya para sana mabigyan niya ng privacy ang pamilya ng binata. Ngunit kasabay ng paglingon sa kaniya ni Jiro ay paglingon din sa kaniya ng mga magulang nito.
“Aalis ka ba, hija? Naku, huwag na. Ang totoo niyan, isa ka rin sa mga dahilan kung bakit kami pumunta ng Batanes. Gusto ka naming makilala, hija.”
Lumapit sa kaniya ang ina ni Jiro at marahan siyang hinila palapit sa kama ng binata.
“Nagdala ako ng mga pasalubong para sa’yo. Nabanggit ni Jiro na madalas ka raw nagpupuyat dahil sa shift mo, kaya bumili ako ng mga herbal products na makatutulong sa’yo para lumakas ang resistensiya mo.”
Masayang tinanggap ni Iris ang bigay na regalo sa kaniya ng mga magulang ni Jiro.
“Maraming salamat sa pag-aalaga mo sa anak namin. Salamat at hindi mo siya pinabayaan.”
Mababait ang mga magulang ng binata at maayos din ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya.
“Kumusta naman ang first meeting with your in-laws?” pang-aasar sa kaniya ni Mylene habang nasa duty sila.
“In-laws ka diyan. Hindi pa nga kami mag-jowa.”
“Ay? Malapit nang magdalawang buwan kayong magkasama, wala pa ring usad ang relasyon niyo? Anong besh, may planong paabutin ng isang taon?”
“Hindi mo kasi naiintindihan, Mylene. Hindi naman ako katulad ng ibang babae na nakukuha sa isang ngiti at isang kindat. Gusto ko rin marinig na sabihin niyang nanliligaw siya ‘no! At saka, isa pa, ayokong mag-assume.”
“Aysus naman, Iris. Gustong-gusto ka noong tao pati noong pamilya. Ano pa bang kulang? Alam mo, kung nakakalakad lang yung tao, sigurado ako na pinagdal’han ka na noon ng kung anu-ano. Isipin mo nalang ang sitwasyon niya, Iris.”
Tama naman ang sinabi ni Mylene. Pero anong magagawa ni Iris kung pinalaki siya ng kaniyang mga magulang na mayroong ganoong paniniwala? Hindi naman madaling baguhin ang ganoon.
“Ang tahimik mo yata ngayon,” puna ni Jiro sa kaniya habang inaayos niya ang higaan nito.
“Ang sabi kasi ni Doc, puwede ka na raw i-discharge anytime. May napili ka na bang date kung kailan ka lalabas?”
“Gustong-gusto mo na talaga akong umalis, Iris?”
“Hindi naman. Iniisip ko lang kung anong makabubuti sa’yo.”
“Mas makabubuti sa akin kapag kasama kita.”
“Kasama mo nga ako pero hindi ka naman gagaling agad.”
“Kaya nga nandiyan ka kasi aalagaan mo ako, hindi ba?”
Umupo si Iris sa gilid ng kama ni Jiro. Hinawakan niya ang kamay nito.
“Ayaw mo bang makalakad nang maayos ulit?”
“Siyempre gusto.”
“Yun naman pala. Kung gusto mong gawin iyon, bakit ayaw mong umuwi ng Manila?”
“Bakit pakiramdam ko ay tinataboy mo ako?”
“Hindi kita tinataboy.”
“What’s wrong, Iris? Hindi mo na ba ako gusto kaya ganiyan ang sinasabi mo?”
“What? No. Hindi ganoon.”
“Then tell me.”
“Wala namang ibang rason kundi ang kagustuhan ko na maging okay ka. Ilang buwan ka na rito. Lahat ng tao sa paligid, patuloy ang buhay nila. Pero ikaw… nandito ka pa rin.”
“Patuloy pa rin naman ang buhay ko ah. Nakakasama pa kita.”
“Jiro, ano ba tayo?”
Seryosong tumitig sa kaniya ang lalaki.
“Ikaw ba, Iris, ano ako sa’yo?”
“Jiro…”
“Sagutin mo ang tanong ko. Ano ba ako sa’yo? Gusto mo ba ako?”
“Yes, I do. I like you. Pero sapat ba ‘yon para manatili ka rito?”
“Yes. That’s enough for me.”
“You said you like me.”
“I do.”
“Kung talagang gusto mo ako, bakit hindi mo ako nililigawan?”
Sandaling natigilan si Jiro nang marinig ang tanong sa kaniya ni Iris. Habang tumatagal ay unti-unti niya nang naiintindihan kung ano ang nais ni Iris. Gusto ng dalaga na makalakad na siya muli nang sa gayon ay magawa nila ang mga normal na bagay na ginagawa ng dalawang tao na nais pang makilala ang isa’t-isa.
“Sorry, hindi ko agad naisip iyon.”
~~~
Nang gabing iyon ay matamang nakamasid lang si Iris sa kisame ng kaniyang kuwarto. Hindi niya alam kung tama bang sinabi niya pa ang mga salitang iyon kay Jiro kanina. Hindi niya tuloy alam kung paano ito haharapan bukas.
“Hindi ka ba papasok ate?” tanong sa kaniya ng nakababatang kapatid nang makita siya nitong bumababa sa hagdan.
“Nag-file ako ng sick leave.”
Dali-dali itong tumakbo palapit sa kaniya at inilapat nito ang palad sa kaniyang noo.
“May sakit ka, ate? Wala ka namang lagnat ah.”
Narinig ni Iris ang mahinang pagtawa ng kanilang ina.
“First time kang nag-file ng sick leave, Iris ah. Kahit nga may sakit ka, pumapasok ka pa rin. May nangyari sa’yo ano?”
“Wala po, Ma. Ayos lang ako.”
“Ang ibig kong sabihin, may nangyaring hindi maganda sa inyo ni Jiro ano?”
Kilala ng mga magulang ni Iris si Jiro. At dahil iyon sa pagiging madaldal ng kaibigan niyang si Mylene.
“Mind reader ka ba, Ma? Bakit mo nalaman?”
“Paanong hindi? Eh araw-araw ka excited pumasok ng trabaho mo. Kahit puyat ka, walang makapipigil sa’yo para pumunta ng hospital. Ngayon lang naming nakita na ganiyan ang hitsura mo.”
Ikinuwento ni Iris sa mga ito ang tungkol sa nangyari.
“Hindi mo kailangang mag-alala, anak. Mukhang gustong-gusto ka naman ni Jiro. Kung ako sa’yo, hintayin mo nalang na umayos ang kalagayan niya. Paniguradong liligawan ka rin nang maayos ni Jiro.”
Habang nagapahinga si Iris sa kaniyang silid, nakatanggap siya bigla ng tawag galing kay Mylene. Sinabi nitong idinischarge na sa hospital si Jiro at umalis na ng hospital.