Tears Isinara ko ang huling butones ng aking blouse. Napangiti ako sa sarili sa salamin habang pinagmamasdan ang kabuuan. Umikot pa ako at lalong napangiti. Puting shortsleeve at fitted ang pang-itaas ng uniform ko na may dark blue necktie. The hem of the very dark blue skirt kissed the skin just above my knee. Ang itim ko na sapatos ay may isang inch na takong, mukhang mamahalin at sigurado nga na mamahalin dahil galing kay Poseidon. I giggled in excitement. Today is the first day of my class! Kaya mo 'yan, Salacia! Dinampot ko ang kulay itim ko na sling bag at lumabas na ng bahay. I made sure that the door is locked, sunod ang gate, bago ako nagsimula ng maglakad. Walking distance lang naman ang school mula sa bahay na bago kong tinitirahan. Naninibago nga ako roon pero komportable n

