SIENNA'S POV LUMIPAS PA ANG MGA ARAW na naging maayos ang pamumuhay namin kasama si Mae.Kahit paano ay nakakarecover na ang dalaga hinggil sa nangyari dito.May bangayan pa rin nagaganap sa pagitan namin ng babae ng ama pero hanggat kaya ko magtimpi at umiwas ay ginagawa ko na lang kesa mag-aksaya ng oras at laway sa babaeng 'yon. Miss na miss ko na ron si Onyx dahil ilang linggo na kami nitong hindi nagkakachat o nagkakausap man lang.Naiintindihan ko naman ito na baka busy lang sa ginagawa sa France kaya hindi ko na rin inaabala o kinukulit man lang.Hintayin ko na lang ang pagbabalik ng nobya na isang linggo na lang.Ang huling chat kasi ng nobyo ay nabanggit nitong pabalik na ito sa susunod na linggo. "Sienna may gagawin ka ba ngayon pagkatapos ng shift natin?" Napaangat ako ng tingin

