Nakatitig lamang si Mia kay Rogue habang isinusuot nito sa kaniya ang singsing. Kaagad na pumalakpak ang mga taong kasama nila. Sabi ni Rogue ay mga kaibigan niya ang ilan dito. Napapiksi naman siya nang mapagtantong kanina pa pala niya tinititigan ang binata. Kinuha niya rin ang singsing at isinuot iyon sa binata. Kaagad na nagsipalakpakan naman ang mga tao sa paligid. Wala siyang makitang kalahi nila. Puro ito mga puti. “You may now kiss your bride! Congratulations!” Nanlaki ang mata ni Mia nang higitin siya ni Rogue at mabilis na hinalikan. Hindi na rin siya nakareklamo pa kaya hinalikan niya ito pabalik. Ang ingay pero napapangiti na rin siya dahil talagang masaya. Kaagad na umalis naman sila at sumakay sa sasakyan. Hindi niya alam kung saan sila pupunta. “Saan tayo?” tanong niya

