Killing "You are really making everything hard for me, Dessa!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na masungit na boses na 'yon. Nilingon ko siya at nakita ko ang stepmother ko na si Tita Liana kasama ang tatlo niyang bodyguard. Lumayo ako sa karendirya 'tsaka kumaripas ng takbo. I looked back and saw the three huge men following me. Mas lalo kong pinabilis ang takbo ko at kung saan-saan sumiksik na eskinita. Ayokong mahuli nila. I never wished that Tita Liana would love me but I didn't expect that she'll be an evil stepmom. Nagbabago na si Papa simula nang mamatay si Mama. Naramdaman ko na lumayo na siya lalo sa akin. But years later, he became worse. Hindi na lang silent treatment ang natatanggap ko sa kaniya. Pinagbubuhatan niya na ako ng kamay hanggang sa palala nang pala

