CHAPTER 2

1385 Words
Tatlong linggo na ang nakalipas matapos ang nakakapanlumong pangyayari na iyon. Muling nagsimula si Erica ng buhay niya at pilit na kinalimutan ang masalimuot na nangyari. Para makapag unwind ay naisip niyang mag bakasyon muna sa probinsya nila at kinansela lahat ng mga kliyente niya para sa ikatatahimik ng kaluluwa niya. Masayang ipinagluto ni Berta ang kanyang anak na dalaga saka niya ito inihain sa hapag kainan. "Anak kakain na!." tawag niya sa dalaga niyang anak, agad namang umupo si Erica sa hapag kainan. Hindi pa man nakakaumpisang kumain ang kanyang ina ay nakapitong subo na siya. Para bang pakiramdam niya ay gutom na gutom siya, samatalang kaka-kain niya lang ng mangga kasama ang pinsan niya. Kumunot ang noo ni Berta habang pinapanuod ang kanyang patay gutom na anak na todo sa pagkain na para bang bibitayin na siya bukas. "Ay anak teka lang" paalam niya saka niya kinuha sa kusina ang binili niyang Chico para kay Erica dahil paborito niya ito. "Ano yan 'ma?" tanong ni Erica at ibinuklat naman ng kanyang ina ang supot. Agad na napatakip ng ilong si Erica dahil hindi niya nagustuhan ang amoy nito kaya nagtaka si Berta "Ang baho 'Ma, bulok na 'ata." "Anak, hindi naman ako bibili ng bulok" tanggi ni Nanay niya "Hayaan mo na, baka nanibago ka lang sa amoy." itinabi niya ang supot at kumain nalang. Nahinto sa pag nguya si Berta nang makita niya kung paano kumain ang kanyang anak, para bang pamilyar ang kilos na ito sa kanya pero binalewala niya na lang dahil pakiramdam niya ay nagkakamali lang siya. "Andito na ako!" Sulpot ni Manny, tatay ni Erica. Mabilis naman na tumayo si Erica para yakapin ang na miss niyang tatay. "Namiss kita 'Pa" "Ako din anak." "Kain na." aya ni Berta. Sabay namang pumunta ang mag ama sa hapag kainan at sabay sabay silang mag sikain. "Kamusta naman ang trabaho mo doon anak?" tanong ng Papa niya. "Ayos lang naman 'Pa, hindi naman ako nauubusan ng kliyente." sagot ni Erica. "E kamusta naman kayo ng Boyfriend mo?" tanong ng mama niya at bahagya siyang natawa. "Anong boyfriend 'Ma? Wala akong boyfriend" natatawang sagot ni Erica. Napahinga naman nang maluwag si Berta dahil nakumpirma niya sa sarili niyang mali lang siya ng hinala, pero nawala rin ang mga ngiti niya nang biglang dumuwal si Erica. "Oh? Bakit?" tanong ng Papa niya. Agad itong tumakbo papunta sa lababo pero wala naman siyang naisuka. Pakiramdam niya ay umikot ang tiyan niya kaya doon siya napahawak. Uminom siya ng tubig saka siya bumalik pero pag lingon niya ay nakatayo ang Mama niya sa harap niya. "Bakit 'nak?" "Wala 'to 'Ma baka nabulunan lang." sagot ni Erica saka humarap ulit sa hapag kainan at pinag patuloy ang pag kain. "Dahan dahan kasi anak." "Na-miss ata ang luto mo 'Ma haha" ani Manny. "Kaya nga 'Pa e" pag sasang ayon naman ni Erica saka niya itinuloy ang pag kain. Matapos nilang kumain ay nagkwentuhan muna sila bago sila nag punta sa kanilang mga kwarto para magpahinga. Nakatulala lang si Erica sa dingding at hindi makatulog dahil hindi maalis sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Oliver. Napahawak siya sa kanyang tiyan at bigla itong kinabahan dahil hindi niya alam kung buntis ba siya o hindi. Delay ang kanyang menstruation nang dalawang linggo kaya hindi na siya mapakali pag sumasagi ito sa kanyang isipan. Lalo pa't isang g*go ang magiging ama kung sakali. Kaya kinabukasan ay nagpasama siya sa pinsan niya para bumili ng pregnancy test. Maasahan niya naman si Flora pag dating sa sikreto dahil kababata niya ito. Alam niya na ang tungkol sa nangyari dahil ikwenento niya ito kahapon habang kumakain sila ng mangga. "Ate pabili po ng pregnancy test" confident na sabi ni Flora, agad naman na naghanap ang sales lady. "Uy 'wag kang maingay, pinagtitinginan tayo dito oh." mariing bulong ni Erica sa pinsan niya. "Bakit ba? Babae tayo normal lang na mabuntis tayo ok!" Pagbigay ng sales lady ay mabilis silang umalis sa drug store at dumiretso sa bahay ng pinsan niya. "Bilis, excited na ako." masayang bulong ni Flora na ikinairita naman ni Erica. Pumasok siya sa loob ng banyo at umihi 'saka niya ginamit ang pt. Matapos nun ay pumikit siya at sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya at wala sa sarili niyang nabitawan ang pt nang makita niya ang dalawang guhit dito. "Ano na—" pagkapasok ni Flora ay nahinto siya nang makita niya ang reaksyon ni Erica. Mabilis niyang pinulot ang pt at nagulat din ito sa resulta. "Insan" usal ni Erica habang umiiyak. "Insan blessing 'yan" pagpapatahan ni Flora sa pinsan niya. "Paano ko 'to sasabihin kila Mama at Papa?" "Sasamahan kita ok." "Anong sasabihin ko? 'Yong ama ng batang 'to hindi ko boyfriend, nag bar ako saka ako nagpagamit sa taong hindi ko kilala?" humahagulgol niyang sabi. "Maiintindihan ka nila—" "Hindi e.. Anong sasabihin ko? Baka itakwil nila ako pag nalaman nila yun!" Natahimik si flora at nag isip ng paraan para hindi lumala ang sitwasyon. Para kasi sa kanya ay nagkamali rin si Erica sa nagawa niya. "Alam ko na " mabilis nitong sabi ng makaisip siya ng ideya. "Ano?" mabilis na tanong ni Erica. "Ganito ang gawin mo..." ——— Pag kauwi ni Erica ng bahay nila ay agad siyang pumasok sa kwarto niya, sa pagmamadali ay nabangga pa niya ang isang upuan kaya natumba ito. Mabilis siyang nakatayo at dumiretso sa kwarto niya. Kinuha niya lahat ng gamit niya at inilagay sa kanyang bag, napahinto ito nang biglang magbukas ang pinto. "'M-ma?— 'Pa" usal nito ng makita niya ang magulang niya. "Saan ka pupunta?" tanong ni Berta sa anak niya. "Uhmm.. Meron kasi akong biglaang kliyente e.. Sayang naman kasi kung hindi ko—" "May hindi ka ba sinasabi sa amin?" tanong ni Manny. Sa pagkakataong ito ay labis ng kinakabahan si Erica, nanginginig na ang buong laman laman niya pati na rin ang bibig niya kaya hindi ito makapag salita. "Anak, kung may problema nandito kami." nag aalala na sabi ni Berta, mula sa likod niya ay pinakita niya ang Pregnancy test kaya nanlaki ang mga mata ni Erica. Naguguluhan ito kung bakit nasa kanila ang Pt na ginamit niya hanggang sa mapag tanto niyang nadapa siya kani-kanina lang at maluwag ang bulsa ng short niya kaya sa malamang ay nahulog ito. "Sa'yo 'yan diba?" tanong ni Manny sa anak niyang dalaga. Tumayo si Erica at lumabas ang mga namuong luha sa mga mata niya. "'Ma.. 'Pa..." umiiyak niyang sabi. "Anak 'wag kang matakot.. Sayo ba 'to?" tanong ni Berta. "O.... Opo." Bumigat ang paghinga ng Papa niya saka ito napa hilamos ng mukha "Sino ang ama?" tanong nito. "'Pa... Y-yung b-boyfriend ko p-po" nanginginig na sagot ni Erica dahil sinunuod niya ang plano ng pinsan niya. "Akala ko ba wala kang boyfriend?" "Sorry 'Ma." Actually nasira na ang plano, kakausapin muna dapat kasi ni Erica si Oliver para magpanggap na may relasyon sila para wala masyadong problema. Pulis ang tatay ni Erica at alam niya ang batas, baka makulong lang si Oliver at ayaw naman niya itong mangyari dahil dalawa silang may maling nagawa. Walang R*pe na nangyari dahil in the first place ginusto nilang dalawa, in the Second place, Lasing pa sila. "Kailangan kong kausapin yang Boyfriend mo, Berta luluwas tayo—" "Teka teka lang po!" pagpipigil niya sa Papa niyang aalis na sana ng kwarto "Baka pwedeng kami po muna ang mag usap?" pakiusap ni Erica. Nahinto si Manny dahil sa palagay niya ay may punto ang kanyang anak. "Sige, papayag ako pero pag harap sakin ng lalaking yan siguraduhin mo lang na magpa-pakalalaki siya, dahil kung hindi tatamaan 'yon saakin." Lumabas si Manny ng kwarto at lumapit naman si Berta sa anak niya. "Sorry 'Ma" humahagulgol na sabi ni Erica. "Bakit ka nag so-sorry, anak... Blessing yan, kaso lang dapat kasal muna bago baby— pero nandyan na yan e." "Sorry po talaga, nagkamali ako 'Ma." "Sabi na e, kung paano ka palang kumain may kutob na akong buntis ka." "Huh?" hindi makapaniwala na tanong ni Erica. Nabunutan ng isang tinik ang dibdib ni Erica pero may isa pang tinik ang nakatusok dito. 'Yon ay ang Ama ng pinag bubuntis niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD