PROLOGUE:
Ligaya Sienna's POV
"Ganda pabili nga ako ng palamig at saka isang siopao!"narinig ko salita ng isang Ale kaya naman pinagbilhan ko ito.Buenas Dias!Kakabukas ko lang sa pwesto ng mga oras na iyon kaya naman kailangan pagbilhan ko agad ang unang customer. Para naman hindi malasin ang pagtitinda ko.
"Eto lang po ba?"pagtatanong ko habang naglalagay ng palamig sa plastic cup. Pagkakuha ng siopao ay agad ko ng iniabot sa Ale ng maibalot ito sa plastic.
"Oo ganda iyan lang magkano?"aniya pa nito.
"Trenta lang po lahat Ale."magalang ko na sagot pabalik.Nginitian pa ako nito ng iabot ang bayad sa akin.
Ngumiti rin ako pabalik rito bago nagpasalamat at sinabing balik ulit. Maya-maya naman ay dumagsa na ang bumibili sa akin oh di ba buenas talaga.
"Oy mga suki bili na kayo masarap,malasa, mabango ang mani ko bagong luto. Malinamnam pa tiyak na magugustuhan niyo!"sigaw ko habang nagtatawag ng mamimili sa tabing daan.
Oo nagtitinda ako ng mani, siopao at palamig sa may tabing daan malapit sa isang sikat at exclusive na subdivision rito sa Bulacan.Malakas naman ang kita ko kahit paano sa raket na pagtitinda na ito. Nakakakain pa naman kami ng tatlong beses sa isang araw!
"Miss Beautiful pabili nga ng mani mo. Matikman kung masarap nga at malasa 'yan"
Lumingon ako sa nagsalita sa may gilid ko.
Isang gwapong nilalang ang nabungaran ko at may matamis na ngiti sa labi.Alam mo 'yon ngiti pa lang malalagutan ka na ng garter ng panty at maiihi gano'n kalakas ang appeal ng lalaking bumibili ng mani ko—mani kong paninda! Naka sando lang ito na medyo kupas na ang kulay at pantalon na may sira ang bandang tuhod at partida naka tsinelas lang si Pogi.Simple pero malakas ang dating.Hot and Hunk.Halata rin mamasel ito lalo na bakat sa suot ang mga abs na mukhang masarap himasin.Hoy Ligaya wag maharot!
"Ilan po Sir pogi na mani?Naku masarap po talaga ito at malasa, mabango pa!"aniya ko na nginitian din si pogi pabalik.Hindi ito nagsalita kaya muli ako nag-angat ng tingin at nahuli ko na nakatitig lang naman ito sa akin partikular na sa may dibdib ko."Ay pogi ano ba bibilhin mo mani ko o eto siopao?" dagdag ko pa salita rito.
"Pwede bang both?Mukhang masarap nga!" saad ng lalaki sabay kindat at ngisi sa akin na nakatingin pa rin sa dibdib ko.
"Uh-huh masarap talaga at saka bakit sa dede ko ikaw nakatingin aber?Naku kayo talaga mga lalaki mga manyak talaga!Pangit ka man o gwapo ay manyak na ngayon!Ano 'yon no choices na talaga ngayon ang makahanap o makakita ng isang matinong lalaki?Ikain mo na lang pogi ng mani ko at siopao ko ,wag masyado tumitig sa dede ko baka bigla itong lumiit!"
Napakamot naman sa kilay ang lalaki nang marinig ang sinabi ko.Tunay naman kasi ang sinabi ko noh mahirap na maghanap o makakita ka ng matinong lalaki ngayon.Wala na rin pinipili ngayon, ke-gwapo ka man o pangit ay hindi na papahuli sa pagiging manyak at manloloko.
Alam ko naman na malusog ang dibdib ko at, may matambok na pwet may siksik na pangangatawan pero may kurba medyo matangkad—I mean hindi pandak, hindi rin totally matangkad kumbaga tama lang ganorn!Pantay rin naman pag nakahiga na eh.Maganda rin ako na pwede ipang display sa kabinet!Charot!.May pagka morena ang kutis na makinis kahit na ba nagtitindi lang ako sa tabing kalsada aba may maipagmamalaki naman ako noh ang masarap, malinamnam, malasa at mabango ko mani—Maning tinda oy!Akala mo kung ano noh!
Totoo naman maganda ako pwera biro o echos nachos!Nagsasalamin lang ako na pang nerd at naglalagay ng kunyaring tigidig sa mukha para pumangit dahil napapahamak ako sa real face ko.Kung ang iba nagpapaganda sa paggamit ng Kojic soap at Papaya soap na pampaputi ako naman ay kabaliktaran—pinapapangit ko ang sarili kahit na ba may side na litaw pa rin ng konti ang angking ganda ko.May trauma na kasi ako dahil doon kaya mas pinipili ko mag-disgust ng ayos.Maluluwag na t-shirt at short na panlalaki ang sinusuot ko bilang porma.
"Sige na pagbilhan mo na Miss Beautiful ang dami mo satsat riyan!"natatawang saad ng lalaki kaya inirapan ko ito bago binigay ang mani at siopao, sinamahan ko na rin ng palamig kahit wala naman ito sinabi. Paladesisyon yorn!
Iniabot ko sa lalaki ang binili at naupo ito sa may gutter sa tabi ng pwesto ko bago nito nilantakan ang binili.Akalain mo 'yon ang gwapong nilalang na nakaupo sa tabing daan.May mga nagsilapitan naman mga dikya este higad ay mali mga babae pala na nagbibili rin para lang makasulyap kay Pogi na busy sa pagkain.
Mukhang makakadami ako ng benta pag laging tatambay si Pogi sa tabi ng pwesto ko ang dami kasing haliparot na papansitin este papansin rito.Mapa babae, bakla man ay tuong nagpapapansin rito.Naiiling ako ng mapasulyap sa gawi ng lalaki na ngayon ay may ilan ng kausap na dikya na todo kilig paano nakabalandra ang makalaglag panty nito ngiti isama mo pa ang biloy nito bumabalandra rin.