bc

Mrs. Mendoza

book_age16+
555
FOLLOW
2.1K
READ
office/work place
cheating
like
intro-logo
Blurb

He made a fake marriage contract. Erica can be called Mrs. Erica Mendoza but it's not legal. Their life as a fake couple is not that perfect. Especially when Oliver's ex-girlfriend came to whom he first proposed marriage. He was more confused when he found out that his ex-girlfriend still loves him but his fake wife— Erica has a place in his heart.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Pinatay ni Erica ang monitor ng kanyang computer matapos gawin ang kanyang trabaho. Nag stretch pa siya ng katawan dahil ramdam na niya ang pangangalay gawa nang kanina pa siya naka upo kaka-edit. Si Erica ay isang Videographer at editor, kahit anong event ay pinapatulan nito kahit memories ng patay ay hindi niya tinatanggihan, magkapera lang. Lovelife? No, career muna para sa kanya kailangan niyang suklian ang hirap ng kanyang magulang mapag aral lang siya sa magandang eskwelahan. Isang Pulis ang papa niya at housewife naman ang kanyang ina. Nag iisang anak lang siya at karamihan sa mga kamag anak niya ay mga Pulis, isa yun sa dahilan kung bakit hindi pa siya nag kaka-nobyo. Lagi lang siyang nasa loob ng rine-rentahan niyang bahay, saka lang siya lalabas pag may Kliyente na kailangang kausapin at kung kailan mag sho-shoot. Lumayo siya sa magulang niya sa probinsya para makipagsapalaran sa syudad, hindi naman kasi uso ang trabaho niya sa probinsya nila. Pero kahit marami siyang kliyente at maraming pera ay parang laging may kulang sa kanya. Mabilis niyang sinagot ang kanyang cellphone ng mag vibrate ito. Napangiti siya ng makitang ang kaibigan niya ang tumawag na si Maria, Pangalan lang yan pero wild yan. "Bessy!" "Oh bakit?" tanong niya. "Sama ka samin mamaya ni Bakla!" "San punta niyo?" "Sa bar! Boy hunting lang ganern!" "Pa—" "Walang mag pa-pass sunduin ka naman dyan nang Six P.M babush!" "Hoy—" hindi pa man nakaka-angal si Erica ay pinatayan na siya nito. Inilapag niya ang Cellphone at huminga nang malalim, dahil sa kakulitan ni Maria. Dalawa lang ang itinuturing niyang kaibigan, si Maria at Ralph lang. Mag kaka block mate sila noong college. Si Ralph ay isang Dj, si Maria naman ay isang Photographer at may sarili na ring Shop. Nahinto si Erica sa pagsusuklay ng buhok nang makarinig siya ng ingay mula sa gate. Mabilis niyang tinapos ang ginagawa niya 'saka niya kinuha ang kanyang bag at lumabas ng bahay. "'Yan na ang bakla ng taon!" si Ralph Pagkabukas niya ng kotse ay bahagya siyang napaatras nang may makita siyang dalawang lalaki, 'saka niya napagtanto na mga nobyo pala ito ng mga kaibigan niya. "Uy pasok na!" aya ni Maria. Wala naman na siyang nagawa kundi pumasok na lang din, ayaw niyang mag pa VIP. "Uuwi din ako agad ah" Ani Erica. "Uwi agad, hindi pa nakakarating?" sarkastiko'ng tanong ni Ralph. "Mag relax ka nga rin 'te" si Maria "Masaya sa bar na pupuntahan natin, marami kang makikilalang bagong kaibigan." bf ni Maria. Hinihingi ko opinyon mong pangit ka?' sabi sa isip ni Erica. "Ok" tipid niyang sagot. — Madaming tao, maingay, madilim para kay Erica ay napaka walang kwenta ng lugar kung nasaan siya ngayon. Lahat ng nakikita niya ay hindi pamilyar sa kanya dahil nga first time niya lang makapasok sa isang bar. Umupo sila sa isang sofa at agad na may lumapit sa kanilang waiter para mag tanong kung anong o-orderin nila. "Uy bakla, tignan mo yung nasa bar counter" sabi ni Ralph kay Maria, at tiningnan naman niya kung ano ang tinitingnan ng dalawa. Napailing nalang si Erica nang makita niyang lalaki nga. Hindi naman siya Man hater, hindi lang siya interesado sa mga lalaki'ng kagaya niya. Mukha kasing babaero na walang plano sa buhay kung hindi ay mag lasing dahil mukha naman itong anak mayaman. "O my gash! Ang hot!—" natigilan sila nang biglang dumating ang mga boyfriend nila. "Erica" tawag sakanya ni Maria. "hm?" "Pa-order naman ako ng isang Pinot noir sa bar counter please." "Pumunta dito yung waiter hindi niyo sinabi?" iritang tanong niya. "Sige na 'te I forgot e please..." "Bat 'di mo utusan yang boyfriend mo?" mariin niyang bulong. "E naumpisahan niya ng uminom e, ikaw nalang." Inis siyang tumayo at naglakad papunta sa bar counter. "Hahaha! Masarap ba?" rinig niya sa ingay nung lalaki, siya yung tinitingnan kanina nung dalawang kaibigan niya. "Kuya isang ano nga po..." napakamot sa sintido si Erica ng makalimutan niya kung ano ba ang pinagsasabi ni Maria. "Ano po ma'am?" tanong nung bartender. "Teka lang nakalimutan ko." sagot niya at pilit niyang inalala ang alak na iyon. Napa Double look siya sa lalaking nakangisi sa kanya at titig na titig pa ito. Umirap siya saka niya ibinalik ang tingin sa bartender. "Sungit mo naman miss." "Red wine nalang kuya!" inis niyang sabi sa bartender. "Anong klaseng Red wine ma'am?" "'langyang buhay 'to," singhal niya. "Ano po ma'am?" "Wala! Kahit ano na! Basta bigyan mo ako ng alak" sagot niya. "Try mo 'to miss masarap 'to" inalok nung lalaki yung baso niya habang nakangiti. "Hindi sa akin yung o-orderin ko, inutusan lang ako—" "Please.." "Luh? Close tayo?" sarkastikong sagot niya. "Ay! Hello kaibigan namin siya." biglang sulpot ni Ralph. "Erica ang pangalan niya, single yan!" si Maria. "Erica.. Hi I'm Oliver" "Pake ko? Kayo na mag order ba'la kayo diyan." walang ganang sagot niya saka siya nag walk out. Agad na turn off si Erica sa amoy ng lalaki, dahil amoy alak na ito at kahit malayo ang distansya niya ay amoy niya ang hininga ng lalaki. "Uy ba't ka nag walk out? Ang hot kaya niya." si Maria. "Gusto ko nang umuwi" sagot niya. "Sige, dahil isa kang dakilang KJ! Uuwi na tayo pero sa isang kondisyon!" ani Maria "Ano?" "Shot ka muna ng tatlong beses para 'I love you'" "Akin na!" Sa unang inom niya ay hindi na agad maipinta ang mukha niya dahil sa lasa ng alak. Napaubo pa ito dahil tumatambay sa lalamunan ang lasa at amoy. Sa pangalawang inom ay nilunok niya agad at saka uminom ng tubig. "Ayoko na! Gusto ko ng umuwi!" reklamo nito sa kanila. "May isa pang shot hahaha!" Agad niyang kinuha ang baso na may laman na alak saka niya tuloy tuloy na ininom. Niyugyog niya ang kanyang ulo dahil nakaramdam siya ng konting panghi-hilo. "Yan! Magsaya ka naman kahit minsan Erica! 'Wag puro trabaho kaya wala kang jowa e!" ani Maria. "'Wag niyo nga akong lasingen, hindi ako umiinom!" inis niyang sabi. "Kaming bahala sayo, magsasaya tayo ngayon ok?" Habang tumatagal ang inuman ay parang sumasarap ang alak para sa kanya with matching chicharon bulaklak na pulutan. Habang nag sho-shot ay napatingin siya sa lalaking nasa bar counter na nakatitig sa kanya habang umiinom. Kumindat ang lalaki sa kanya sabay lipbite kaya nainsulto si Erica. "Gag* `to ah!" usal niya sabay tayo. "'San ka pupunta?" tanong ni Ralph. "Pupuntahan ko yung lalaking 'yun iba dating saakin nung tingin e teka lang" sagot niya at hindi na siya napigilan, lasing na e. Mabilis siyang lumapit sa lalaki. "You're back" nakangiti sabi ng lalaki. "Bakit kanina ka pa nakatingin sa akin!?" "Edi kanina ka pa rin pala nakatingin sa akin?" banat ng lalaki. "Huh?" "Erica right?" "Paano mo nalaman pangalan ko!?" turo nito sa kanya. "Sinabi ng kaibigan mo kanina diba?" Dahil nga lasing na siya ay hindi niya na alam ang ginagawa niya. "'Lika nga" hinila ng lalaki bewang niya papalapit sa kanya at pilit namang lumalayo si Erica dahil sa tapang ng amoy nito. "Bitawan mo ako hindi kita kilala!" inis niyang sabi. "Bibitawan kita, pag ininom mo 'to" pinakita niya yung baso na may lamang alak na mukang tubig "'Di mo kaya diba?" "Hinahamon mo ba ako?" nakangising tanong niya, saka niya kinuha ang basong hawak nito saka nilagok ng tuloy tuloy. "Wow... Galing mo naman" "I know" Hanggang sa hindi na namalayan ni Erica na magkahalikan na sila ni Oliver. Unti unting nag init ang mga katawan nila dahil sa alak na ininom nila. Ang sabi ng iba ay kahit lasing ka ay alam mo pa rin ang ginagawa mo, pero para sa first time malasing na si Erica ay wala na siya ka katinuang pag iisip. Matapang din kasi ang ininom niyang alak. Ang tanging naiisip na lang niya ay magsaya. Lagi siyang subsob sa trabaho kaya nais niya ring mag saya para sa kapakanan ng sarili niya. At yun ATA ang kulang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.6K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.6M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook