Hindi na ako nakatulog pa simula Nung lumabas ng maid's room Ang amo ko, talaga bang nangyari iyon sa aming dalawa,
Gusto kong isipin na isang panaginip lang iyon, pero hindi e hanggang ngayon kasi ramdam ko parin Ang labi niya sa labi ko,
kahit na puyat na puyat ako sa kakaisip kung ano anong mga nangyari sa amin ng amo ko , hanggang ngayon kasi ayaw parin mag sink in sa isipan ko Ang mga nangyari, paanong sa amo ko pa talaga mararanasan Ang first kiss ko,
Ang Sabi ko pa dati sa sarili ko na sa lalaking pakakasalan ko lamang ibibigay Ang unang halik ko, ano nang gagawin ko hindi na virgin Ang lips ko, paano ko sa sasabihin sa future husband ko na hindi siya ang unang halik ko, pagmamaktol ko pa
aaaaaaahhhh..... Nakakainis.... Sambit ko habang pinagsusuntok Ang unan na nasa aking harapan, gusto Kong kiligin sa mga nangyari pero Ang utak ko ay nagsasabing hindi dapat iyon nangyari, dahil bukod sa katulong lang ako dito, Isang kahig Isang tuka pa Ang pamilya namin, kaya hindi dapat ako makakaramdam ng ganito, dahil sa huli ako parin ang talo,
Mag uumaga na pero
Hanggang ngayon andito pa ako sa kwarto ko, dapat nasa kusina na Ako ng ganitong Oras, nagluluto na dapat Ako ng almusal ng amo ko,
Ano ba dapat Kong isipin, ayyyysts hindi kaya gusto lang akong pagtripan ng amo ko, baka sinusubukan niya lang ako, kung bibigay ba ako o hindi,
ayhtss,,, iniling iling ko Ang ulo ko, para mawala ang bad thinking, na nabuo sa aking isipan,ano ba itong pinagiisip ko, naguguluhang sambit ko, ....
Hindi ako dapat magpaapekto sa nangyari, baka nga siguro pinagtitripan niya lang Ako, baka napagkamalan niya lang ako na girlfriend niya, pero paano niya ako napagkamalan ie nabanggit niya nga ang pangalan ko.
Ayyhhts.,.. ano ba itong pinagiisip ko ah basta bahala na, magtatrabaho nalang ako at huwag ko na lang isipin ang mga nangyari,.
Siguro naman ganon din ang gagawin niya, ako lang itong napaparanoid.
Gustuhin ko man na hindi muna lumabas ng kwarto ko at hindi magpakita sa kanya dahil sa nahihiya ako na magkasalubong kami dito sa bahay niya, pero may karapatan ba akong gawin iyon e katulong nga lang ako dito diba, Ang swerte ko namang katulong kung uupo at tutulog lang ako dito, kaya Ang nangyari ayon nag nagmamadali akong niligpit Ang higaan ko at lumabas na ng maid's room, aabalahin ko na lamang Ang sarili ko sa mga gawaing Bahay, iyon na lang siguro ang pinakamabuti Kong gawin, para maiwasan ko na Rin na hindi siya makasalubong,
Pero imposebleng mangyari iyon, bahay niya kaya ito, kaya imposeble din na Hindi ko siya makikita sa sarili niyang bahay, Ang Tanga mo naman mag isip Reana, sambit ko sa aking sarili,
Kasalukuyan akong nagpupunas ng glass window sa sala ng makarinig ako ng mga yabag na nagmumula sa hagdan pababa,
Gising na pala siya, ba't ang aga naman ng gising niya, sana pinatapos niya muna ako sa paglilinis dito bago siya bumaba,
Dati kasi may trabaho man siya o wala tinatanghali talaga siya ng gising,
Reana.... tawag nito sa pangalan ko, wala sa sariling napalingon ako sa kanya in the second time tinawag niya ulit ako sa pangalan ko,
Sir..? may kaylangan po ba kayo? Nakayuko Kong tanong, yumuko ako di dahil sa amo ko siya, ginawa ko iyon para itago Ang pamumula ko at kilig na nararamdaman ko, dahil sa totoo lang sa pangalawang pagkakataon na tinawag niya ako sa pangalan ko ay nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko, Ang sarap kasi pakinggan
Pwedi mo ba akong ipagtimpla ng kape, black coffee and no sugar, paki hatid na rin sa office ko, malumanay ngunit seryoso niyang utos,
Segi po Sir,... sagot ko,
Halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti, hindi ko alam kung saan nanggagaling Ang tuwa na nararamdaman ko sa puso ko, kung dahil ba iyon sa pag tawag niya sa pangalan ko o sa maganda niyang mood ngayong araw na ito, basta gusto kong Magsaya , at parang gusto ko na ngang mag celebrate ie,
Nasa tapat na ako ng pinto ng opisina niya at kakatok pa lang sana ako ng marinig ko ang boses niya,
Come in, baritonong Ani niya, nagulat ako sa sinabi niya, inakala ko pang may iba pa siyang gustong papasukin, pero sino ba yon, e ako lang naman itong nandito sa labas,
I said come in, naiirita niyang sambit,
Hindi ko pa man nakikita Ang itsura niya sigurado na akong nakakunot na naman ang noo nito sa galit niya sa akin
Taranta kong binuksan ang pinto ng opisina niya para makapasok Ako at madala ang tinimpla Kong kape para sa kanya,
Nakayuko at nanginginig Ang mga kamay ko habang hawak ko Ang Isang tasa na may lamang kape, Papunta sa table niya, kung saan siya nakaupo, at nagcocomputer, iyon ang sa tingin kong ginagawa niya kapag narito siya sa bahay niya, palaging nagkukulong sa opisina niya, lalabas lang kung kaylan niya gusto,
Look at me, he said
nagulat ako ng marinig ko ang boses niya sa tagiliran ko, wala sa sariling napatingala ako sa kanya
Pero agad ko naiyuko Ang aking ulo ng tingnan niya ako ng masama
Sir... Andyan po pala kayo, pasinsiya na po hindi ko po kayo napansin, Pautal utal kong sambit habang nakayuko pa rin, hindi pa rin nawawala ang takot na nararamdaman ko kapag kinakausap niya ako,
Napansin kong umikot siya papunta sa upuan niya, habang ako ay nakayuko pa rin, natatakot akong tingnan siya, baka kasi sigawan niya na naman ako, ayaw ko pa naman makita na nagagalit siya sa akin, takot talaga ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit,
Sir alis na po ako, tawagin niyo na lamang po ako kung mayron kayong ipag uutos, sambit ko
Tatalikod na sana ako, ngunit nagitla ako ng bigla siyang mag salita,
Stay here,
Pero sir.....
No but's, I said stay here, hayaan mo na muna ang trabaho mo sa baba, tutulungan kitang tapusin ang mga yon,
Wala sa sariling tiningnan ko siya at nagtama ang paningin naming dalawa, para akong na hepnotismo sa mga titig niya sa akin, bigla kumabog ang puso ko sa diko malaman na dahilan,
Ano ba itong nararamdaman ko, bakit parang may ibig ipahiwatig Ang mga tingin na pinupukol niya sa akin, natatakot ako sa nararamdaman kong ito, baka kung saan ako dadalahin ng nararamdaman ko, hindi ako pweding makaramdam ng ganito sa kanya, mali ito, maling mali,
Patuloy kong kinukumbinsi ang sarili ko na bawal akong makaramdam ng ganito sa amo ko, pero bakit parang ang hirap naman nitong pigilan,
Diyos ko huwag naman po sana, sa mga tele nobela o television ko lang ito nababasa at napapanood, bakit ngayon nangyayari na sa akin,
Hindi ko nakayanan Ang klasi ng pamamaraan niya ng pag kakatingin, kaya sa huli ako na Ang bumaba ng tingin,
Pasinsiya na po Sir, hindi ko po sinasadya, paghinging paumanhin ko dahil sa natitigan ko siya ng Ganon katagal,
It's okay, malumanay na tinig niyang sambit,
Lihim akong napangiti, at muntik ng mahulog Ang puso ko, dahil sa sinabi niya, kung ganon okay lang sa kanya ngayon na tingnan ko siya ng diritso sa mga mata niya
Segi po Sir, napatikhim ako ng maalala ko Ang sinabi niya kanina, ahm, Ang ibig ko pong sabihin ay segi po didito muna ako, ano po ba ang pwedi kong maitulong sa iyo, nahihiyang sambit ko, ano ba kasing gagawin ko dito, alangan naman na tatayo lang ako dito sa harapan niya, habang siya mayroong ginagawa,
You sit there, turo nito sa couch na nasa likurang bahagi niya,
Po..... Medyo tumaas Ang boses ko dahil sa narinig ko, sino ba naman ang hindi maiinis dahil sa sinabi niya, may mga nakatingga pa akong gagawin sa labas, Ang dami ko pang gagawin ie, maglalampaso, magluluto, maglalaba, at mamalansta pa ako ng mga damit niya, sa halip na magtrabaho sa labas, ayon ito ako tutunganga, at magbibilang ng butiki sa kesame, diyos ko ano ba itong parusa na binigay mo sa akin,