THE PATIENT

2218 Words
“Tama na iyang katitingin mo sa bracelet na binigay sa’yo ng mystery guy na sinasabi mo. Sige ka, baka matunaw iyan.” Inirapan ni Iris ang kaibigang si Mylene. “Bakit ba? Ito na nga lang ang ginagawa ko, sinasaway mo pa ako.” “Bakit ba kasi hindi mo nalang i-chat yung lalaki at sabihin mo na crush mo siya. Malay mo naman, kaya pala binigay niya sa’yo iyan kasi mutual ang feelings niyo para sa isa’t-isa.” “Ayoko nga. Mamaya pagtawanan lang ako noon.” “Bakit naman? Hindi ba nga, ikaw na ang may sabing seryoso siya habang isinusuot niya sa’yo ang bracelet na iyan. Kapag ganoon, malaki ang posibilidad na baka nga gusto ka niya. Kaya kung ako sa’yo, i-message mo na.” Halos isang linggo na ang lumilipas pagkatapos ng tour na ginawa nila sa Sabtang. Pero araw-araw ay walang ibang iniisip si Iris kundi si Jiro. Hinanap pa nga niya ang f*******: account nito at natagpuan niya naman. Jiro Hernandez ang buo nitong pangalan. At ayon sa profile nito, may-ari ito ng isang start-up na kumpanya sa Manila. Gusto niya sanang i-stalk ito, ang kaso locked ang profile ng account. “Ayoko talaga, Mylene. Nahihiya ako.” Tila naubos na ang pasensiya ng kaniyang kaibigan sa kaniya kaya inagaw nito ang kaniyang phone. “Kung ayaw mong mag-friend request, ako na ang gagawa.” Kukunin sana ni Iris ang kaniyang phone pero mabilis itong iniwas ng kaibigan. “Anong ginagawa niyong dalawa?” Napahinto sila sa kanilang ginagawa nang mayroong doctor na dumaan sa admission area. Mabilis silang umayos sa pagkakatayo at bumati sa doctor. “Good evening, Doc.” “Iris, sumama ka sa akin at may parating tayong pasyente. I need your assistance. Hindi ba bone fracture ang forte mo?” “Yes, Doc.” “Good. Matutulungan mo ako.” “Gaano ba kalala, Doc?” “Open fracture. Immediate surgery ang kailangang gawin.” “Anong part ng katawan, Doc?” “Leg. Motorcycle accident.” Ilang sandali lang ay narinig na ni Iris ang ingay ng ambulansiya. Mabilis siyang lumabas para makita kaagad ang pasyente. Laking gulat niya nang makita ang lalaking inilagay sa stretcher. “Bakit, Iris, kilala mo ba ang lalaking ito?” Kumabog ang dibdib ni Iris at napalunok siya nang ilang beses nang makitang si Jiro iyon. Wala itong malay at may nakakabit na oxygen sa bibig nito para masuportahan ang paghinga ng lalaki. “Huwag kang mag-alala, okay lang siya. Ang problema lang sa kaniya ay iyong binti niya.” Sumabay na si Iris sa pagtakbo papasok sa loob. Bago sila makapasok sa surgery room ay nagising si Jiro. Agad na hinawakan ni Iris ang kamay nito. “You’ll be fine. Trust me, okay?” Hindi alam ni Iris kung naiintindihan ni Jiro ang sinabi niya pero tumango ito sa kaniya. Mabilis na kinuha ni Iris ang syringe na may lamang general anesthetic fluid. Pinatagilid ni Iris si Jiro saka niya ininject ang anesthesia sa lower end ng spinal cord ni Jiro. Halos ilang oras din bago natapos ang surgery. Dinala nila ang binata sa recovery room para doon pansamantalang magpahinga. “Kanina ka pa nandito, ayaw mo bang kumain muna?” tanong ni Mylene kay Iris. Umiling si Iris at pinagmasdan si Jiro na hanggang ngayon ay tulog pa rin. “Totoo pala yung sinabi mong guwapo siya.” “Sabi ko sa’yo eh. Hindi ka kasi naniniwala.” “No wonder, nahulog ka sa kaniya.” Pinagtaasan ni Iris ng kilay ang kaibigan. “Excuse me? Anong nahulog? Crush ko lang siya, okay?” “Sige, lokohin mo pa ang sarili mo. Ewan ko ba sa’yo, hindi na uso ang pabebeng babae ngayon, may equal opportunity na ang babae at lalaki na umamin sa taong gusto nila.” Inirapan niya ang kaibigan. “Pinalaki ako ng Nanay ko na dalagang Pilipina ‘no! Hindi puwedeng ako ang unang aamin. Dahil kung talagang gusto niya ako, siya ang unang magsasabi sa akin.” “Eh paano nga magc-confess, eh tulog nga.” Kung sabagay, may punto rin naman ang kaibigan niya. “Ang weird, no? Sa ospital pa talaga kayo ulit nagkita?” Naisip din niya ang bagay na iyon. Ibang klase rin talaga ang pagkakataon. “Feeling ko talaga besh destiny kayo.” “Alam mo, Mylene, ang dami mong sinasabi, umalis ka na nga. Gutom lang iyan.” Nagising si Jiro nang maramdaman ang mainit na bagay na nakadagan sa kaniyang kamay. Nang imulat niya nang tuluyan ang kaniyang mga mata ay hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. It was Iris, the woman he met last Saturday. Ito rin ang kauna-unahang babaeng nagpangiti sa kaniya matapos niyang makipaghiwalay sa kaniyang girlfriend nang malaman niyang niloloko siya nito. Buong buhay niya ay puro trabaho at pagpapalago ng kaniyang negosyo ang inaasikaso niya. Nakakalungkot lang na kung kailan niya planong mag-propose sa kaniyang girlfriend ay saka niya pa nalamang nagloloko ito. Sa mga nakalipas na buwan, sinubukan niyang lunurin ang kaniyang sarili sa trabaho. Hanggang sa nilapitan siya ng kaniyang matalik na kaibigan ay pinagsabihan na mas makabubuti kung magbabakasyon muna siya. Matagal din niyang pinag-isipan kung itutuloy ang plano niyang pagpunta sa Batanes. At hindi siya nagkamali sa kaniyang desisyon dahil dito niya nakilala ang isang Nurse na palaban ngunit mayroong mabuting puso at iyon ay si Iris. Nakamasid lang siya sa dalaga habang nakapikit ang mga mata nito. Nang marinig ni Jiro na bumukas ang pinto ng silid ay agad siyang pumikit. Pero pinanatili niya ang pakikiramdam sa paligid. “Iris, gising na. Uuwi ka pa.” Naramdaman ni Jiro ang pagbangon ng ulo ni Iris. “Tama na kasi iyang kababantay mo riyan sa crush mo.” “Mylene, ano ka ba, baka biglang magising iyong tao. Mamaya marinig niya pa ang sinasabi mo. Naku, kapag nangyari iyon, malilintikan ka sa akin.” “Paano naman niya ako maririnig, eh tulog na tulog. Dapat paggising niyan umamin ka na agad. Ang guwapo pa naman. Parang artista ang datingan. Kahit tulog, pogi pa rin.” Hirap na hirap si Jiro na pigilan ang sarili niyang ngumiti. Kinailangan niya pang hintayin na umalis ang mga ito bago siya nakahinga nang maayos. Crush naman pala siya ng dalaga. Ang akala niya ay siya lang nakakaramdam ng paghanga rito. Kinabukasan ay maagang pumasok si Iris sa trabaho. Nalaman niya sa isang co-nurse niya na nagising na si Jiro kaya ito ang kaniyang unang pinuntahan. “Mabuti naman at gising ka na,” nakangiting bati niya rito. Bumaling sa kaniya ang binata at agad na tumitig sa kaniya. “Ikaw ba ang nag-asikaso sa akin habang nasa surgery room ako?” “Sort of. Ako ang nag-assist sa doctor na nag-asikaso sa’yo kagabi.” “Was it bad? I mean, yung injury ko sa binti, malala ba?” Naglakad palapit si Iris at matamang tiningan ang paa ng binata. “Hindi naman. Pero sa tingin ko, tatagal ng ilang buwan iyan bago tuluyang gumaling ang paa mo. Also, you need to undergo physical therapy.” “Hanggang kailan ako rito?” “Depende sa Doctor kung kailan ka niya palalabasin.” Tumango si Jiro at tumingin sa kaniyang paa. Hindi niya inexpect na mangyayari iyon. May plano na siya. Kaya siya bumalik ng Batanes ay para bisitahin muli si Iris. Hindi niya naisip na maaaksidente siya at sa ibang paraan mapapalapit sa dalaga. Pero dahil nandito na rin naman siya, susulitin niya na ang pagkakataon na makasama ito. “Naghahanap ka ba ng raket?” Mahinang tumawa si Iris. “Bakit? Huwag mong sabihing kukunin mo akong personal nurse mo?” “Paano mo nalaman? “Hindi nga? Seryoso ka ba?” “Oo. Seryoso ako. Wala naman akong pamilya rito sa Batanes. Naka-indefinite leave naman ako sa trabaho kaya naisip ko na baka hindi muna ako uuwi sa amin.” “Plano mong dito tumira pansamantala sa Batanes? May tutuluyan ka ba?” Umiling ang binata kay Iris. “Puwede naman siguro akong mag-apply bilang in-patient dito sa hospital.” “Puwede mo namang gawin iyon, kaso mapapamahal ka sa gastos.” “Bakit, worried ka ba baka hindi ako makapagbayad? Hindi mo kailangang mag-alala, may pera naman ako.” “Oo nag-aalala ako. Saka baka kung ano pang isipin ng pamilya mo. Hindi ba mas okay kung pagkatapos ng check-up ni Doc sa’yo ay umuwi ka na?” “Bakit, ayaw mo na ba akong makita?” “Hindi naman sa ganoon.” “Kung ganoon, bakit gusto mo akong umuwi?” Hindi nakaisip agad ng isasagot si Iris. Bakit nga ba niya gustong umalis na ang binata? “Bakit, Iris? Natatakot ka ba na kapag tumagal ako rito ay magkagusto ka sa akin?” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Iris dahil sa pagkabigla sa sinabi ni Jiro sa kaniya. Nang makabawi si Iris ay alanganin siyang tumawa. “Bakit naman ako matatakot?” “So, hindi ka takot na magkagusto sa akin?” “Baka nga ikaw ang matakot kapag nagustuhan kita. Baka magsisi ka.” “At bakit naman?” “Kasi kapag nangyari iyon, hindi na kita pakakawalan.” Hindi na naitago ni Jiro ang kaniyang ngiti sa dalaga. Agad namang nag-panic si Iris nang makita ang reaksiyon nito. “Pero siyempre, hindi pa naman kita gusto. Kaya hindi mo kailangang mag-alala.” “Hindi naman ako nag-aalala.” Natigil ang pag-uusap nila nang biglang pumasok ang kaibigan ni Iris na si Mylene. “Iris, nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Doc.” “Ah sige, susunod na ako.” “Teka, Iris, babalik ka pa ba rito?” Humarap si Iris kay Jiro at tumango. “Kailangan mo ng personal nurse hindi ba? Payag ako.” Agad na tinusok ni Mylene ang tagiliran ni Iris pagkalabas nila ng silid ni Jiro. “Anong personal nurse ang pinag-uusapan niyo, ha?” Malawak ang ngiti na humarap siya kay Mylene. “Tinanong niya ako kung gusto kong rumaket sa kaniya bilang personal nurse. Hindi ko na tinanggihan, sayang naman yung kikitain ko. Isa pa, hindi na ako lalabas ng hospital para magtrabaho ng iba. Panalo na ako roon.” “Asus, kunwari ka pa. Ang sabihin mo, kaya mo tinanggap ay kasi gusto mo rin siyang makita. Talagang panalo ka, besh. Bukod sa hindi ka na lalabas ng hospital, kikita ka na, at higit sa lahat, puwede ka bang lumandi anytime.” Napailing nalang si Iris sa sinabi ng kaibigan. Bago pa man matapos ang shift ni Iris sa hospital sa araw na iyon ay nilapitan siya ng Doctor ni Jiro. “Sinabi sa akin ng pasyente gusto niyang mag-apply bilang in-patient dito sa hospital. Pumayag ako. Mas mabuti rin iyon sa kaniya. Tutal ikaw raw ang personal nurse niya, heto ang mga bagay na kailangan mong asikasuhin.” Iniabot sa kaniya ng doctor ang folder. Sandaling tiningnan ni Iris ang laman niyon pagkatapos ay nagpasalamat na rito bago umalis. “May mga test na gagawin sa’yo sa mga susunod na araw. Hindi mo kailangang kabahan dahil makakasama mo naman ako,” sabi ni Iris habang inaayos ang unan na sinasandalan ni Jiro. Napahinto siya nang makitang nakatingin lang sa kaniya ang binata. “May dumi ba ako sa mukha?” “Wala.” “Bakit, nakatitig ka sa akin? May ginawa ba akong mali na hindi ko alam?” “Wala rin.” “Eh bakit ka nga nakatingin sa akin?” “Dahil nagagandahan ako sa’yo.” “Jiro, crush mo ba ako?” Ngumiti sa kaniya ang binata. “Obvious ba?” “Kaya ba hinalikan mo ako sa pisngi dahil gusto mo ako?” Nakita ni Iris ang pamumula ng pisngi ni Jiro. “About that, hindi pa pala ako nakakapag-sorry. Hindi ko sinasadya.” “Hindi mo sinasadyang halikan ako?” Mas lalong nahiya si Jiro sa diretsahang pagtatanong sa kaniya ni Iris. “Galit ka ba sa ginawa ko?” Tinitigan ni Iris ang binata. Biglang may pumasok na ideya sa isip niya. “Oo, galit ako. At mawawala lang itong galit ko kapag nakaganti ako sa’yo.” Kumunot ang noo ni Jiro. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Iris. Magsasalita palang sana siya nang biglang inilapit ni Iris ang labi nito sa kaniyang pisngi at hinalikan siya nito roon. Bago pa man siya makapag-react ay agad na lumayo sa kaniya si Iris. Pigil na pigil ang mga ngiti nito habang pinagpapatuloy ang pag-aayos ng kama niya. “Babalikan kita rito bukas ng umaga. Sleep well, Jiro.” Tatalikod na sana si Iris nang hawakan ni Jiro ang kaniyang kamay. “May kailangan ka pa?” “Puwedeng ulitin mo iyong ginawa mo?” “Alin sa lahat ng ginawa ko ang tinutukoy mo?” “Iyong paghalik mo sa pisngi ko.” Napangisi si Iris nang marinig ang sinabi nito. “Gagawin ko lang iyon kung magpapagaling ka agad.” “Ang daya naman.” “Saang parte ang pagiging madaya ko roon? Ayaw mo noon, gumaling ka na, may kiss ka pa mula sa akin.” Wala nang nagawa si Jiro kundi pagmasdan nalang si Iris na naglalakad palabas ng kaniyang silid. Marahan niyang hinawakan ang kaniyang pisngi at hindi napigilang ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD