Home I am clearly enjoying the days that are passing because I am losing my count on it. Halos hindi ko namalayan na pasukan na next next week. Na-realize ko na lang nang sinabihan ako ni Poseidon na ihanda na ang mga gamit ko dahil one of these days ay kukunin niya na ako para dalhin sa bahay niya sa may bayan, malapit sa papasukan ko na eskwelahan. I am excited and nervous at the same time. I am really looking forward to the new chapters of my life. "Bibisita ka pa rin naman nang madalas, 'di ba?" tanong ni Diana Rose habang pinapanood ako na ipasok ang mga gamit ko sa aking bag. Pwede kasing mamaya o bukas, lilipat na ako. Abala pa kasi si Poseidon kaya medyo nade-delay lang at hindi rin naman ako nagmamadali. Naiisip ko rin kasi na siguradong mami-miss ko ang bahay na 'to. "Oo nam

