Dahil maaga silang nag biyahe ay nakarating sila sa Probinsya ng alas Sais ng Umaga. Nung nalaman ni Berta na magbabakasyon sila sa kanilang probinsya ay sumabay na siya dito, ayaw niya rin na basta basta iwanan nalang ang nagdadalamhati niyang Anak. Nakita agad ni Manny na paparating ang isang kotse at nag parking ito sa tabi ng bahay nila. Nang makitang unang lumabas dito si Oliver ay inilapag niya ang kape niya sa bangko at sinalubong ito. "Anak ko!"masayang sambit nito at niyakap ang kanyang kaisa-isang Anak na parang sabik na sabik na makita itong muli. Gumanti rin ng yakap si Erica. "Na-miss kita 'Pa" usal nito at kumalas sila sa pag kakayakap. Lumapit si Manny kay Berta at niyakap din ito. "Namiss kita misis kong maganda." Naitama ni Erica ang paningin niya kay Oliver na nakang

