"Lumabas ka diyan!"
Nagising si Oliver dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng bahay niya, hindi niya na lang ito pinansin dahil baka kapit bahay niya lang ang nag iingay.
"Lumabas ka diyan!"
Inis siyang bumangon at pumunta sa Cr para mag hilamos ng mukha saka siya bumabas at binuksan ang pintuan.
Inis niyang binuksan ang gate, at nakita niya ang lalaki at babaeng may edad na. Napakamot siya sa Ulo.
"Sino ka ba!? Ba't ka nag e-eskandalo rito!?" inis na tanong ni Oliver, laking gulat ni Oliver ng bigla siyang sapakin ng lalaki "Aba! E—" nahinto ito nang mapansin niya ang baril sa pantalon ng lalaki.
"Subukan mong hindi panindigan ang Anak ko at magkakamatayan tayo rito!"
Napalunok si Oliver at nakaramdam ng takot. Bigla siyang nakahinga nang maluwag nang biglang sumulpot si Erica. Naka-kross ang dalawang braso nito.
"Manong—"
"Ser! Ser ang itawag mo sa akin!" naglabas ng I.D ang tatay ni Erica "Pulis ako!"
Nanlaki ang mga mata ni Oliver at napalunok "S-Sir, pa-papanindigan ko naman po yang Anak niyo e. Tutostusan ko po ang panganganak niya."
"Nasaan ang mga magulang mo ha!?" matapang na tanong ni Manny sa binata.
"Hindi po sila nakatira dito—"
"Gusto ko silang makausap!"
"W-wait lang Sir"
"'Wag mo akong pinaghihintay!"
Mabilis na kinuha ni Oliver ang Phone niya at kinontak ang kanyang Ina. Sumagot naman agad ang nanay niya.
"'M-ma" pag sasagot ni Oliver, habang takot na nakatingin sa papa ni Erica
"My son! Napatawag ka."
"Come here, now"
"Bakit? Ano na namang gulo ang pinasukan mo? May nabuntis ka?"
Napanganga si oliver dahil sa sagot ng nanay niya. Namangha ito at biglang kinabahan.
"Exactly" wala sa sariling sagot nito.
"What!? Seriously!?" nakakabinging sagot ng ina niya kaya nailayo niya ang Phone sa tenga niya "I'm on my way! Siguraduhin mo lang na kaya mong lusotan yang pinasok mo!" saka niya pinatay ang linya.
"Ano?" tanong ni Manny sa Binata.
"On the way na po si Mom" mabilis na sagot ni Oliver.
"Anong trabaho mo!?"
"Engineer po"
"Ano na palang ulit pangalan nitong nobyo mo?" tanong Manny sa anak niyang dalaga.
Nanlaki naman ang mata ni Erica dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya, hindi niya pa kasi alam ang pangalan ng nakabuntis sa kanya. Taka naman siyang tiningnan ni Oliver.
"Nobyo?" takang tanong ni Oliver, nilakihan siya ng mata ni Erica.
"Ah, Papa h-hindi ko na siya boyfriend"
"Hindi mo naman talaga ako naging Boyfriend—" nahinto sa pagsasalita si Oliver ng takpan ni Erica ang bibig niya.
"'Pa nag break na kami kagabi, e kasi nga nag away kami tungkol dito sa baby." pagsisinungaling ni Erica.
Itinuloy niya ang plano niyang palabasing si Oliver ay nobyo niya, dahil hindi pa siya handa sa magiging reaksyon ng magulang niya pag nalaman nilang nakipags*x siya sa taong hindi niya kilala. Ang tanging sinabi niya lang sa mga magulang niya ay nag away sila ni Oliver dahil ayaw niyang panindigan ang magiging anak nila.
"Anong nangyayari dito?" biglang sulpot ng Mama ni Oliver. Sa kabilang Village lang naman kasi sila nakatira kaya mabilis siyang nakarating.
"Ma'am magandang umaga po." magalang na bati sa kanya ni Manny
"Good morning po." bati rin ni Berta.
"Good morning din po." sagot ni Athena sa kanila.
Tinanggal ni Erica ang kamay niya sa bibig ni Oliver. Nginitian siya ng Mama ni Oliver saka ito dahan dahang lumapit sa dalaga.
"Siya ba Anak?" nakangiting tanong ni Athena sa anak niyang binata habang nakatingin kay Erica.
"Good morning po." bati ni Erica sa mama ni Oliver, laking gulat ng dalaga nang bigla siyang niyakap.
"Ma'am, nabuntis po ng anak niyo ang anak namin pwede po bang gumawa tayo ng kasunduan?" si Berta.
"Oliver, ba't hindi mo sila papasukin!?"
Oliver pala' sabi sa utak ni Erica dahil nakalimutan niya ang pangalan ng binata.
"Tara na sa loob, bala-e" aya ni Athena kay Berta.
"Bala-e?" kunot noo'ng tanong ni Oliver.
Pumasok silang lahat sa loob at naiwan sila ni Erica sa labas.
"Anong nobyo ang sinasabi 'nun?" tukoy ni Oliver sa Papa ni Erica.
"S-sinabi ko sa kanila n-na boyfriend kita—"
"Hell no! Ano ka sinuswerte!? Sasabihin ko sa kanila na nagkakilala tayo sa Bar—"
"'Wag!" pagpipigil sa kanya ng dalaga "Pag sinabi mo yun, mas lalong la-lala ang sitwasyon, makisama ka nga! O-oliver." unang banggit niya sa pangalan ng binata.
Napakamot sa ulo si Oliver dahil may punto ang dalaga. Lalo pa't pulis ang tatay ng nabuntis niya. Baka sa kasuhan lang mauuwi ang lahat.
"Fine! Papayag ako! Papanindigan ko na yan!" turo niya sa tiyan ng dalaga "Pero 'wag mo na ulit akong gugulohin!"
"Erica ang pangalan ko." pagpapakilala ng Dalaga.
"B*tch do you think I care." bored na sagot ni Oliver saka siya pumasok sa loob. Naiwang nakanganga si Erica dahil sa inasal ni Oliver, parang gusto niya itong kilitihin gamit ang Barena.
Umupo silang lahat sa sala, at nag umpisang mag usap.
"I guess alam ko na kung bakit ako pinapunta dito ng Anak ko, dahil hindi siya marunong mag plano ng kasal—"
"KASAL!?" Sabay na tanong nila Erica at Oliver.
"Bat parang gulat na gulat kayo? Normal sa magkasintahan ang magpakasal" sermon ni Manny.
"Pero 'Pa, nag usap na kami pumayag na siyang sustentuhan ako. Wala ng kasal kasal" tarantang sagot ni Erica.
"Oo nga naman Manong— I mean Sir, s-saka hiwalay na kami niyan e." reklamo din ni Oliver.
"What? Hiwalay agad?" takang tanong ni Athena.
"Opo, nag hiwalay po kami kagabi kasi pinag awayan namin 'tong baby"
"Baby? Dugo pa yan e—" nahinto sa pag bulong si Oliver nang makita niyang nakatingin sa kanya ang Papa ni Erica.
"Well, dahil may nabuo na kayo kailangan niyo nang magbalikan para diyan sa baby niyo." pakiusap ni Athena
"Oo nga naman mga Anak, kahit para nalang diyan sa magiging baby niyo" pakiusap ni Berta.
"Alam ko na!" biglang sabi ni Erica "Magkakabalikan kami pero wala ng kasal"
"Yun!" turo ni Oliver kay Erica at natuwa sa naisip ng dalaga "Uso naman ang Live in e."
"Live in? Pinapakasalan ang anak ko, hindi nili-live in!" Galit na sabi ni Manny.
"Galit na naman" bulong ni Oliver sa sarili niya.
"Erica, how old are you?" tanong ni Athena
"Twenty-three po."
"Ang tatanda niyo na pala bakit ayaw niyo paring maikasal? Oliver how old are you again?" tanong ni Athena sa Anak niya.
"Twenty- five" walang ganang sagot ni Oliver na ikinabigla ni Erica.
Tanda mo na hindi ka pa rin seryoso sa buhay?' sabi ni Erica sa utak niya habang kunot noo'ng nakatingin kay Oliver.
"Aba! Pwedeng pwede na pala e. Dahil nabuntis mo ang Anak ko kailangan mo siyang pakasalan sa lalong madaling panahon." may awtoridad na sabi ni Manny.
"'Saka ilang taon na ba kayong mag kasintahan?" tanong ni Berta.
"One week/ One Year" nagkatinginan ang dalawa dahil magkaiba sila ng sagot, si Erica ang nag sabi ng One year.
"One week" pag pupumilit ni Oliver
"One year!"
"One week!"
"One week and One year?" tanong ni Athena
"Opo/ Hindi!" magkaiba ulit sila ng sagot.
"Hindi na yan importante, kung ilang taon na kayo. Dahil nabuntis mo ang anak ko, kailangan mo siyang pakasalan." panenermon ni Manny.
"Anong nangyayari dito?"
"Sh*t" mahinanag sabi ni Oliver ng marinig niya ang Tatay niyang dumating.
"George, buti at nakarating ka agad." sagot ni Athena sa asawa niya.
"Magandang umaga po Sir" bati ni Manny kay George at bigla silang nagtitigan.
"Manny? Ikaw ba yan?" tanong ni George nang makilala niya ang kaibigan niya sa Probinsya noong College.
"George? Aba! Kamusta pare?" masayang bati ni Manny sa matagal niya ng hindi nakikitang kaibigan.
Habang nag kakamustahan ang mag kumpare ay tulala lang sila Oliver at Erica dahil parang alam na nila ang resulta ng pag uusapan nila.
"Ano bang Meron pare, ba't kayo naparito?" tanong ni George.
"Hmm.. Yang anak mo, nabuntis ang Anak ko magkasintahan pala sila. Kita mo nga naman ang pagkakataon."
Sabay na napalunok ang dalawa at dahan dahang nagkatinginan habang bakas ang pag aalala sa mga mukha nila.
"Ganun ba? Haha! You're the Man, my Son kailan ang kasal?" natutuwang tanong ni George.
"This is all your fault" nagpipigil na inis na sabi ni Oliver kay Erica.
"Sisihin mo sperm mo 'wag ako" mataray na sagot ni Erica.
——
"Ramsy, I need you" tawag ni Oliver sa kaibigan niyang abogado
"Ano yun dude?" sagot naman nito.