Sunset I realized how money can control the world. It is so powerful that it could change things in a snap. Idiniin sa akin ang katotohanan na 'yon. Matapos ang nangyaring pagpunta ni Poseidon ay naging maayos ang takbo ng paligid sa paaralan ko. The school apologized to me, pati ang sumugod at mga nanakit sa akin. Ang nanay ni Sonya ay gano'n din. And I don't know what to feel. Should I feel happy? Or should I feel sad with the fact that respect depends on money? "Boyfriend mo pala ay isa sa shareholder dito! And take note, ang laki pa ng share niya," sabi sa akin ni Soda. Walang teacher kaya kung anu-ano lang ang ginagawa ng mga estudyante. Now, even the corny mean girls are avoiding me. Nangalumbaba ako at sinulyapan siya. "Paano mo nalaman?" She rolled her eyes to me. "Paanong h

