Pag gising ni Erica ay naghanap agad siya ng Mangga kaya mabilis itong pumasok sa banyo para mag hilamos at mag sipilyo saka lumabas ng kwarto. Pinuntahan niya ang kwarto ni Oliver pero nang pihitin niya ang doorknob ay naka lock na ito kaya napakamot siya ng ulo 'saka bumaba. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa disenyo ng bahay ng Asawa niya. Hinimas niya ang tiyan niya saka pumunta nang kusina at nag hanap ng makakain. "Ang aga namang umalis nun." iritang sabi niya habang nagkakamot ng ulo. Nang may makita siya sa Ref na pwedeng iluto ay inumpisahan niya nang magluto ng kakainin niya. Nag timpla rin siya ng gatas at habang kumakain ay iginagala niya ang kanyang paningin sa loob ng bahay. Napakalaki nito pero mag isa lang ang nakatira, walang katulong si Oliver dahil ayaw niy

