BALIK PWESTO MULI ako sa pagtitinda at as usual bumili na naman ang poging lalaking iyon kaya ayon nakabenta ako ng malaki-laki kahit paano ngayon araw.May maiuuwi akong pera para sa mga kapatid ko at saka makakabili na rin ako ng maayos at masarap-sarap pwede namin makain.
Isang kahig, isang tuka kami.Mahirap kung mahirap at kung hindi ako magsisikap na dumiskarte sa buhay ay nganga ang aabutin namin at matetegi ng dilat dahil sa gutom. Labandera lamang ang hanapbuhay ng aking ina at ang ama ko naman ay isang construction worker.Under grad. ako sa kolehiyo dahil hindi na ako nakatapos. Hanggang sekondarya lang ang natapos ko sa kursong BSBA.Kahit mahirap kami ay may pangarap ako para sa pamilya ko, para maiahon ko sa kahirapan ang buhay namin. Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay at ang apat ko pa na mga kapatid ay mga bata pa.Taon-taon kung manganak ang aking ina sa sipag nila ni tatay na gumawa!Mahirap na nga kami ang sipag pa ng magulang ko gumawa ng bata at buti na lang nga after ng huling panganganak ni Nanay ay naisipan na rin ng magulang ko na mag-family planning.Ang bunso kong kapatid ay may epilepsy at madalas na atakihin ng sakit nito.Special child kasi ang kapatid kong bunso but for me hindi iyon malas kundi swerte para sa akin kasi binigay iyon ng diyos.Yeah hindi man namin inaasahan ang gano'n pero mahal ko ang mga kapatid ko.
Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging buwan na nga.Ilang buwan na akong nagtitinda sa labas ng subdivision na ito sa may tapat mismo nito. Iniipon ko ang bawat kita ko sa pagtitinda kahit pakonti-konti ang tinatabi ko para halimbawa pag may emergency ay may madudukot ako pera.Hindi biro para sa akin ang maging pangalawang magulang para sa mga kapatid ko kahit na sabihin na nandyan pa naman ang mga magulang namin.Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko ano bang purpose ko sa buhay bilang panganay na anak?Siguro ito ang purpose pag panganay ka taga salo rin ng responsibilidad ng magulang.
"Ganda pabili nga ako ng palamig at siopao tig-isa lang."
Napalingon ako sa isang babae ng magsalita ito sa gilid ko.Pagkaabot ko sa bumili ng mani ay agad ko naman na pinagbilhan ang magandang babae.Ang simple nito sa suot pero litaw pa rin ang ganda.Kahit siguro punit-punit o basahang damit ang isuot nito ay maganda pa rin!
Gumilid ito sa isang tabi at doon kinain ang binili sa paninda ko habang ako naman ay pinagbilhan ang nabili pa.Maya-maya naman ay nagtanong ang babae sa akin na ikinasulyap ko dito.
"Mmm..ganda pwede magtanong?"
Saad nito na na agad ko naman sinagot at tinanguan.
"Ano iyon?"
"May naghahanap ba diyan sa loob ng subdivision na kasambahay?"
Aniya nito sa akin na daglian naman ako nag-isip dahil di ko sure if meron kasi.
"Hindi ko sure girl, pero narinig ko lang na may naghahanap nga daw riyan sa loob na magiging kasambahay.Dehins ko lang alam kung kanino bahay.Magtanong ka na lang dun kila manong guard!"
Susog na salita ko sa babae at itinuro ang guard house sa may gate ng subdivision. Pagkatapos nito magpasalamat sa akin ay nagtungo na nga ito sa may guard. Sinundan ko ng tingin ang babae na ngayon ay kausap na ang isang guard.Nawala lang ang tingin ko sa babae ng may bumili kaya doon na natuon ang atensyon ko.Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na ang babae at syempre inusisa ko sa friendly way at hindi sa parang mosang na kapitbahay.
"Oy, girl ano naghahanap pa ba daw?"
Tumango naman ito sa akin at saka sinabi ang pinag-usapan nila ng guard.Napatango na lang ako at ngumiti dito na ngumiti rin pabalik sa akin.Nagpaalam na rin ang babae na hindi ko na naitanong ang pangalan nito. Di bale sa susunod na lang pag-napagawi muli doon ang babae sako ko na lang itatanong ang pangalan.
Lumipas ang maghapon ko na pagoda ang lola niyo sa pagtitinda pero keribumbom pa at dehins pa naman hargarda bersosa!Amoy pawis man pero mabango pa rin.Umuwi ako sa bahay namin na may bitbit na pasalubong para sa mga kapatid ko.Malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang mga kapatid ko sa labas ng bahay namin na mga nakaupo habang pinapanood ang ilang kapitbahay namingga bata na naglalaro ng tumbang lata.Alas kwatro pa lang ng hapon pero mataas pa ang sikat ng araw.
"Ate!"
Masiglang sigaw ng bunso kong kapatid na si Gabriel na siyang nakapansin sa akin. Anim na taon gulang pa lamang ito pero hindi halata sa edad dahil maliit na bata ang kapatid.Habang ang sumunod sa akin ay siyam na taong gulang, walo, at pito.Oh diba ang babata pa taon lang pagitan ganyan kasipag sila Nanay noon!
"Hello baby Gabriel namin.Kumusta ka dito sa bahay?Behave ka ba kila ate at kuya?"
Masigla kong pagtatanong sa kapatid ko ng makalapit pa ng husto sa mga ito.Agad naman yumakap sa akin ang kapatid ko na ikinangiti ko.Malambing talaga sa akin ang kapatid kong bunso.Niyakap ko rin ito pabalik at binuhat ng tumayo na ako.Niyaya ko na rin sa loob ang iba ko pang mga kapatid.Halos wala pa kaming lutong pagkain kaya naman inutusan ko ang isa sa mga kapatid ko na linisin ang kalderong pagsasaingan ko pag nakapahinga na ako sandali.Tumalima naman agad ang inutusan kong kapatid.Nang hapon na iyon ay sabay-sabay kami kumain ng dumating ang magulang namin.Natulog ako na payapa ang dibdib.
Kinabukasan naman ay alas nueve na ako nagtinda dahil inasikaso ko pa ang mga kapatid ko lalo na ang bunso namin.Si Nanay at Tatay naman ay maagang umalis kaya hindi na ako nagreklamo pa.
Marami agad ang bumili pagkabukas ko at hindi ko nga inaasahan na makikita ko muli 'yon babae kahapon.Bumili ng palamig ang babae at syempre kinausap ko na rin.Sinabi nitong sumasidline sa pagtitinda at inalok nga ako ng paninda nito.Kahit nahihiya dahil pareho lang kami naghahanapbuhay ay kinapalan ko na ang peslak minsan lang naman eh.Kumuha ako ng isang piraso sa paninda nito.Turon na lang ang kinuha ko at saka kinain.Habang kinakain ko ang turon ay nagtanong naman ang babae ng pangalan ko kaya sinagot ko agad.
"Ligaya Sienna"
Yeah that's my beautiful name kasing ganda ko!Charot lang!Pero totoo iyan talaga ang pangalan ko at masasabi kong hindi ko 'yan ikakahiya kasi ang unique di ba.Kumbaga kakaiba dahil sa henerasyon ngayon pagandahan na ng pangalan hindi tulad ng sa akin na sinauna pa.Nagpakilala rin ang babae sa akin.
"Ako nga pala si Jellybean.Jelly na lang itawag mo sa akin.Friends?"
Ngumiti ako kay Jelly ng nilahad nito ang kamay.Inabot ko naman iyon at nakipag kamay dito.Hindi naman ako choosy pagdating sa pakikipagkaibigan eh.
"Sure!Friends na tayo Jelly!Nice to meet you. May new friend na naman ako.Hihi"aniya ko dito at bumungisngis ng mahina na ikinangiti rin nito na nauwi sa tawanan namin at naputol lang ng may dumating na bwusit na nilalang.
Agad na umasim ang mukha ko ng makita ang lalaki.Inirapan ko rin ito bago umayos ng tayo.
"Oy, my peanut pabili nga ako ng mani mo at siopao mo!"
Hay naku ayan na naman ang tawag sa akin ng kulugo na ito.Hindi ko nga alam kung bakit naging ka close ko ang lalaking ito. Siguro dshil lagi itong nabili sa akin at walang palya iyon.Kahit na sinusungitan ko ito ay apaka daldal pa rin at sige lang sa pagkausap sa akin.Hindi ko nga alam kung likas lang ba talaga sa binata ang pagiging madaldal o baka naman nun abby pa ito ay pinakain ng pwerta ng manok o kaya ng baboy kaya heto ang bunganga walang preno kakasalita!Nasasanay na rin ako sa pagtawag-tawag nito sa akin ng 'My Peanut!'Wala naman malisya sa akin kasi 'yon at saka hindi naman kabastusan ang dating sa akin pwera na lang sa iba na utak berde at malumot! Inirapan ko muna ang lalaki pero pinagbilhan ko rin kalaunan si Onyx.Yeah I know his name.Oh di ba!
"Oh ayan na ang binibili mo, samahan mo na rin nitong panulak na masarap na palamig ko!"
Saad ko sa binata at agad na iniabot ang binibili nito.Kay lawak pa ng ngiti nito at ang kulugo na ito may pagkindat pa bago abutin ang binili.Haharapin ko na sana muli si Jelly pagkakagat ko sa hawak kong turon ng magsalita na naman si Onyx na nasa tabi ko na pala.
"My peanut ano 'yan kinakain mo?Patikim ako mukhang masarap parang etong mani at siopao mo!"
"Bastos ka talagang kulugo ka!Naku matitiris na kita!"singhal ko kay Onyx na hindi man lang natinag bagkus ang hinayupak ngumisi pa sa akin bago nagsalita.
"Eto naman bastos agad my peanut, hindi ba pwedeng yummylicious lang ako lalo na pag nakahubad baro!Ano nga kasi 'yan kinakain mo pahingi konti lang.Sige ka baka matiyan ako kasalanan mo pa!"
Napaismir ako sa sinabi nito at aba't talagang kinokonsensya at tinakot pa ako.Sa huli binigyan ko na lang si Onyx pero konti lang na agad na ikinareklamo ng huli.
"My peanut hindi man lang sumayad sa lalamunan ko!Grabe ka talaga sa akin!"
Madramang saad ni Onyx na ikinaikot ng mata ko at halos magulat kami ni Jelly sa sunod na ginawa ng binata.Paano kasi inabot nito ang wrist ko at isinubo ang hawak kong turon at halos matulala na lang ako dahil dun pa ito mismo kumagat sa nalawayan ko na at nakagatan.Nag-init din bigla ang magkabila kong pisngi dahil sa hiya at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan! Para akong nabato balani at natuklaw ng ahas sa ginawa ni Onyx.Bumilis rin ang t***k ng puso ko kaya hindi na ako nakakibo sa pwesto ko.Naging taong bato ako saglit!
"Wow ang sarap nito!Saan mo nabili my peanut?May tinda ka ba diyan?"
Narinig ko pang salita ni Onyx na enjoy na enjoy sa pagkain ng turon ko.Hindi man lang nito alintana ang pagkakatulala ko sa harapan nito!Lutang na sumagot ako kay Onyx.
"Huh?"
Pagkasabi ko nun ay itinuro ko si Jelly na nahihiya at may alangan na itsura.Bumaling doon si Onyx at aba ang kulugong ito galante binili lahat ng paninda ni Jelly!At hindi pa rin ako makakibo ng hawak pa rin ni Onyx ang kamay ko at isubo pa ang panghuling konting piraso ng turon.
"Kulugo baka gusto mo ng bitawan ang kamay ko nasisiyahan ka na!Inubos mo na nga ang turon ko hawak mo pa kamay ko swerte mo naman na hinayupak ka!"
Pabulong na saad ko kay Onyx na may diin ang pagkakabigkas.Lumingon ito sa akin bago ngumisi at inilapit pa ang mukha sa akin. Nailang ako at pasimple ko sinulyapan si Jelly na busy na sa pagbabalot ng binibili ni Onyx.
"Ayoko nga my peanut."nakangisi nitong ganting bulong sa akin at napasinghap na lang ako ng biglang halikan nito sa may gilid ng labi ko.Sinamaan ko ng tingin si Onyx na nakangiti na ngayon sabay sabi ng "May dumi sa gilid ng labi mo my peanut nilinis ko lang!"dagdag na salita nito sabay kibit balikat bago humarap kay Jelly na kakatapos lang na ibalot ang paninda.
Awang ang labi ko sa tinuran ni Onyx at pakiramdam ko nag-iinit lalo ang pisngi ko.Tumingin ako kay Jelly na mukhang hindi naman siguro nakita ang ginawa ni Onyx na paghalik sa akin.Sana nga hindi dahil nakakahiya jusko po lord!Lalo lang bumilis ang t***k ng puso ko kaya pasimple ako humawak dun at tinampal ng mahina. Napatingin lang ako kay Onyx ng alukin ako ng binili nito kay Jelly.
"Buti naman naisip mo na alukin ako. Hmmpp!"nakasimangot na saad ko kay Onyx sa mahinang boses.
"Syempre naman ikaw pa ba My Peanut lakas mo kaya sa akin!"aniya nito sa akin sabay pisil pa sa pisngi ko at kindat kaya nakasimangot na tinampal ko ang kamay nito na humalakhak lang sa ginawa ko.Bago umalis si Jelly ay kinuha nito ang number ko at peysbuk ng manahimik ako sandali.
Nakahinga lang ako ng maluwag at napapaypay sa mukha na nag-iinit pa rin ng umalis na si Onyx.Sinundan ko na lang rin ng tingin ang sasakyan nito papasok na sa loob ng subdivision.Wala na sa paningin ko ang sasakyan ng binata pero heto nakatunganga pa rin ako!Sienna umayos ka hindi pwede na mahulog ka sa panghaharot ng lalaking iyon!Tandaan mo magkaiba kayo ng estado sa buhay!sita ng isang bahagi sa isipan ko kaya napapikit ako at huminga ng malalim.Alam ko naman na magkaiba talaga kami ng estado ni Onyx.Kahit simple ito ay naroroon pa rin ang katotohanang may sinabi ito sa buhay eh samantalang ako isang simpleng tindera lamang na kumakayod sa araw-araw para may makakain kami ng tatlong beses sa isang araw! Hay Sienna delicades ang heart mo sa kulugo na iyon kaya be careful!