CHAPTER 1

1099 Words
Dahan dahang iminulat ni Erica ang mga mata niya at naalimpungatan ito nang mapagtanto niyang wala siya sa bahay niya kaya bumangon ito. Mas lalo pa siyang nabigla nang may makitang siyang hubad na lalaki sa tabi niya. Para bang gumuho ang mundo niya nang makita niya ang sarili niyang walang suot na panloob at naka panty lang. Natulala ito at pilit na nag si-sink in sa utak niya ang mga nakikita niya. Unti unting bumilis ang t***k ng puso niya at nang mapagtanto niya kung anong ibig sabihin ng dalawang nakahubad na babae at lalaki ay napatakip siya ng bibig. Mura siya nang mura sa isip niya. "Ah!!" sigaw niya saka niya pinag susuntok ang tulog na si Oliver "Gag* ka gag* ka!" mangiyak iyak nitong sigaw saka niya hinila ang kumot, buti nalang at naka boxer short si Oliver kaya hindi kita ang Agila. "Ano ba? Natutulog ako e." inaantok na sabi ni Oliver. Si Erica naman ay natulala nang makita niyang ang dugo sa kama, unti unting tumulo ang mga namuong luha niya sa mata. Bumangon si Oliver at nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita niya rin ang dugo. "What the f*ck!? Virg*n ka pa?" nama-manghang tanong ng binata. "Ngayon hindi na," wala sa sariling nasabi ni Erica habang nakatitig sa dugo. Dahan dahang nag iba ang ekspresyon ng mukha niya at galit siyang tumingin sa nakangising si Oliver habang nag su-suot ng t-shirt. "Hayop ka!" Mabilis na sinugod ni Erica ang binata 'saka niya ito pinag hahampas ng unan kaya hindi niya namalayang natanggal na ang kumot na pinangtakip niya sa katawan niya kaya tumambad ang katawan niya pero hindi niya nga ito alam kaya sige lang siya sa paghampas sa binata. "Tumigil ka nga!" suway ni Oliver habang iniiwasan ang paghampas sa kanya ng dalaga. "Papatayin kita! Papatayin kita!." "Tumigil ka. Isa. Aray!" Dahil sa napuno na si Oliver ay nanlaban na ito, mabilis niyang niyakap si Erica at ipinahiga ito saka hinawakan ang dalawang kamay at inipit. Hingal na hingal naman si Erica at parang nanghihina ito. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya ng makitang nakapatong sa kanya ang binata. "Umalis ka diyan!" nakakabinging sigaw nito, at pumilit manlaban pero masyadong malakas si Oliver kaya hindi ito makaalis sa pwesto niya. Nanlaki ang mga mata nito ng mapagtanto niyang nakatambad ang dibdib niya. Pero hindi doon nakatingin si Oliver, sanay na kasi siyang makakita ng ganoon. "Pwede bang manahimik ka 'wag kang mag alala wala akong Aids tatlo palang ang naikama ko, pangatlo ka at sa dalawang yun nag c*ndom ako—" "Aaahhh!!!" sigaw ni Erica dahil ayaw niyang makarinig ng malalaswang pinagsasabi ng lalaki. "Pasalamat ka, sa'yo lang ako hindi nag c*ndom" nakangising usal ng binata. "r****t ka!" sigaw ng dalaga. "r****t? FYI huh ginusto natin ang nangyari.. Hanggang ngayon nga hindi pa rin mawala sa isip ko yung ungol mo e." "Hayop ka" nanghihinang sabi ni Erica habang umiiyak. "Kalimutan mo na lang ang nangyari, V*rginity lang naman ang nawala sayo e" "V*rginity lang!?" pagdidiin ng dalaga. "Ito lang ang maireregalo ko sa mapapangasawa ko! Kaso kinuha mong demonyo ka!—" "tss.. Corny mo!" iritang umalis si Oliver sa pwesto niya saka niya kinuha ang kumot at inihagis sa nakahigang si Erica. Tulala pa rin ang dalaga at patuloy pa rin ang pag iyak niya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Pakiramdam niya ay naparusahan siya sa parusang hindi niya kayang lusotan. Sa pagkakataong ito ay naisiip niya nang magpakamatay kaya bumangon siya sa kama pagkalabas ng kwarto ni Oliver. Nanginginig niyang pinulot ang mga damit niya sa sahig saka niya ito isinuot at pumasok sa Cr. Saka niya ito ni-lock. Humarap siya sa salamin at nag hilamos. Humagulgol siya dahil sarado na ang pag iisip niya sa mga positibong bagay ang tanging iniisip na lang niya ay, wala ng mag se-seryoso sa kanyang lalaki dahil binigay niya lang ng basta basta ang v*rginity niya sa walang kwentang tao. Naisip niya rin na baka pag nabuntis ito ay automatic ng magiging single mom siya. Ang isa pa niyang naisip na labis na nasaktan siya ay ang magiging reaksyon ng mga magulang niya lalo na ang Pulis niyang Tatay. "Aahh!!" hagulgol nito saka niya sinuntok ng malakas ang salamin. Agad na dumugo ang kamao nito pero hindi pa siya nakuntento, sinuntok niya ito ng paulit ulit hanggang sa mag si-hulog ang mga bubog sa sahig. Kumuha siya ng isang pirasong bubog. Pagkabalik ni Oliver sa kwarto ay iginala niya ang paningin sa paligid nang makitang wala sa kama ang babae. Wala narin ang mga gamit ng dalaga sa sahig kaya napansin niya ang kanyang Cr na sarado kaya kumatok ito. "Oy.. Nandiyan ka ba?" "Aahh!!" Nanlaki ang mga mata niya ng makarinig siya ng sigaw at mas lalo pa siyang nag panic nang makarinig siya ng parang may nabasag na kung anong bagay. Pinihit niya ang door knob pero hindi niya ito mabuksan. "Hoy g*go!," sigaw niya habang kumakatok "Anong ginagawa mo diyan!?" napamura siya habang papunta sa kabinet niya para kunin ang susi ng kanyang Cr at mabilis niya itong binuksan. Pagkapasok niya sa Cr ay napansin niya agad ang talsik ng dugo sa sahig. Napahinga siya ng malalim ng maabutan pa niyang buhay ang dalaga pero hindi niya ito malapitan dahil nakatitig ang dalaga sa hawak niyang malaking bubog. "Te-teka lang." mahinahon nitong sabi "Miss.. Bitawan mo yan." pakiusap nito pero para bang walang naririnig ang dalaga "'Wag kang lalapit!" turo ni Erica kay Oliver "Magpapakamatay ako!." "'Wag ka ngang Oa! Magpapakamatay agad—" "Paano pag nabuntis ako!? Anong sasabihin ko kay papa!? Nagpabuntis ako sa walang kwentang lalaki!?" "G*go ka ba? May kwenta ako 'no! Engineer ako! Anong akala mo sakin tambay!— o o oh!" nag panic ang binata dahil itinaas ni Erica ang bubog na hawak niya. "Bitawan mo na yan! Sa labas ka magpakamatay, 'wag dito sa pamamahay ko!" "Dito ako magpapakamatay!" "'Wag mo nga akong tinatakot! Bitawan mo yan!" "Pag nabuntis ako! Papanagutan mo ba ako!?" "Oy wala namang ganyanan! Hindi ka mabubuntis—" "Ayaw mo akong panagutan huh?— pwes dito ako magpapakamatay—" "Hindi ka na nakakatuwa huh! Tumigil ka." galit na sabi Oliver, at nanlaki ang mga mata ng binata ng makitang pumikit si Erica at bumwelo para saksakin ang sarili "Aah!!—" "Oo na! Oo na!" sigaw ni Oliver kaya nahinto ang dalaga at inosente siyang tinignan nito. "T*ng ina naman o!" Inilapag ni Erica ang malaking bubog sa lababo saka niya lang naramdaman ang hapdi ng kamao niyang duguan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD