Kinakabahang nakatingin lamang si Mia sa labas ng napakalaking mansiyon. Napalunok siya at tiningnan si Rogue na nakatingin lang din pala sa kaniya. “Why?” tanong nito. “T-Talaga bang kailangan nating pumasok sa loob?” aniya. Rogue laughed a little. “Natatakot ka ba? Don’t worry, they won’t bite,” sagot nito. “Hindi nga nangangagat, pero paano kung masakit kumahol?” wika niya rito. Hinawakan naman ni Rogue ang kamay niya kaya napapiksi siya saglit. Kaagad na kumunot ang noo ng kaniyang asawa. “Get used to it,” anito. Alanganing tumango naman siya. “Look, if you’re not ready today, puwede naman tayong umalis. I can explain to them later,” saad nito. Napailing naman si Mia. “Of course, you can’t! Baka ano pa ang isipin ng pamilya mo sa ‘kin no. Isa pa, nandito na tayo. Just...just gi

