THE KISS

2549 Words
Napakaraming magandang pasyalan sa Batanes. Pero pinili ng mga turistang ito na mag-tour sa Sabtang Island. Maraming puwedeng gawin sa islang iyon. May mga kainan, bilihan ng mga pasalubong, tulugan na puwedeng rentahan, at higit sa lahat, naroon ang Morong Beach na puwedeng-puwede pagliguan ng kahit sino nang walang bayad. Nang makababa sila sa bangka, mayroon nang nakaabang na jeepney na siyang magiging sasakyan nila patungo sa Pananayan Homestay na siyang tutuluyan ng mga bakasyonista sa loob ng dalawang araw at isang gabi. Bago pa man sila makarating ng isla, nasa isip na ni Iris na hihiwalay siya ng tutuluyan. May kamahalan kasi ang magiging gastos niya kung sa Pananayan din siya tutuloy. Imbes na gumastos nang ganoon kalaki, pinili niya nalang na tumuloy sa Candel. Malapit lang din naman ito sa tinutuluyan ng mga kasama niya. “Nurse Iris, hindi ka ba sasama sa amin?” “Naku, hindi po. Wala po kasi sa budget ko ang mag-stay sa ganiyang homestay. Nakapagpa-reserve na po ako sa Candel. Five-minute walk lang naman po iyon mula rito kaya kung kailangan niyo ako, puwede niyo po akong puntahan doon.” “Sige, hija. Basta babalik ka mamaya ha.” “Siyempre naman po. Magse-settle lang po tayo ng mga gamit natin pagkatapos magsisimula na po tayong mag-ikot.” Akmang tatalikod na si Iris nang marinig niyang may tumawag sa kaniya. Si Miss Villa iyon, ang may-ari ng Pananayan. “Naku, Nurse Iris. May bad news akong gustong sabihin sa’yo. Hindi kayang i-accommodate ng homestay ang fifteen guests na dala mo dahil fourteen rooms nalang ang available. Paano kaya iyan?” Nakita ni Iris na nagtipon-tipon ang mga kasama niya at tila nagme-meeting ang mga ito. “Paano kaya kung iyong isa sa kanila ay sumama nalang sa’yo sa Candel?” Napakamot si Iris sa batok. “Naku, hindi ko alam kung mayroong gusto sa kanila na sumama sa akin,” nag-aalalang sabi ni Iris sa may-ari. Ilang sandali lang ay humarap na muli kay Iris ang kaniyang mga kasama. “Worry no more, Nurse Iris. Napagkasunduan na namin kung sino ang sasama sa’yo sa Candel.” Kumunot ang noo ni Iris habang nakatingin sa mga ito. Kitang-kita sa mga mata nito ang mapang-asar na tingin ng mga ito sa kaniya. “Si Jiro nalang daw ang sasama sa’yo. Para mabantayan ka rin niya.” Bumaling si Iris kay Jiro. Nahuli niyang nagkakamot ng ulo batok ang binata. Halatang napilitan lang ito dahil iyon ang napagkasunduan ng karamihan. “Sigurado ka ba sa desisyon mo na sa akin sumama?” tanong niya sa binata. Nakatanaw ito sa ibang bahagi ng daan. “Wala naman akong choice. Wala rin naman akong matutuluyan doon kahit na ipilit ko ang sarili ko roon.” “Hindi masyadong maganda sa Candel. Walang aircon.” “Hindi ko kailangan ng aircon. Ang kailangan ko ay matutuluyan.” Nanahimik nalang si Iris. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang ugali ng binata. Napakaseryoso nito. Pagkarating nilang sa reception ng Candel ay agad silang sinalubong ng may-ari nito. Gawa ang Candel sa mga bato. Natural ang mga ganitong tirahan sa Batanes dahil ito ang kadalasang dinadaanan ng bagyo. “Nurse Iris, napadalaw ka. Naku, akala ko ay hindi ka na makakabalik dito sa Sabtang.” “As usual po, tour guide ako ng mga turista, Ma’am Helena.” “Naku, kahit kailan, napakasipag mo talaga. Sino ba itong kasama mo, boyfriend mo? Napakaguwapong binata.” “Naku, hindi po. Isa po siya sa mga turistang kasama ko. Magtatanong po sana kami kung may isa pang available na kuwarto para rito kay Jiro.” Sinenyasan ng matanda ang assistant nitong nasa reception table. Sumenyas din ito pabalik sa babae. “Naku, Iris. Yung kuwarto mo nalang talaga ang available. Marami kasing turista sa Batanes ngayon, kaya pati itong Candel ay puno na rin.” Humarap si Iris kay Jiro at pinagmasdan ang lalaki. Katulad niya, nag-iisip din nang malalim ang binata. Hindi kaya ni Iris na hayaan lang ang binata. Responsibilidad niya ito kaya isang malaking desisyon ang ginawa niya ng mga oras na iyon. “Hati nalang po kami sa iisang kuwarto.” Sabay na napatingin sa kaniya ang matandang may-ari at si Jiro. “Oh bakit, ayaw mo? Gusto mo bang sa labas ng daan matulog ngayong gabi?” Mabilis na umiling ang lalaki sa kaniya. “Dahil ikaw ang bisita, dito ka sa kama. Dito nalang ako sa sahig,” sabi ni Iris habang inilalapag ang kaniyang gamit sa lamesa. Nakatitig lang sa kaniya ang lalaki. “Huwag mo akong titigan nang ganiyan. Baka isipin kong may gusto ka sa akin o hindi kaya ay hinuhusgahan mo ang pagkatao ko.” “Excuse me?” “Oh bakit? Iyon lang ang dalawang bagay na nasa isip ko habang tinititigan mo ako.” “Nababaliw ka na.” “Kung baliw ako dahil sa sinabi ko, ibig sabihin baliw ka rin dahil iyon din mismo ang sinabi mo sa akin kanina.” “So, gumaganti ka?” “Bakit, bawal? Anong tingin mo sa akin, mabait? Hindi marunong gumanti?” Naningkit ang mga mata niya. Humarap ang binata kay Iris at pinasadahan niya nang tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. “Kung makapagsalita ka akala mo ang laki-laki mo.” Tumingkayad si Iris para subukang tapatan ang height ng binata. “Bakit? Porket maliit ako, sa tingin mo hindi kita kayang labanan?” Sa katitingkayad ni Iris bigla siyang nawalan nang balanse. Alam niyang tutumba siya sa sahig or worse, tatama ang kaniyang ulo sa edge ng lamesa. Pero bago pa man mangyari iyon, naramdaman niya ang pagpulupot ng braso ni Jiro sa kaniyang beywang at ang paghila nito palapit sa kaniya. Nailapat niya ang kaniyang palad sa dibdib nito. Nang mag-angat siya nang tingin ay doon niya lang napansin kung gaano kalapit ang mukha nila sa isa’t-isa. Ilang segundo silang nagkatitigan. Dahil sa labis na kaba, agad siyang humakbang palayo sa binata. “Hindi kasi nag-iingat,” saad ni Jiro bago ito tumalikod sa kaniya. ~~~ “Oh, Nurse Iris, maputla ka yata. Anong nangyari sa’yo? Sandali lang tayong hindi nagkita, naging ganyan na ang hitsura mo.” “Wala po ito. Hindi lang po ako nakapag-ayos. Kaya ganito ang hitsura ko.” “Nabalitaan namin na magkasama kayo sa iisang kuwarto.” Nahimigan ni Iris ang tono ng pang-aasar ng mga ito. “Wala na po kasing available na kuwarto. Hindi ko naman po puwedeng hayaan itong si Jiro na walang matuluyan. Saka, para lang po alam niyo, sa sahig po ako matutulog, siya ang sa kama.” Lahat ng mga ito ay nakangisi sa kaniya. “Hindi mo naman kailangang mag-explain, Nurse Iris. Naniniwala naman kami sa’yo,” saad ng isang babae. Maniniwala na sana si Iris sinasabi ng mga ito kung hindi lang nakangiti at patawa-tawa ang mga kasama niya. Ginamit ng grupo ang buong natitirang oras sa pagkain at pag-iikot sa buong lugar. Nang sumapit ang gabi, sa Morong Beach sila huminto. Bumili ng mga pagkain at inumin ang ilan sa kasama nila. “Puwede po bang magtanong?” Lahat ng mga ito ay tumingin sa kaniya. “Siyempre naman.” “Lahat po ba kayo rito ay magkakakilala? I mean, friends.” Umayos nang upo ang isang lalaki at ito ang unang nagsalita. “Actually, hindi kami magkakakilala noong una. We’re all solo travelers na nagdesisyong magsama-sama at pumunta sa lugar na ito.” “He’s right. At first, medyo nag-aalangan pa nga kami. Pero dahil dito kay Jiro, kaya nagdesisyon kaming pumunta rito. He’s the planner of this trip.” Nilingon ni Iris si Jiro na tahimik lang na umiinom sa gilid. “We all have stories why we decided to go here. Some are travelling just for fun but most of us here are trying to escape from our problems. Minsan iyon ang purpose ng mga biyahero kung bakit sila nagta-travel.” “Kaya kung ako sa’yo Nurse Iris, sabayan mo na kaming uminom.” Tipid na ngumiti si Iris at inabot ang isang boteng alak na binibigay ng isang lalaki. Habang ang karamihan ay nagsasaya, naisipan niyang pumunta sa dalampasigan para pagmasdan ang mga malilit na alon. Ilang sandali lang ay naramdaman niyang may tumabi sa kaniya. Si Jiro iyon. “Bakit ka umalis doon?” “Pakiramdam ko ay hindi naman nila ako kailangan.” “Dahil lang pakiramdam mo hindi ka nila kailangan, umalis ka na? That’s a lame excuse you know?” “Alam mo, kung nandito ka para makipag-away, mabuti pang umalis ka nalang.” “Sorry.” Nilingon ni Iris si Jiro at mahinang tumawa. “Marunong ka palang mag-sorry?” “Sorry sa mga sinabi ko kaninang umaga. It’s not my intention to hurt your feelings.” “But you did.” “Kaya nga nagso-sorry ako eh.” “Anong magagawa ng sorry mo kung nakasakit ka ng damdamin ng isang tao?” “At least, by saying sorry, mararamdaman ng tao ang sincerity ko.” “Are you sure you’re being sincere?” “Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka? Gusto mo bang lumuhod ako sa harapan mo?” “Bakit? Gagawin mo ba?” “Of course.” Kikilos na sana si Jiro ngunit agad na hinawakan ni Iris ang kaniyang braso. “Okay, naniniwala na ako. Just don’t do that again.” “What?” “Iyong bigla kang magagalit.” Jiro smiled at her. Ngayon lang nakita ni Iris na ngumiti ang lalaki. At hindi niya mapigilan ang sariling humanga sa binata. “May nakapagsabi na ba sa’yong ang guwapo mo kapag nakangiti?” Napatitig sa kaniya si Jiro. “Yes, I think so. Bakit, naguguwapuhan ka sa akin? Huwag mo sabihing crush mo na ako, Iris?” Umiwas si Iris nang tingin sa binata. “Ang yabang talaga kahit kailan.” Lahat ng mga kasama ni Iris ay lasing. Tanging si Jiro nalang ang kasama niya na hindi gaanong apektado ng alak. Hirap na hirap silang isakay ang mga ito sa nirentahang Van. Mabuti nalang at mabait ang driver nito at tinulungan silang alalayan ang bawat isa sa mga ito pabalik ng van. Pagdating nila sa homestay na tinutuluyan ng mga ito, kinailangan pa nilang dalhin ang mga iyon sa kani-kanilang silid. Kaya halos lupaypay ang katawan ni Iris nang makabalik sa Candel. “What if dito ka nalang sa kama? Ako nalang diyan sa sahig.” “Hindi na. Ikaw ang bisita, kaya dapat ikaw ang nasa kama. Huwag ka nang makulit. Kahit anong pilit mo sa akin ay hindi ko susundin ang gusto mo.” Nakamasid lang si Iris kay Jiro na payapang natutulog. Alas onse na ng gabi pero kahit pilit niyang matulog, hindi niya magawa. Ganito yata talaga ang epekto sa kaniya kapag may kasamang ibang tao sa silid. Hindi siya makampante. Sumandal siya sa pader at marahang ipinikit ang kaniyang mga mata. Ang plano niya ay iidlip lang siya ng ilang minuto. Pero kinabukasan, paggising niya ay nakahiga na siya sa kama. “Nakita kitang nahihirapan sa posisyon mo kagabi kaya binuhat kita para ihiga sa kama.” Mabilis na napabangon si Iris nang marinig ang sinabi ni Jiro. Nakaupo ito ngayon at nagkakape habang nakatingin sa kaniya. “Dito ako sa kama? Huwag mong sabihin na…” “Huwag kang mag-alala, hindi na ako bumalik sa kama. Sa sahig na ako natulog. You have nothing to worry about, Iris. Harmless naman akong tao.” Alam naman ni Iris iyon. Ang problema ay nahihiya siya sa ginawa nito. Hindi kasi sumagi sa kaniyang isipan na gagawin iyon ni Jiro sa kaniya. “Thank you.” “If you’re really thankful, you should treat me breakfast.” Ngumiti siya sa binata at tumango rito. “Mukhang nagkakamabutihan na sina Nurse Iris at Jiro, pansin niyo ba?” Kumakain sila nang umagahan nang magsimula na naman silang asarin ng kanilang mga kasama. “Tutal, pareho naman kayong single, bakit hindi nalang kayong dalawa?” suhestiyon ng isa sa mga kasama nila. Nagkatinginan sina Iris at Jiro. “Tingnan mo, sa mga tinginan palang nila, halatang may spark.” Nasamid si Iris nang marinig ang sinabi nito. Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Jiro. “Hindi ba, ang sweet-sweet nila. Sayang at hanggang ngayong araw nalang tayo rito. Masarap sanang mag-extend, kaso may trabahong nakaabang sa akin sa siyudad.” Hindi maiwasan ni Iris na makaramdam ng lungkot. Isang buong araw palang niyang kasama ang grupong ito pero aminado siyang masaya kasama ang mga ito. These people are easy to be with. Sa maikling panahon ay naging kaibigan niya na ang mga ito. “Mamimiss mo ba kami, Nurse Iris?” “Steve, mali ang tanong mo. Dapat ganito, Nurse Iris, mamimiss mo ba si Jiro kapag umalis na siya ng Batanes?” She just laughed and played along. Ilang beses din niyang nilingon ang binata na nakatitig lang sa kaniya. “Mamimiss mo ba ako, Iris?” Lahat ng nasa lamesa ay huminto sa pagtawa. Iris didn’t expect Jiro would ask that kind of question in front of everybody else. At dahil hindi niya iyon inasahan, biglang kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib. Nagpalipat-lipat ang tingin ng kanilang mga kasama sa kanilang dalawa. “Mamimiss mo ba ako?” Muli pa nitong inulit ang tanong kaya mas lalo siyang kinabahan. “Siyempre naman, mamimiss kita, actually kayong lahat.” Napailing ang ilan sa kanilang kasama. “Ang showbiz naman sumagot ni Nurse Iris.” Alam niyang inaasar lang siya ng mga ito kaya imbes na magpaapekto, tumawa nalang siya at umiling. Ginamit nila ang buong umaga para mamasyal. Nang sumapit ang hapon ay bumili na ang mga ito ng mga pasalubong sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. At bago dumilim, nakabalik na rin sila sa sentro ng Batanes kung saan sila maghihiwa-hiwalay. “Paano ba iyan, Nurse Iris, aalis na kami. Maraming salamat sa pag-tour sa amin, sa uulitin.” Nagpasalamat din si Iris sa mga ito sa pagbisita sa Batanes. Kung wala ang mga ito, wala siyang kikitain na malaking pera ngayong weekend. Sulit din ang pag-tour niya sa mga ito dahil nag-enjoy rin naman siya. Nang inabot sa kaniya ng head ng Tourism Office ang kaniyang bayad ay nagpaalam na rin siya agad. Paglabas niya ng opisina, naabutan niya roon si Jiro. Nang makita siya nito ay lumapit agad sa kaniya ang lalaki. “Nandito ka pa pala.” “Hinintay talaga kita.” Kumunot ang noo ni Iris sa sinabi ng binata. Dali-dali namang may kinuha ito sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay kinuha nito ang kaniyang kamay. “You’re giving me a bracelet?” “Para hindi mo ako makalimutan.” Napangiti si Iris. “You don’t have to do this.” “But I want to give this to you.” Hinawakan ni Jiro ang kaniyang kamay at ang sunod na ginawa nito ay ikinagulat niya. Hinalikan siya ng binata sa kaniyang pisngi bago ito tumakbo nang mabilis paalis. “Hoy, teka!” Ilang beses niya itong sinigawan pero hindi na ito bumalik. Ilang sandali pa, nakita niyang sakay na ito ng motorsiklo at paalis na ito ng lugar. Wala nang nagawa si Iris kundi pagmasdan ito hanggang sa tuluyang mawala si Jiro sa kaniyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD