SIENNA'S POV "Tama na po..wag po parang awa niyo na…Ahhh…Tulong!" Saka pa lang ako nakakilos ng marinig ang umiiyak na sigaw ng babae.Agad binaba sa isang tabi ang mga pinamili bago walang alinlangan na naghanap ng pwedeng ipanghampas sa lalaking nanggagahasa sa babae na walang kalaban-laban.Isang kahoy ang nakita ko kaya pinulot ko iyon at walang pag-aatubili na lumapit sa mga ito. Nakatalikod sa gawi ko ang lalaki kaya hindi nito pansin na may ibang tao na pala. Napatingin sandali sa akin ang babae na luhaan kaya sumenyas ako dito na wag maingay.Dahan-dahan ang kilos ko at kahit na kinakabahan ay inipon ko ang lahat ng lakas ko bago hinampas ng may kalakasan ang lalaki sa likuran nito.Napaigik ang lalaki bago bumulagta sa ibabaw ng babae na lalong umiyak.Mabilis na binitawan ko agad an

